Under His Arms
(Prologo)NAPAPIKIT na lamang si Almira ng maalala niyang bukas pala ang pag-alis niya papuntang Maynila. Nasa isip niya pa lamang ito ay ibayo ng lungkot ang hatid nito sakanya, pano kaya kung aalis na talaga siya?
Ayaw niya pa sanang tumuloy pero kailangan, para sa pangarap at para sa magulang. Isang itong malaking opurtunidad para makamit niya ang pangarap na inaasam, ang maangat ang kanyang magulang mula sa kahirapan.
Isa iyong natural at komon na pangarap para sakanilang mahihirap.
At naiisip niya kung pakakawalan niya ang opurtunidad ay malaki itong kawalan sa pag-abot niya sa pangarap. Lalo pa't hindi sa lahat ay nabibigyan ng pangalawang pagkakataon.
"Ayos ka lang?"
Napatigil siya sa pagmuni-muni nang dahil sa biglang nagsalita sakanyang likuran, ngunit hindi na niya kailangan pang lingunin ito dahil boses pa lamang nito ay kilalang-kilala na niya.
Ito ang kanyang pinaka-matalik na kaibigan, si Ardo, pero ang tunay na ngalan ay Ricardo Genero Jr. Ayaw niyang tawaging ganon kaya Ardo nalang.
"Bakit mo ba kasi tinanggap-tangap yung iskolar? Tapos may paemote-emote ka pa dyan? Hoy bakla! Desisyon mo yan oy!"
Napatawa naman siya ng payak sa sinaad ng kaibigan. Kahit hindi man nito sabihin ay alam niyang malungkot na naiinis ito sa pag-alis niya bukas. Ayaw lang nitong ipakita.
"Baliw, malaking opurtunidad to para sakin syaka sayang kaya kung pakakawalan ko." malumay nitong saad sa kaibigan na umupo sa kanyang tabi.
Napatahimik naman ito sakanyang tinuran. Alam iyon ng kaniyang kaibigan, na iyon ay isang malaking opurtunidad para sakanyang kaibigan o kahit sinong mang makatangap nun sa lugar nila.
Pahirapan ang pamumuhay sa kanilang lugar. Mahirap ngunit masaya. Kung elementarya't hayskul lang ang pag-uusapan ay hindi siya aalis kahit pa may maglahad sakanya ng iskolar pero ibang usapan na ang kolehiyo.
Kung dito sya magkokolehiyo kinakailangan pa niyang tumawid sa kabilang baryo para makapunta sa syudad kung saan nakatayo ang nag-iisang kolehiyong paaralan sakanilang lugar. Dalawang oras kung itoy lalakarin dahil nga may kalibliban ang kanilang lugar ay kailangan pang lumabas upang makahanap ng masasakyan.
"Natatakot ako sa magiging kapalaran ko sa maynila, Ardo." kumpisal nito sa kaibigan. Natatakot siya baka pagkumpulan siya ng tukso roon lalo na't hindi niya alam kung papaano ang galaw ng pamumuhay roon.
"Desisyon mo yan eh, binalaan na kitang wag tumuloy pero matigas parin ulo mo! Bahala ka na dyan." irap nitong saad dahilan upang mapatawa ulit siya ng payak.
Hindi niya matukoy kung naiinis ba ito sa pag-alis nya o ano. Basta ang alam nya lang nagdradrama na naman ito. Dito magaling ang kanyang kaibigan, sa pag-drama.
"Ang sama-sama mo! Wala kang kwentang kaibigan! Isa kang huwad! Taksil! Ahas! Hindi mo man lang naiisip ang nararamdaman ko, selfish ka!" pakikisabay niya sa drama ng kaibigan.
"Hoy bakla ka! Wag ka ngang umarte na ikaw ang nadedehado! Syaka ang panget ng arte mo oy! Maghulos dili ka Almerol!" natatawa saad ng kanyang kaibigang sa pag-gaya niya sa pag-arte nito.

BINABASA MO ANG
Under His Arms
Teen FictionSa isang malayong lugar ng pilipinas nakatira ang natatangi't naiiba sa lahat-si Almira Bentes. Nag-iisang anak ni Ricardo't Belenda. Payak ang kanilang pamumuhay. Simple't payapa- -Ngunit ang kanyang payak na pamumuhay mababago sa binigay ni Bathal...