Chapter 5: Cura Te Ipsum

10 0 0
                                    


Library. 10:30 pm.

Zenxille POV


"When will you stop crying? It's already 10pm. Uuwi ka o hindi?" Nandito parin ako sa sulok patuloy na umiiyak.


"Buksan mo yung ilaw"



"I'm not even working here, how will I even know where's the switch for the whole library" Nakatayo parin siya saking harapan. Mag iisang oras na kami dito iyak parin ako nang iyak.



"May sariling room ka dito tsaka hindi mo alam pano buksan ang ilaw sa library? Gago ka ba?" Pagtatalak ko sakanya eh sa takot nga ako sa dilim tapos ganyan pa siya.



"Look, that room is my own room, my own space and I don't know how did you get inside. You even sleep at my own bed!!" Hindi ko naman kasalanan na makatulog dun ah!!!


"Anong room mo? Bakit sayo ba tong library at may own room kapa dyan?" Sumbat ko rin sakanya. Patay na talaga ako kay tatay nito.



"I rented that room for me! So get the hell out of here and I won't be helping you" Tumalikod na sya at papasok na sana sa kanyang 'own room' pero nakatayo lang siya dun ng isang minuto tapos--



"You better watch out miss iyakin, may mag mumulto dito" Without any word ay pumasok na siya at iniwan ako dito sa labas na walang ginawa kung di umiyak ulit nang malakas.










"You know what? I can't fucking sleep at this time because of you being so noisy!!!! Get yourself up and I'll help you out with this fucking flashlight" Galit na siya sakin tapos lumalakas na boses niya. Gusto ko pang umiyak sa kaba pero baka papatayin niya ako dito di ko pa nalaman yung tinatago ni ate.



"Pwede ba akong humawak sa yung kamay habang naglalakad?" Sabi ko habang humihikbi parin. Tumayo soya saking harapan tapos yumuko at kinuha ang kamay ko.




"Let's go" Pagka hawak niya palang ay parang nanginig buong katawan ko. Ang kinis niya tapos yung mata niya napakapungay kahit naka eyeglasses sya. Ang gwapo niya pala.


Tumayo kaming dalawa tapos nagstart na syang maglakad nakahawak parin sya sking kamay tapos yung isang kamay niya naman ay naka hawak sa flashlight.



"Anong pangalan mo?" Tanong ko, kasi naman ang awkward kaya namin dito.



"Clio" Sabi niya na parang walang buhay talaga. Ang taas siguro ng blood pressyre nito parating highblood.



"Ah ako pala si Zenxille!" Huminto siya sa paglalakad nung narinig niya iyon.



"May problema ba Clio?"




"Wala. Tara na" Parang hinigpitan niya ang pagkahawak saking kamay. O feeling niya lang iyon.



"Clio, pwede ba kita maging friend?" Tanong ko naman tapos tinignan niya ako at huminto sa paglalakad.



"Sa paaralan na ito wala kang totoong kaibigan" Ano ba tong pinagsasabi niya.



"Meron naman, alam mo first day ko ngayon sa paaralang ito. May friend na ako si Areya at si Kristine. Mababait naman sila ah!" Pag mamalaki ko sakanya.



"Sila pa talaga naging friend mo" Binalewala ko yung sinabi niya, OA naman nito.



"Sigeeee na Clio, friends na tayo. Tapos ililibre kita bukas ha?"

Memento Mori Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon