Untitled 01

5 0 0
                                    

Hapon na't dali-dali kong kinuha ang saranggola ko sa ibabaw ng mesa, kulay bughaw ito na gawa sa plastik.

Naka ilang beses ko pang pinagtuunan ng pansin ang mga sinulid na ipinulupot ko sa hilaga, timog, silangan at kanluran, nang maging maayos na ay lumabas na ako.

Sumalubong sa akin ang simoy ng hangin na yumakap sa aking pag-iisa, araw na papalubog at mga batang naghahabulan sa kalsada.

Inayos ko sabay hagis ng saranggola sa kawalan, unti-unti nitong isinayaw ng hangin sa himpapawid kasabay nito ang mga ibon na pauwi na sa kanilang tahanan, napangiti ako, tagsibol ngayon, umaayon ang panahon sa aking nararamdaman.

Naramdaman kong huminto ang mga bata sa kanilang paglalaro, unti unting tumabi sa akin at sabay na pinagmasdan ang aking saranggola sa kawalan.

Nababatid kong parehas kami ng iniisip, kapayapaan, tila isang kapayapaan ang hatid ng saranggola sa bawat isa, napakagaan sa pakiramdam.

Kailan ko nga ba ulit mararamdaman iyon? Gayon mang nakahilata ako sa puting kama na ito habang nakatanaw sa papalubog na araw.

Noon rinig ko ang tawanan ng mga bata sa paligid, ngayon rinig ko ang pagkaluskos ng mga makina sa paligid ko, makakapagpalipad ba muli ako ng saranggola? Mararamdaman ko ba muli ang kapayapaan pagkatapos kong gumaling sa salot na kumalat ngayong taon?

Nawa maramdaman kong muli.

Nawa makapagpalipad akong muli.

Siguro sa langit makakapagpalipad ako? Mali, sa langit maramdaman kong muli.

"Time of death, 6:37 P.M."

Drowning Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon