Chapter 3: Vivere Militare Est

13 0 0
                                    


Don Jose University. 11:30 am

Zenxille POV

"Okay, attendance is done. We'll have an early dismissal today. Goodbye" Mas makagala ako ngayon. Hindi ko namalayan nag palakpak na pala ako na ikinatingin naman lahat ng classmate ko. Jusko Zenxille first day of school mapagkamalan kang abnormal.

"Yey! Kakain kami ni Zenxille!" Napatingin ako kay Areya na nagpalakpak rin sa kanyang upuan. Savior! At yun dineadma na lang kami ng mga classmate namin. Nag sitayuan na sila at nag alisan, kami nalang doon sa room at may isa pang babae. Nakayuko sya at nakatingin lang sa kanyang lamesa. Weird niya ha.

"Hello! Anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya. Tinignan niya lang ako. Baka bingi?

"Ahm, pupunta kami sa canteen gusto mo sumama?" Pag aya ko sakanya pero ngumiti lang siya. Tiningnan ko si Areya at ngumiti rin siya sakin. Bat ba ngiti sila nang ngiti.

"Ahmm kakain kami, ayaw mo?" Para akong tanga dito kakatanong sa kanya pero tinitignan niya lang naman ako.

"Areya, tayo na nga lang. Baka ayaw niyang sumama" Tinignan ko si Areya at tumango naman to. Kinuha nami ang bag tsaka aalis na sana



"Pwe-pwede?" Sabi niya. Sa wakas at nagsalita na rin siya!

"Oo naman!!!" Sigaw ko at tsaka tumawa. Ganda ng first day of school ko may dalawang kaibigan agad ako.
Kinuha narin niya ang bag tsaka sabay na kaming lumabas.

"Ano nga pala pangalan mo? Di mo ko sinagot kanina" Tanong ko sa babaeng naka jacket tapos naka hood. Ang init kaya dito sa pinas

"Kristine" Napatango nalang ako. Kung hindi niya ako nginingitian isang word lang din lumalabas sa baba niya.

Canteen. 12nn.

"Ano kakainin nyo?" Tanong ko sa kanila. Si Areya busy sa pagpili ng makain si Kristine naman ay parang may hinahanap

"May hinahanap ka?" Tanong ko sakanya. Ngumuso lang siya kay tinignan ko kung ano yung tinitignan niya. Nakita ko dun may bakanteng upuan. Kaya naman pala.

"Puntahan ko" Sabi niya tsaka umalis na siya, di man lang siya bumili ng pagkain. Kay ako binalik ko nalang tingin ko sa pagkain na tinda.

"WHO THE F*CK ARE YOU?!!!! BWHY ARE YOU SITTING ON MY CHAIR!!!!!!!!!!!!!!!!" Narinig namin ang sigaw ng isang babae. Nagtinginan lahat sa kung saan may sumigaw, nung dumapo ang mga paningin ko kung saan yung nagsisigaw na babae nakita ko si Kristine nakayuko.

"BAKIT MO BA SINISIGAWAN SI KRISTINE?!! SAYO BA TONG BUONG CANTEEN NA ITO?" Paglalakas ng loob kong sumigaw hbang tumatakbo kung nasaan nakaupo si Kristine. Lahat ng tao ay tumingin sakin.

"Who is this filthy bitch. Lakas ng loob mong sigawan ako!!!" Kitang kita ko sa kanyang pag mumukha ang irita. Wala akong pake kung magagalit siya dyan.

"Bakit ba? Sino kaba para hindi kita dapat sigawan?" Pagtatanong ko sakanya. Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Areya ang braso ko.

"HOW DARE YOU!!!!" Kinuha niya yung bote ng toyo sa lamesa at akmang ihampas sa ulo ko. Ngunit humarang si Areya saking harapan kaya siya ang nahampas ng bote. Sa lakas nito ay nahimatay siya.

"F*ck Vic--" Nanginginig na sami nung babae pagkakita niya sa katawan ni Areya na nakahandusay sa sahig.

"LUMAYAS KAYONG LAHAT!" Nadinig ko ang isang lalaking tumakbo patungo sa kinaroroonan ni Areya. Agad nya itong tinakbo sa clinic.

Tinignan ko ang mga tao sa canteen lahat sila ay nakatingin sa akin, si Kristine ay nakayuko lang. Yung babae kanina ay dali daling umalis kasama ang dalawang babae sa likod niya kanina. Ilang minuto pa ay dun palang kami natauhan sa pangyayari.

"Kristine! Puntahan natin si Areya" Sabi ko sakanya. Tumango lang naman ito at naunang maglakad sakin. Kinuha ko na bag namin at sumunod kay Kristine. Bakit parang wala lang sa kanya ang nangyari?

Nagpunta kami sa clinic kung saan dinala nung lalaki si Areya. Nandun lang ang lalaki sa labas naka tayo ito sa labas at nakatingin sa kawalan.

"Kuya, nasan po si Areya?" Tinignan niya lang ako tapos tiningnan niya si Kristine tapos balik sakin ang tingin.

"Nasa loob, bago ka?" Tumango ako pero nakatingin lang siya kay Kristine. Nasa gilid ko naman si Kristine ngunit nakatingin lang ito sa malayo.

"Okay lang si Her-- si Areya" Hindi ko na siya hinintay pa matapos dumeretso na ako sa loob ng clinic. Nung sa loob na ay nakita ko si Areya natutulog. Sumunod sakin si Kristine.

"Mag ingat ka Zenxille" narinig ko sa kaunaunahang pagkakataon ngayong araw na mahigit pa sa isang salita ang sinabi niya.

"Ayiiiiee! Concern kana sakin Kristine??" Pag tatanong ko sakanya sabay tawa ko. Nginitian niya lang ako, lakas yata ngumiti niya ha.

"Sa ngayo po, pagpahingain niyo muna si Miss Her--"

"Teka lang, ano tawag niyo sa kanya?" Kanina ko pa kasi napapansin na iba yata tawag nila kay Areya.

"Areya. Areya pangalan niya" Sabi ni Kristine sa nurse. Tumunago naman ito at umalis na.

"Hindi pa sguro natin alam buong pangalan ni Areya no? Tatanungin ko siya bukas. Halika na Kristine." Nauna na akong lumabas sa kanya, sumunod naman siya.

Aalis na sana kaming dalawa subalit narinig namin ang sigaw ng mga tao sa labas ng building. Tumakbo kami papunta dun para alamin ang buong nangyari.

"Kristine, parang may namatay" Sabi ko sakanya. Nakatingin lang siya dun sa mga tao. Bakit parang ang lalim palagi nang iniisip ni Kristine.

"Nagsisimula nanaman sila" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin Kristine? Sinong sila?" Hindi niya ako sinagot.

Ngunit nagulat ako nung nakita ko ang ate kong umalis sa kumpol ng mga tao kung saan nasa gitna yung bangkay.

"Kristine, kita tayo mamaya ha? Pupuntahan ko lang ate ko" Aalis na sana ako pero kinuha niya kamay kp at tinignan ako mata sa mata.

"May problema kaba Kristine?" Ngumiti lang siya at binatawan na ako. Nginitian ko nalang rin siya at umalis na. Weird ni Kristine.


Umalis agad ako sa kinatayuan namin at sinunod si ate kung saan siya pumupunta. Nakita ko siyang patungo sa Library namin, baka nag aaral talaga si ate.

Sinundan ko lang sya hanggang naabot namin ang dulo ng library. Sa isang sulok ay may kinuha siyang libro at parang may ginawa siya dun. Hindi ko maaninag kasi nakatago ako sa gilid ng shelf pero laking bigla ko nung nakita kong bumukas yung shelf ng mga libro at pumasok siya dun at nagsira naman iyon ulit.


Pinuntahan ko yung libro na kinuha niya at binuklat ko iyon. Wala naman akong nakitang kakaiba sa libro pero nung nasa gitna na ako ng libro ay meron dung parang screen na may fingerprint sensor. Tinry ko ang aking fingerprint ngunit nag error ito. Pano na yan pano ako makapasok dun.

Tinignan ko muli ang libro at ang tanging nakakuha ng aking atensyon ay iisa lang ang nakasulat sa libro nang pauli ulit.


"To live is to fight"

Memento Mori Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon