Behind your mask

11 1 1
                                    

"Pre, I know guso mo rin 'to, tara na! Don't deny it!"

Ani ng kaibigan ko habang hinihila ako paloob ng bar, 'The classic one' ika nga nila.

"My wife will be mad at me kapag pumasok ako diyan, Arthur," saad ko sabay tingin sa kaniya ngunit hindi niya yata narinig ang sinabi ko bagkus ay nagpatuloy pa rin siya sa paghila sa akin hanggang sa makapasok na kami.

Punong-puno ng mga taong sumasayaw, nag-iinom, may malakas na tugtogan, iba't ibang kulay ng ilaw at makakapal na usok na nasisiguro kong galing sa sigarilyo 'yun.

"Pre magagalit talaga asawa ko, mag-aaway na naman kami ni Miku!" saad ko ngunit tila wala siyang naririnig.

Lumapit siya sa counter at umorder ng hard one, naka sunod naman ako sa kaniya at tumabi.

"Oh, inumin mo, samahan mo lang ako manood, ikaw talaga, may sasayaw kasi diyan mamaya na babae na naka maskara, may mga sabi-sabing ngayon niya i-re-reveal ang mukha niya sa madla."

Napasighap ako, kahit kailan talaga, ano namang pake ko doon sa babaeng 'yun?

Kinuha ko ang phone ko at nagtipa, kailangan kong i-text si Miku na late ako makakauwi dahil sa mokong na 'to.

Akmang ise-send ko na nang kalabitin ako ni Arthur sabay turo ng entablado.

Humupa lahat ng tao sa dance floor, tanging mabagal lang na kanta ang naririnig, may lumabas na babaeng tanging stiletto at see through na dress ang suot, naka mask ito na pula at tanging bibig lang ang nakalabas.

I don't why I suddenly feel the heat inside of mine. Pagkakita ko sa kaniya tila gusto ko siyang ikama.

Napailing ako, no, magagalit ang asawa ko kapag nalaman niyang nandito ako.

"Oh ano pre? Ang sexy 'di ba?" saad niya, ibinaling ko muli ang tingin ko sa babae na sumasayaw ng mapang akit sa entablado, dahil sa see through na damit, makikita mo ang hubog ng katawan niya.

Bumaba siya at lumapit sa mga taong nasa harapan niya, lalo na ang mga kalalakihan.

"Yun oh! Sarap!"

"Whooah! Dito naman! Mannylyn!"

"Mannylyn?" Ani ko sa kawalan.

"Oo pre, pangalan niya 'yan dito, madalas siyang order ng mga bigatin na business man, kaya pansin mo maraming tao ang nag aabang sa kaniya at puro kalalakihan pa."

Maya-maya pa'y may tumayo na lalaki, naka tuxedo na itim ito, lumapit siya kay Mannylyn at hinapit ang bewang niya.

Kasabay nag paghapit ang pagtanggal ng maskara niya.

Sandali akong natulala, nawalan 'yata ako ng hangin sa loob ng sistema ko.

Inalalayan siya ng lalaki papunta sa isang kwarto, nasisiguro kong bigatin ito habang nakangiti namang naglalakad..

Ang asawa ko.

Drowning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon