Sa Gusali. 11:49 pm."Isang nakaka aliw na gabi nanaman Virtu" Sambit ng lalaking nakatayo habang minamasdan ang ibaba nito. Tanging malakas na hangin ang nagpapaingay sa lugar. Walang ka tao tao ang paligid nito at wala ring ilaw, sadyang ito ay napapalibutan ng dilim.
"Dumating naba sila Facto?" Tanong ng isang lalaki na umiinom ng soda sa kanyang gilid.
"Malapit na sila Virtu" Sabi nito habang tinitignan ang kanyang cellphone. May timer na nakaflash sa screen at sa isang segundong nakalipas ay ang pagpatak din ng dugo.
"Tumayo kana diyan Virtu. Sampung minuto nalang at nandito na sila" Tumalikod silang dalawa at naglakad patungo dulo ng gusali kung saan makikita ang isang glass room na may anim na thronong itim.
Ilang sandali pa lamang ay may nagsidatingan na ring sampung tao sa gusali. Ang apat nito ay dumeretso sa glass room at umupo na. May apat na tao naman na hawak hawak ang dalawang studyanteng babae. Itinulak nila ito sa gitna at pumwesto sa apat na sulok ng gusali.
"Maawa kayo!! Hindi ko po kaya!! Parang awa niyo na po!" Iyak ng babae habang nakaluhod sa gitna. Tinitignan nito ang anim na taong naka cloak ng itim ngunit walang kibo ang mga ito.
Nagtaas ng isang pula na panyo hanggang sa may dibdib nito. Senyales ito na malapit na ang oras.
"Hindi ko po kaya!!!!" Sigaw nanaman ng babae. Ngunit ang isang babae ay nagtungo sa isang banda at kumuha ng isang baseball bat.
Nanginig sa takot na nakatingin ang babaeng kanina pa iyak nang iyak. Nakatayo ang babaeng hawak hawak ang baseball bath sa kanyang harapan.
"Pasensya kana ngunit gusto ko pang mabuhay" Nanginginig na sabi ng babae na nakatayo. Ilang minuto pa lamang ay isang malakas na tunog ng kampana ang kanilang narinig.
Lumabas ang isang tao mula sa glassroom at nagtungo papunta sa dalawang babae.
"Aut Neca Aut Necare" Sambit nito sa kanila. Hindi mo maaninag ang kaniyang mukha sapagkat siya ay naka hood at may mask ito. Sumenyas ito sa lalaki sa sulok tanda para magsimula na.
"SIMULA NA!" Sigaw ng lalaki. Nang marinig ito ng babaeng nakahawak ng baseball bat ay agad naman itong himampas sa babaeng nakaluhod. Nadaplisan lang ito sapagkat itoy nakayuko sa tangkang pag hampas nito.
"Either kill or be killed!!!" Sigaw ng babae ngunit nakayuko ulit ito at tumayo. Akmang tatakbo na sana ngunit na hawakan nito ang kamay niya.
Nagpumiglas ito pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Hahampasin na sana siya pabalik ng baseball bat pero naunahan nyang kagatin nang malakas ang kamay nito. Nabitawan ng babae ang bat habang namimilipit ito sa sakit.
Kinuha ng isang babae ang baseball bat sa gilid at hahampasin na sana ang babaeng nakaluhod sa sakit. Ngunit nakailag ito, sadyang mabilis nakaramdam ang babae hawak ang bat at muli nanaman itong hinampas patagilid. Sa pagkakataong ito ay hindi na nakailag ang isang babae at napahiga ito sa sahig.
"Gusto ko ring mabuhay" Sabi niya habang tumutulo ang luha nito.
"Hindi pa tayo tapos!!" Sigaw ng isang babaeng nakahiga. Tila nakaramdam na ito ng matinding sakit pero hindi parin ito sumuko. Nung hahampasin na sana ulit ito ng isang babae ay bigla niya itong pinatid dahilan upang mawalan ng balanse ang babaeng may hawak ng bat. Dali dali sya tumayo at tumakbo patungo sa dulo ng gusali kung saan ilang metro na lamang ay mahuhulog kana.
Sumigaw ng malakas ang babae na hawak hawak nanaman ang baseball bat at tumakbo patungo sa babaeng nakatayo malapit sa dulo. Nung malapit na sya ay inihanda na niya ang bat upang itoy ihampas ulit ngunit nakailag ang babae at ito ang naging dahilan upang nag dire diretso sa pag takbo ang babae at muntikan nang mahulog sa gusali.
Ilang centimetro nalang ay mahuhulog na ito. Nanginig siya sa takot nang makitang ang kadiliman na bumabalot sa ibaba. Tunalikod siya at nakitang isang metrong layo nalang yung babae kanina sa likod.
Tinignan niya ang baseball bat ngunit itoy nasapaanan na niya ito. Nahulog ito sa panginginig niya kanina. Ngayon ay umiiyak na siya sa harapan ng babae.
"Parang awa mo na. Gusto ko pang mabuhay"
"Gustuhin ko mang mabuhay tayong dalawa ngunit hindi pwede" Unti unting naglakad ito patungo sa kanya. Siya naman ay unti unting humahakbang patalikod. Naramdaman na niya ang lakas nang simoy ng hangin sa kanyang likoran na dahilan ubang magsitayuan ang kanyang mga balahibo.
"Mabuti nga sayo at mamamatay kana. Hindi kana makaranas nang kasakiman nila" Unti unting tumulo ang luha sa mga mata nito habang patuloy parin ang paglakad nito nang unti unti.
"Sumama kana sakin. Kung ito man ang huling araw ko sa mundo sumama kana upang makalaya kana sa kanila" Iyak na sabi naman ng babaeng isang hakbang nalang ay mahuhulog na ito sa gusali. Umiling naman ang babae sa kanyang harapan.
"Hindi. Hindi ako mamamatay." Huminto ito sa paglakad at tinignan niya ito mata sa mata.
"Bitbitin mo ang pagkakamaling ito sa iyong pagkamatay.
Tandaan mo na sa araw na bingga mo sila ay dapat kang mamatay.
Pasensya kana Kapatid"
Pagkasambit niya nito ay tinulak niya nang malakas ang babae dahilan upang ito ay mahulog nang tuluyan sa gusali na kanilang tinatayuan. Tanging sigaw nito ang maririnig sa kabuuan ng lugar. Lumuhod siya at humahagulgol sa iyak, kasabay nun ang paglaho nang tinig ng babae at pag ragasa nito sa lupa.
"Hindi ka parin nagpapatalo." Sambit ng isang tao sa kanyang likoran habang hinahaplos ang likod nito. Bumalikwas siya sa haplos at tumayo sa harapan nito.
"Darating ang araw na malalaman nilang lahat ang tunay na kulay niyo" Galit na sabi ng babae. Na ito namay ikinatawa nito nang malakas.
"At sa araw na iyon. WALA. KA. NA" Tumawa ito nang tumawa sa harapan at sumenyas ito sa mga lalaki na kunin ang babae sa kanyang harapan. Ilang segundo lang ay nahimatay ang babae sa kanyang harapan na agad naman nasalo ng mga lalaking sinenyasan kanina.
"Isang makabagong simula nanaman" Nakapamewang na sabi ng isang tao sa gilid. Tumitingin ito sa ibaba kung saan nahulog ang babae kanina.
"Simulang dapat nating paghandaan" Isang tao naman sa gitna ang nag sabi.
"Meron paba tayong hindi napaghandaan Maximus?" Tanong ng taong kausap kanina. Binalewala ito ng lalaki sa gitna.
Isang nakakabinging katahimikan sa pagitan ng anim na tao sa gusaling iyon.
"Isa lang naman ang dapat nilang malaman---
MEMENTO MORI"

BINABASA MO ANG
Memento Mori
AksiyonMemento Mori "Remember that you will die" Zenxille Andrade is a new student of Don Jose University who has a simple mission, to find out her sister's secret. On the middle of her mission, she slowly finds out the truth behind her sister's strange ac...