Sa Bahay. 12 noon."San kaba mag co-college Zenxille?" Tanong ng kanyang ama sa kanya.
"Sa Don Jose nga po. Yung maraming nag to-top sa board exams? Si tatay talaga pa ulit ulit" Sagot niya habang tinatali ang kanyang buhok bago kumain sa harapan nito.
"Hindi ka dun mag aaral. Tignan mo nga yang ate mo simula nung nag Don Jose yan wala nang matinong ginagawa sa buhay. Hindi naman yan nag to-top!" Pag tatalak ng kaniyang ama habang tinitignan ang ate niya na puno ng benda ang katawan.
"Isa kang matalinong bata Zenxille at ayoko kong makita kang maging katulad ng ate mo" Sa pagkakataong ito ay siya naman ang tinignan ng kanyang ama.
"Alis na po ako. Wala naman pala akong kwenta! At sorry naman po doon niyo ko pinag aral!!" Pagdadabog ng kanyang ate sa hapagkainan. Ito naman ay ikinagalit ng kanilang ama, hinawakan nito ang kamay nito na may benda at dumaing naman ito sa sakit.
"Nasasaktan ako!!!" Sigaw nito sa ama na agad naman siyang sinampal nang malakas. Ikinatayo ito ni Zenxille sa kanyang upuan para pumapagitna sa kanyang ama at ate.
"Tay, tama na po" Pag dedepensa niya sa kanyang ate na nooy umiiyak na sa harapan ng kanilang ama.
"Yan ang dahilan Zenxille kung bakit ayaw kitang paaralin sa unibersidad na iyon! Walang magandang maiidulot sa iyo!!!!" Sumigaw na rin ang kanyang ama.
"Isang malaking pagkakamali ang pagpaaralin kapa sa unibersidad na iyon Veraxille! Ang taas ng pangarap ko sayo ngunit yan lang ang isusukli mo sa akin? Sa paghihirap ko sa pamilyang ito?"
"Sana nga at pinatay mo nalang ako. Kasi sa buhay ko ngayon ayoko nang mabuhay pa!!!" Sigaw ng kanyang ate bago umalis sa kanilang hapagkainan at dumiretso palabas.
Hinampas nang malakas ito ng kaniyang ama dahilan para ang kanilang plato ay mahulog at mabasag. Hindi nakapagtimpi ang kaniyang ama at umalis na rin ito. Siya ay nakatayo lang duon habang pinagmasdan ang kalat na dulot nang away ng kanyang ama at ate.
"Zenxille!!" Sigaw ng isang lalaki na kakapasok lang sa kanilang bahay.
"Oh bakit ka narito Ken? Wala ka bang lakad mamaya?" Tanong niya dito.
"Wala. Wala pa kasi sila mama kaya patambay nalang ako dito. Sya nga pala Zenxille nag aaway nanaman ba ang iyong ate at papa?" Tanong ni Ken na umupo sa harap ni Zanxille.
"Kailan ba kasi hindi nag aaway silang dalawa? Simula nung nag college si ate palagi siyang wala sa kanyang sarili. Uuwi nang may pasa o di kaya ang daming benda sa katawan."
"Bakit di mo tanungin ate mo kung anong nangyari sa kanya." Suhesyon ni Ken habang sinisimulan na nitong mag ligpit sa kalat sa sahig.
"Eh kasi Ken, hindi na kami nagkaka usap ni ate. Palagi lang siyang nasa kwarto niya nagmumokmok. Paglalabas naman siya nagmamadali tapos uuwi ng madaling araw. Pagnakasabay naman sa pagkain nag aaway naman sila ni tatay" Tumulong na rin si Zenxille sa pagligpit ng mga nabasag na pinggan. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha.
"Alam mo wag kanang umiyak okay? Tulungan kita" Pag haplos nito sa ulo ni Zenxille.
"Samahan mo ko, doon tayo sa DJU mag co-college." Hinarap nito si Ken na parang naghihintay ito na mag okay sa kanyang sinabi.
"Zenxille baka patayin ako ni tito niyan. Alam mong ayaw niya na mag aral ka dun" Hininaan ni Ken ang kanyang boses at baka madinig sila ng ama ni Zenxille.
"Pero hindi ko pwedeng hayaan si ate na mawala siya sa landas niya. Alam kong hindi tama to, may mali eh at gusto ko yung malaman para maintindihan ni tatay yun!" Inip na inip ang pagmumukha ni Zenxille habang inaalala ang kanyang kapatid.
"Pero delikado Zenxille! Baka anong mangyari sayo. Nakita mo ang daming benda ng ate mo sa kanyang katawan." Pag alala ni Ken sa mga desisyon ni Zenxille ngunit alam niya ring hindi na niya mapahinto ang kaibigan sa mga iniisip nito.
Umalis si Ken nung tinawag ito sa kanyang nanay at naiwan doon si Zenxille sa kanilang kusina. Hindi parin maalis sa kanyang isipan ang nakitang scar sa leeg ng kanyang ate. Nakita niya ito kanina nung sinampal ng kanyang ama ang ate niya.
Agad niyang pinuntahan ang silid ng kanyang ate. Wala ang ate niya kaya malaya niyang pinakialaman ang gamit ng kanyang ate. Ginala niya ang kanyang mata sa loob ng silid ngunit wala siyang nakikitang kahinahinala sa gamit ng kanyang ate. Napakaligpit nito at wala man lang kalat.
"Hindi. Dapat may makita akong clue dito hindi ka susuko" Bulong niya sa kanyang sarili habang nagbubukas sa mga gamit at drawer sa kwarto. Ilang minuto na lamang ang lumipas ay hindi parin siya nakakita ng clue para malaman ang pangyayari. Aalis na sana siya nang may napansin siya sa pintuan ng CR sa kwarto, meron itong mantsa ng dugo.
"Sguro dugo ito sa kamay niya na naka benda.
Pero bakit nga ba sya nakabenda? Anon nangyari?" Tanong niya sa sarili. Pinasok niya ang CR nito at dun niya nakita ang daming dugo sa sahig nito. Ginala niya ang kanyang mga mata sa loob at nakita niya sa isang sulok ang isang pulang tela ngunit basang basa ito sa dugo. Agad niya itong kinuha ngunit narinig niyang nagbukas ang pinto sa labas ng CR.
"Sh*t nandyan na si ate" bulong niya naman habang ginala nanaman niya ang kanyang mata kung san siya pwede mag tago.
*Pagbukas ng pintuan*
Binuksan ng ate niya ang CR at nakita niya dun ang kalat niya kanina. Ang dugo sa sahig at mga benda. Ngunit sa panginginig niya sa likod ng pintuan ay nasagi niya ito dahilan para lumikha ito ng ingay. Akma na sanang tignan ng kanyang ate ang likod ng pintuan ngunit nag ring ang phone nito. Hindi na niya narinig ang ate niya sapagkat lumabas na ito sa kanyang kwarto para sagutin ang tawag. Pagkalabas ng kanyang ate ay dali dali naman siyang lumabas at nagpunta sa kanyang kwarto.
Hindi na siya nag aksaya ng panahon at nilabhan niya ang telang nakita niya sa loob ng CR sa kwarto ng kanyang ate. Nung matapos niya itong sabunin ay unti unting lumabas ang mga sulat nito na kanina ay hindi na halos makikita sa dami ng dugo.
"MM? Anong MM?" Nagtataka siya sa kanyang nakita sa gitna nga telang kanyang nilabhan.
"Hindi ko na pwedeng patagalin pa. Dapat ko nang malaman kung ano talaga ang tinatago ni ate sa Don Jose University na yan. Mission ko na to kahit alam kong delikado.
TO DARE IS TO DO"
BINABASA MO ANG
Memento Mori
ActionMemento Mori "Remember that you will die" Zenxille Andrade is a new student of Don Jose University who has a simple mission, to find out her sister's secret. On the middle of her mission, she slowly finds out the truth behind her sister's strange ac...