Chapter 5
SA DALAWANG ORAS na kanilang welcome party ay walang naganap, tanging talumpati lang ng punong guro na pinupunto ang dapat at hindi dapat pwede sa paaralang kanilang papasukan. Hindi nga nila matukoy kung ito ba'y welcome party o talumpati.
Nakaginhawa ng maluwag ang bawat estudyante nang bumaba ng gitnang entablado ang kaninang punong guro na hindi man makitaan ng pangangalay sa dalawang oras nitong pagkakatayo.
"Yun lang talaga yun? Wala man lang laro? or kahit anong activities?"
Ganoon ang bawat ng tanong ng bawat estudyante sa silid ngunit si Lolita lamang ang may lakas na isambit ito ng malakas dahilan upang maagaw nito ang estudyanteng kalapit sa kaniyang pwesto.
"Bakit may nasabi ba akong mali at ganyan kayo makatingin?" anas nito.
Natampal naman ng mahina ni Almira ang kanyang noo. Ang pagka-jolog ni Lolita ay nagpapaalala sakanya kay Ardo.
Kamusta na kaya iyon? At ang magulang niya? Kamusta na kaya sila? Malungkot parin ba sila sa pag-alis niya? Hay, sana naman hindi na masyado.
Lumungkot naman ang mukha ni Almira sa mga naiisip. Miss na niya sila. Agad naman itong napansin ni Nicco sa kanyang tabi kaya tinanong siya nito., "Oy ayos ka lang? lumungkot ka bigla?"
"Naiisip ko lang sila mama't papa." sagot niya.
"Okay lang yan. Its natural lang naman, make them your inspiration nalang. Tara na umalis na tayo." anito.
"Wag muna nagkukumpulan pa sila oh!" turo niya sa nagkukumpulang estudyante paalis ng function hall., "Teka ba't parang atat silang umalis e maaga pa naman? Alas quatro pa a?" aniya ng mapansin na tila nag-uunahan ang mga estudyante sa pag-alis.
"Oy lita, san ka pupunta?" pagtawag niya kay Lolita ng mapansin niyang papunta ito sa nagkukumpulang estudyante.
"Aalis na? Wala naman tayong gagawin na e." sagot nito.
"Wag muna. Patapos narin naman sila o," aniya sabay turo sa unti nalang na nagkukumpulang estudyante kumpara kanina. Nakalabas na ang iba.
"Wag na natin silang hintayin matapos, sabi sabi kasi dito, kung sino daw ang mahuling estudyante siya ang papa-." natigil ni Nicco ang dapat sabihin sapagkat may isang guro ang lumapit sakanilang pwesto.
"Good afternoon sainyo." bati ng kakadating lang na guro. Nasira naman ang mukha ni Nicco na tila meron hindi magandang mangyayari.
"Good afternoon maam." bati ni Almira dito ma walang kaalam alam sa mangyayari.
"Pwedeng pasuyo sa inyong tatlo?" anito. Bakas naman sa mukha ni Nicco ang tila 'di gusto ang nangyayari, habang si Lolita ay nakatayo lang, nakikinig. Nang tumango si Almira ay mas lalong lumukot ang mukha ni Nicco., "Thank you sainyo. Pakiligpit nalang ako sa mga chairs at ilagay sa gilid tas paki walis narin ang sahig, thank you ulit.." tila nawasak rin ang mukha ni Lolita sa gilid. 'Di nya gusto ang pag-lilinis.
"Ikaw kasi e! Ba't ka pumayag payag sa matandang hukluban na iyon? Naku, pagtayo magabi sa daan kukutusan talaga kita! Kasalanan mo talaga ito e, aalis na sana ako may pa "wag muna, patapos narin naman sila o," ewan ko talaga sayo." panisisi ni Lolita kay Almira. Napangiti lamang siya sa pagdrama ni Lolita.
BINABASA MO ANG
Under His Arms
Novela JuvenilSa isang malayong lugar ng pilipinas nakatira ang natatangi't naiiba sa lahat-si Almira Bentes. Nag-iisang anak ni Ricardo't Belenda. Payak ang kanilang pamumuhay. Simple't payapa- -Ngunit ang kanyang payak na pamumuhay mababago sa binigay ni Bathal...