Don Jose University. 9am.Zenxille POV
"Mabuti naman at pinayagan ka ni tito na mag enroll dito sa DJU" Sabi ni Ken na nasa akong gilid kumakain ng chips. Kakatapos lang naming nagpa enroll sa aming gustong kurso. Siya sa Accounting ako naman sa Engineering. At sa araw na ito ang aming first day kaya sobrang saya ko. Ang laki nga pala ng DJU.
"Pano mo na nga ba napapasagot nang OO si tito?" Pagtatanong ni Ken sakin. Natawa ako nang maalala ko ang pakikipag usap ko kay tatay sa pag aaral ko sa DJU.
(Flashback)
"Tay, Okay lang po talaga ako tsaka wala ka naman ikabahala sakin kasi nandun naman si Ken. Diba nga pag nandyan si Ken okay ako? Tsaka tay hindi ako magiging katulad ni ate"
Pag eexplain ko kay tatay habang siya ay nakaupo sa sala namin. Tinignan niya lang ako na parang sinasabi na 'wa mo kong disturbuhin' pero ayokong magpaawat sa looks na ganyan ni tatay.
"Promise po. Sige na tay. Gusto ko talaga dun ang ganda ng facilities nila at alam nyo bang---"
"Hindi!" Mas mabilis pa sa kidlat makahindi si tatay sa mga sinasabi ko
"Tay naman eh, akala ko ba mahal mo ko bat di mo ko susuportahan sa mga gusto ko? Eh mas maganda nga dun sa DJU"
"Mahal kita kaya di kita papag aralin dun" Hindi na niya ako nilingon pa.
"Tay, magiging Magna Cum Laude ako!" Sana naman masuyo ko si tatay.
Tinignan niya lang ako tsaka hindi kumibo. Bakit ba kasi hindi to tinatablan saking pagpapacute.
"Tay naman eh!!! Gusto ko ngang mag aral dun" At umiyak na ako nang umiyak, iyan na sobrang lakas na madidinig na ng aming kapitbahay, ng mga aso sa kabilang kanto at kung sino pa.
At opo, alam kong hindi gusto ni tatay umiiyak ako kaya alam kong---
"Oh sige na mag enroll kana dun bukas basta sa isang kondisyon?" Agad nawala ang luha ko sa sinbi ni tatay at nagliwanag ang aking mukha.
"Lahat tay ng kondisyon mo susundin ko po!!" Pagsasabi ko sakanya hinawakan ko ang kanyang kamay habang ako naman ay nag tatalon sa tuwa.
"Pagkatapos ng klase dritso uwi sa bahay" Yun lang sinabi niya at tumayo siya sa harapan ko at yinakap ako.
(End of flashback)
"Uwi ka agad sa bahay? Pano yan? Di mo mahahanap ate mo niyan" Pagtatanong ni Ken.
"Alam mo Ken, pag gusto mo magagawan mo yan ng paraan." Parang gusto ko na agad mag ikot sa buong DJU para malaman na ang sikreto ni ate.
"Alam mo Zenxille kita nalang tayo mamaya okay? Klase ko na. Basta text mo ko pagkatapos ng klase mo hihintayin kita dito. Sa bleacher na ito!" Pagapa alala ni Ken sakin habang tinuturo ang upuan.
"Oh sige na lumayas kana at baka malate kana. First day mo naman ngayon"
Pagkaalis niya ay ginala ko ang aking mata sa paligid. Saan ko kaya mahahanap si ate para mamatyagan ko siya. Naglakad lakad ako sa habang tinitignan ang mga classroom na nadaanan ko. Meron pa akong 2 hours bago mag start ang klase kaya makakapag ikot ikot pa ako.
Ang ganda nga naman ng DJU, malalaking buildings, malawak na field, masasarap na pagkain sa canteen tsaka may aircon na classroom. Sa aking pag ikot ikot ay nakarating ako sa parang makahoy na lugar. Parang forest, pero ang weird naman at merong forest sa paaralan. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng bigla akong may mabangga na likoran.
Isang lalaking nakatalikod habang nakasandal ito sa isang kahoy dito sa gubat na ito. Mataas siya at kulay brown ang kanyang buhok, nakatalikod palang ay gwapong gwapo na ako sa kanya.
"Ay sorry" Agad kong sinabi sakanya pero hindi man lang niya ako hinarap.
"Umalis kana dito, sundin mo lang yung kahoy na may pula sa ibaba makakalabas kana" Tinignan ko naman ang mga kahoy na nadaanan ko meron itong mga pulang marka. Pero nung humarap ulit ako ay wala na siya dun. Creepy naman. Tinignan ko ang aking orasan at 10:30 am na pala. Malapit na mag 11 hahanapin ko pa pala ang aking silid.
Tinahak ko ang daan palabas ulit syempre sa tulong nung hindi ko alam na lalaki. Nasa labas na ako ng forest na iyon pero parang na curious parin ako kung anong meron dun.
"Hello! First year ka?" Binaling ko ang aking pananaw sa nagsasalita sa aking tabi. Isang babaeng naka glasses na mahaba ang buhok at merong bangs. Wala siyang make up pero makikita mong maganda siya. Simple lang din ang pananamit niya, naka tshirt at pants lang din ito tsaka converse na sapatos. Tila ilang dekada na sapatos niya at itoy medyo luma na.
"Oo, ikaw? First year ka din?" Tanong ko rin sa kanya. Nag smile siya sakin, hindi masyadong maganda ang kanyang ngipin. Pero alam ko mabait siya.
"Talaga? Oo first year ako!!! Anong course mo?" Tanong niya pabalik, parang ang saya saya niya nung nalaman niyang first year rin ako.
"Engineering." At nag titili na siya nung nalaman niyang nag e-engineering ako.
"Alam mo Engineering din ako!!" Natuwa naman ako nung narinig ko siya. Salamat naman at may makakasama na ako.
"Teka may klase ka? Baka classmate tayo?" Tanong niya sakin. Tumango lang ako at pinakita ang aking study load sa kanya.
"Tama! Dun rin ako papunta. Eh kaso naligaw ako dito" Nagliwanag nanaman ang mukha ko kasi classmate ko pa ang nakilala ko. Salamat naman.
"11 am klase natin halikana?" Tanong ko sakanya na agad naman niyang kinuha ang kamay ko at naglakad kaming dalawa. Di ko narin kinuha kamay ko sa pagkakahawak niya komportable naman ako sakanya.
Nakaabot kaming dalawa sa classroom namin. Nung pumasok kami ay sobrang ingay ng mga classmate namin. Nag chichikahan, nag haharutan at nag tatawanan. Humanap kami nang mauupuan hanggang nakaabot kami sa may bandang bintana. Nakaupo sako sa gilid ng bintana, sa kanan ko naman ay si--
"Ano nga palang pangalan mo?" Pagtatanong ko sakanya pero nakatingin siya sa phone niya, baka busy. Hindi ko na sana sya gagambalain nang tinignan niya ako.
"Areya! Ako si Areya Santos" Pagsagot niya saking tanong kanina. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik. Nakampante na ako sa first day pang ng pagaaral.
"Ready ka na ba school year na ito Zenxille?" At ngumiti siya sakin. Teka, bat niya alam pangalan ko? Ah, oh nga pala binigay ko ang aking study load kanina.
"OO NAMAN. READY FOR ANYTHING KAYA ITO."

BINABASA MO ANG
Memento Mori
ActionMemento Mori "Remember that you will die" Zenxille Andrade is a new student of Don Jose University who has a simple mission, to find out her sister's secret. On the middle of her mission, she slowly finds out the truth behind her sister's strange ac...