Library. 6 pm.
Zenxille POV
Kanina pa ako dito nakatayo, ilang oras na hinihintay si ate lumabas pabalik sa pintong kanyang pinasok kanina. Ano ba kasi ang meron sa loob? Hays.
Dahil sa tagal ni ate na lumabas nag ikot ikot muna ako sa loob ng library. Malaki pala talaga ito tsaka walang masyadong tao. Kakalakad ko sa loob ng library ay napunta ako sa isang sulok kung saan parang may kakaiba eh. Yung mga libro parang iba talaga, ganito ba sa library nila? Parang may secret rooms.
Tinignan kong mabuti yung shelf parang yung libro nakadikit talaga. Nag try akong kunin yun pero hindi ko makuha. Nakakagago natong library nila, kanina may librong may fibgerprint sensor ngayon naman librong hindi makuha sa shelf. Talaga lang ah? Sa kakairita ko sa mga pangyayari ay napaupo ako sa sahig hibdi ko namalayan ay nasandalan ko pala yung mga libro. Bigla itong tumunog at nagsalita.
"Your password Mister" Tunog robot, napakamot ako saking ulo eh hindi ko nanaman alam yung password dyan eh.
"Ah eh di ko alam. Pwede magbukas ka nalang?"
"Incorrect Password Mister"
"Ahm. Anong password ba? Ahmmm 123456?"
"Incorrect Password Mister"
"ABCDEFG?"
"Incorrect Password Mister"
"Clue! Bigyan mo ko ng clue"
"Incorrect Password Mister"
"LMNSO"
"XMPQR"
"123ABC"
"YUIOP"
"Incorrect Password Mister"
"EHHHH ANO BA KASI ANG PASSWORDD NITO!!!!" Nakakairita na yung ingay ng robot tsaka ano ba kasing meron dyan sa loob at ayaw akong papasukin!!!
"Incorrect Password Mister"
Naiirita na talaga ako!!!! Sa kagustuhan kong pumasok ngunit ayaw akong papasokin ng robot na ito!!!!! BWISIT EHHHH!! GIGIL SI AKOOOO!!!
Na frustrate na ako sa pangyayari kaya humiga ako sa sahig at tinignan yung mga libro dun. Binasa ko yung mga title doon, napaka deep naman nito. Hanggang sa nakita ko yung isang libro na ang nakasulat ay
'Acta Non Verba'
Teka alam ko to ah. Ano nga yun? Nabasa ko to sa librong binasa ko noon. Wait teka lang, ano nga ba yun?
"Deeds not words" Bigla kong nasambit ang mga katagang iyan. Tumpak! Sakto!
"Welcome Mister!" At biglang bumukas yung shelves at nakikita ko na yung sa loob. SAKTO RIN YUNG PASSWORD! GALING KO TALAGA!
Mayari. 7pm.
"Anong ginagawa mo dito sa Mayari Tala? Diba kasapi kana nila?" Tanong ng babaeng nakaupo sa dulo ng napakahabang lamesa.
"Nandito ako para humingi sa inyo nang tulong" Salita ng babaeng nakatayo sa harapan ng babae. Nakayuko lamang ito.
"Ang lakas mo namang humingi nang tulong sa amin matapos mo patayin si Hanan?" Sabi ng babaeng nakaupo habang kinuha nito ang wine glass sa kanyang harap. Sinalinan naman ito ng wine sa lalaki na nasa gilid nito.
"Alam niyo kung bakit ko kailangang patayin si Hanan!" Napa sigaw na ang babae na ito namay ikinagalit ng babae
"Kung sa gayon, pwede kanang lumabas. Hindi namin kailangan dito ang isang traydor na tulad mo"
"Ngunit Ideanali" Lumuhod na ito sa harapan ng babae.
"Kahit siya nalang. Tulongan niyo siya. Alam niyong isa sa mga araw na ito ay may papatayin nanaman sila. Please, protektahan niyo siya" Pagmamakaawa ng babae na umiiyak na ito.
"Hindi kami ang makakapag desisyon niyan Tala. Tanging siya lang ang may hawak ng kanyang buhay dito sa Unibersidad. Sana lang at mapayapa ang kanyang pag aaral kundi alam mo na ang kahahantungan niya"
"Hinihiling ko ang protection niyo bago niya malalaman ang lahat Ideanali"
"Hindi namin hawak ang buhay niya Tala. Mabuti pa at sabihan mo na siya sa totoo"
"Hindi maari yun Ideanali" Tumayo ang babae at pinuntahan si Ideanali sa kanyang kina uupuan.
"Kahit kunin niyo na lahat ng protection na binigay niyo sa akin" Tumawa nang malakas si Ideanali at sinampal nang malakas si Tala.
"Wala kanang protection na natira pa Tala at ito narin ang huling beses na papasok ka dito" Tumayo si Ideanali at aalis na sana ito, ngunit huminto ito sa may pintuan.
"Memento Mori, Tala"
Zenxille POV
Library Room, 9pm.
"Hey you! Wake up!" Sino ba tong kumakalabit sa akin? Kitang nakatulog ako eh!
"I said wake up!!!!" Narinig kong natigilan muna siya ng ilang segundo tapos---
"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" Bakit ba to sumisigaw? Di naman kang tatay na boses to ah. Sh*t wala nga pala ako sa bahay!!
"Anong oras na?!!!!!" Napabalikwas ako nang bangon nung na realize ko na di ko nga pala ito bahay. Isang lalaking naka eyeglasses ang nakaupo sa gilid ng kama habang galit na nakatingin sa akin.
"I'm not a fucking watch! Get out of here!" Bakit ba galit na galit to siya nakatulog lang naman ako!
"Bakit kaba kasi sigaw ng sigaw!!!! Pwede ka naman magsabi na lumabas ako, fucking watch mo mukha mo!!!" Nasigawan ko na rin siya. Nakakairita yung pagmumukha niya.
Tumayo ako tapos pumunta ako sa kung saan ako pumasok kanina perooo--
"Ahm, hindi ko alam saan lalabas? patulong naman" Tapos nag peace sign ako sakanya.
Tumayo siya at nagpunta sa may bubong sa kabilang dulo ng room na ito. Meron siyang kinapa sa may carpet ng room.
"Wala kang sasabihan sa mga nakita mo at kung pano kaman nakakapasok dito. Do you understand?!" Tumango lang ako tyaka nakayuko. Natatakot na ako sakanya.
Biglang bumukas yung pader kanina tapos pagkabukas non wala ng ilaw. Sobrang dilim, grabe!
"Ah eh, pasama naman. Takot ako sa dilim" Tanong ko nanaman sa kanya. Tinignan niya lang ako tapos dumeretso siya sa labas.
"May daan dyan straight mo lang tapos makakalabas kana." Yun lang sinabi niya pagkatapos niyang ituro yung entrance ng library. Tapos bumalik na siya sa loob at sinara yung pintuan kanina.
Walang hiyang lalaking iyon!!!!! Takot nga ako sa dilim. Wala na akong ginawa dun kundi umiyak sa isang sulok. Iyak ako nang iyak. Parang mamatay na ako sa takot kasi naman wala akong nakikita kung ang matataas na shelves ng libro tapos ang dilim pa.
"TULONGGGG!!! TULONGAN NIYO AKOOOOOO!!!! AYOKO PANG MAMATAY TULONG!!!"
"TULONGGGG!!!"
Hindi ko na nakayanan pa at umiyak na talaga ako ng malakas. Yung iyak ko sa harap ni tatay kahapon yun na ginawa ko. Tapos naalala ko si tatay, papaywiin niya pala ako pagkatapos ng klase. Patay na ako nito!
"TAYYY TULONGGG! PAPATAYIN NILA AKO DITO!!! TATAYYYYY!! ATEEEEEE!!!!!!"
"Can you shut the fuck up? Noisy bitch!!" Sabi nung lalaking nakatayo sa aking harapan. Hindi ko na siya magawang tignan pa at sungitan takot na takot na talaga ako.
"Get up, I'll take you out"
BINABASA MO ANG
Memento Mori
ActionMemento Mori "Remember that you will die" Zenxille Andrade is a new student of Don Jose University who has a simple mission, to find out her sister's secret. On the middle of her mission, she slowly finds out the truth behind her sister's strange ac...