Untitled 05

3 0 0
                                    

"Introduce yourselves and tell us about anything that you want to us to know."

Sambit ng kanilang guro, si Tisoy ay nananatiling nakayuko. Nagsimula na ang pagpapakilala sa kanilang sarili, samantalang si Tisoy ay nakayuko pa rin.

Tinawag ang kaniyang pangalan, hudyat na siya na ang susunod.
Tumayo siya sa harapan at hinarap ang mga kamag-aral.

"Ako si Tisoy Buena."

"Labing pitong taong gulang."

"Ang bagay na gusto kong malaman niyo-"

"Ay mahal ako ng mama ko." nakangiti niyang sambit ngunit pinag tawanan siya ng buong klase.

Umupo na siya hudyat na siya ay tapos na ngunit ang pangungutya ng kaniyang mga kamag-aral sa kaniya ay hindi pa tapos.

Kinuha niya ang wallet at binuksan ito, bumungad sa kaniya ang larawan ng kaniyang ina na namayapa- labing pitong taon na ang nakalipas.

Drowning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon