Chapter 2
PAGBABA niyang bus, nagkukumpulan agad na tao ang sumalubong sakanyang paningin. Ibat ibang senaryo ang nagaganap. May namamaalam at yung iba nama'y sinusundo. Mangilan ngilan lang 'ata ang lumuwas ng Maynila base sa kanyang nakikita't obserbasyon.
Karamihan sa nakikita nito dito ay mapuputi o di kaya'y kulay krema, siya lang 'ata ang kulay tsokolateng napadpad. Kaya naman hindi niya masisi ang mga tao na tumingin o lumingon sa direksyon niya na tila ba ngayon lang sila nakakita ng ganitong uri ng balat.
"Kaya ka 'to!" pagpapalakas nito sa sarili.
Napabaling lang ang atensyon niya ng biglaang tumunog ang kanyang de keypad na selpon mula sakanyang bulsa. Agad naman nya itong binunot at tinignan ang tumawag.
Unregistered number...
Kahit may pagtataka'y agaran niya itong sinagot., "Hello po, sino po sila?"
"Ako to, si Mrs. Sandavedra."
"Ay Maam kayo pala." aniya ng mapagtanto ito ang assistant ng kanyang bagong principal. Ang susundo daw sakanya.
"Asan kana pala?"
Nilibot niya ang paningin sa paligid, nagbabasakali may mahanap na karatolang nagsasaad kung nasaan siya ngayon., "Hindi ko po alam eh, basta nandito lang po ako sa pinagbabaan ko ng bus." kumpisal niya.
Meron naman siyang nakikita karatula sa bus pero pa iba iba ito kaya hindi niya alam kung asan rito ang tunay na naglalahad sakanyang kinatatayuan. Baka maligaw pa niya ang nasa kabilang linya kung huhulaan niya lang kung asaan siya.
Mahinang tawa ang narinig niyang sagot sa kabilang linya, ngunit hindi iyon mapagmaliit na tawa, iyon ay natutuwang tawa. Kaya hindi siya nakaramdam ng panliliit sa sarili bagkos napangiti na lamang siya.
"Okay sige, hintayin mo lang ako dyan. Wag kang lalayo ah. Teka kumain ka na ba?" anito.
"Okay po, at yes po tapos napo akong kumain." tugon niya.
Wala rin naman siyang papuntahan. Hindi niya pa alam ang mga pasikot-sikot sa lugar. Nangangapa pa siya sa bagong lugar.
Mabuti nalang at pinabaonan siya ng ina kanina dahil kung hindi ay tiyak mahihimatay talaga siya sa gutom. Ang mamahal kasi ng mga pagkaing nadadaanan niya kanina. Dumoble ang presyo nito sa mula sa orihinal nitong presyo.
Nang naramdaman niyang nanga-ngalay na ang binti ay humanap siya ng pwestong pwedeng upuan. Kahit hindi kalakihan ang bitbit nitong bag ay may kabigatan ito sa pagkadahilanang puno ito ng laman.
Ilang minuto rin siyang nakaupo ng may lumapit sakanyang babae, patanda na ito basi sa kulay ng buhok. Ngumiti ito sakanya bago nagsalita., "You're Almira Bentes, right?"
Napatango siya sa tanong nito., "Opo."
Hindi niya rin malaman kung bakit kay bilis nitong napagtanto na siya ang iskolar gayong hindi pa naman sila nagkikita. Siguro dahil siya lang ang mukang 'di taga dito.
"Sumama ka saakin. Ihahatid kita sa magiging tutuluyan mo." anito.
Lumakad ito patungo sa nakaparadang kotse nitong kotse, sumunod lamang siya.
BINABASA MO ANG
Under His Arms
Fiksi RemajaSa isang malayong lugar ng pilipinas nakatira ang natatangi't naiiba sa lahat-si Almira Bentes. Nag-iisang anak ni Ricardo't Belenda. Payak ang kanilang pamumuhay. Simple't payapa- -Ngunit ang kanyang payak na pamumuhay mababago sa binigay ni Bathal...
