Chapter 1

238 21 21
                                        

Chapter 1


MALUMAY na kinakain ni Almira ang pagkain sakaniyang plato. Ngayon ang araw ng kanyang alis sa lugar. Ito na talaga. Ilang oras na lamang ang hihintayin at darating na ang inarkilahan ng kanyang ama upang ihatid siya sa terminal ng bus.

Bawat lunok niya ay tila may kasama itong matigas na bagay na nagpapahirap sakanyang lunukin ang bawat kutsaritang kanyang kinakandos.

At tanging kurbyeryos lamang ang gumagawa ng ingay sa hapag. Mga kutsarang dumadampi sakanilang mumurahing plato. Walang may balak magsalita. Parang isang krimen ang mangyayari pag-nagsalita.

"Nak...." napatigil siya sa paglunok at napalingon sa inang mahinang humihikbi.

Bago niya pa masagot ang ina ay tumayo na ito sa kanyang inuupuan at lumapit sakanyang pwesto't mahigpit siyang niyakap, yakap ng isang ina.

"Nak... mamimiss ka namin.." iyak nitong saad sakanya. Hindi niya ito magawang sagutin bagkos hinigpitan niya lamang ang pag-yakap sa inang umiiyak.

"Ano ba yan! Ang drama ng pamilya ko. Mas lalo kang pumapanget pag-umiiyak ka anak." natatawang saad ng ama sa pag-iyak ng mag-ina nito.

Tumayo rin ito si inu-upuan at lumapit sa inang nagyayakapan upang makisali. Sa kanilang yakapan ay walang may balak na bumitaw.

"Mamimiss ka namin anak, tandaan mung mahal na mahal ka namin ha? Tyaka may sem-break naman kayo diba?" tumango siya sa tanong ng ama.

Tama nga may sem-break sila pero matagal pa yun lalo na't kasisimula pa lang ng buwang hunyo. Ilang buwan pa ang kailangan lumipas para dumating ang sem-break.

"Tama ang Papa mo nak at mayron naman bagong bukas na kompyuter shop sila Aling Merna. Ivideo call mo nalang kami. Video call ba tawag dun nak?"

Napatawa siya sa tanong ni Mama. Halatang inosente ito sa ganitong mga bagay., "Opo ma, video call ang tawag dun."

"Oh ganyan nga nak! Ngumiti at tumawa ka. Mas lalo kang gumaganda nyan."

"Binobola niyo naman ako pa eh." natatawang saad nito sa ama, na kahit nakangiti ay hindi makakaila ang lungkot sa mata.

"Teka, nasaan na pala si Ardo? Naku, Malapit pa namang mag alas-syete tiyak darating na si Mang Hulio maya-maya." pag-iba sa usapan ng kanyang ina nang mapansing wala pa ang matalik na kaibigan ng anak, na kanila naring tinuring anak.

"Oo nga, asan na kaya iyon? paalam lang nito kanina ay may bibilhin lang daw saglit sa sentro pero hangang ngayon ay hindi parin dumdating." segunda ng kaniyang ama.

"Baka natagalan sa pagbili o kaya'y nahirapan siyang naghanap ng sasakyan." aniya.

Hindi siya nakaramdam ng pagkabahala na hindi niya maabotan ang kaibigan eh yun pa! Way maker nga yun diba?

Maya-maya pa'y may biglang may bumusina sakanilang bakuran, palatandaan dumating na si Mang Hulio. Ito ang inupahan ng kanyang papa para ihatid siya sa terminal ng bus.

Under His ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon