Chapter 3

170 15 20
                                        

Chapter 3


ISANG mabilisang kilos ang ginagawa ngayon ni Almira't Lolita. Sa dahilang hindi sila nagising sa wastong oras na kanilang tinantya. Malapit nang pumatak ang alas siyete ng umaga at malapit narin silang mahuli sa unang araw ng klase. At hindi pwede iyon sakanilang mga iskolar.

"Oy bilisan mo dyan, lagot tayo kay Nay Esther pag makita niya tayo rito." sambit ni Lolita habang suklay ang kanyang kulot na buhok sa mabilisang ritmo.

"Pahiram ako suklay." anas naman ni Almira dito nang makita niyang akma na nitong itatabi ang suklay sa lamesa.

Agad namang kinuha't binigay ni Lolita ang suklay kay Almira sabay sabing., "Wala ka namang lisa't kuto siguro diba?"

Agad namang nagbago ang mukha ni Almira sa tinuran nito., "Wag ka nga! Malinis kaya ang ulo ko. Baka ikaw nga tong may lisa eh!"

Nakapag-palagayan na ng loob ang dalawa kaya naman malaya na nilang inisin at asarin ang bawat isa. Palatandaan iyon na lumalago ang kanilang pagkakaibigan na kinatuwa ni Almira. Wala man dito ang kanyang pinaka-malalik na kaibigan at magulang ay binigyan naman siya ng diyos ng isa pang kaibigan.

Napatigil lamang ang dalawa sa kanya-kanyang ginagawa't nagkatinginan ng biglaang may kumatok sakanilang pintuan. Hindi pa nila nabubuksan ay may mukha ng pumasok sakanilang isipan.

Si Nanay Esther, ang bumubuhay sa bawat patakaran ng dormitoryo para sakanilang mga iskolar. Hindi naman ito masyadong masungit sadyang may pagkastikta lamang pagdating sa patakaran kaya isang malaking dagok ang kanilang haharapin kung sakali mang may isa silang mabaling patakaran. Maliit man o malaki. Para kay Nanay Esther, Patakaran ay patakaran. Pero kung mas mabigat ang iyong rason ay maaring mabali ito at hindi maparusan o kaya'y masermonan.

"Ikaw na magbukas tutal magaling ka naman sa larangan ng pambobola." anas ni Lolita kay Almira.

"Hoy! Grabe ka ah! Hindi kaya ako magaling mambobola sadyang madali lang akong makisama sa mga nakakatanda."

Sipsip man sa mata ng ilan pero hindi ganoon si Almira. Gaya ng sinabi niya, madali lang talaga niyang makapalagayan ng loob ang mga matatanda dahil nga iisang bobong lang sila dati ng kaniyang yumaong Lolo.

Idagdag na natin ang inosente nitong mukha at palangiting ugali dahilan upang mas mabilis niyang makuha ang puso ng matatanda. Kaibahan sa kaibigan nito na mukang takas preso.

"Magandang umaga po Nay! Natagalan lang po kami ni Lolita ng gising, namamahay pa po kasi kagabi kaya magpasensyahan nyo na po kami Nay. Hindi na po ito mauulit, promise." bungad ni Almira rito.

"Naku, naku, Oh sige naiintidihan ko kayo pero siguraduhin niyong pagbalik ko rito ay nakalabas na kayo at wala na rito dahil kung hindi? Naku! naku! Sinasabi ko sainyo ipapalinis ko talaga ang buong dormitoryo sainyo." anito.

"Salamat po Nay."

"Oh siya sige. Una na ako at iche-check ko lang ang ibang silid." pamamaalam nito na tango't ngiti lang ang sinagot ni Almira.

"O diba ang galing mo." anas bigla ni Lolita sakanya nung makalayo na si Nanay Esther sakanilang tanaw., "Bilib na talaga ako sayo."

Under His ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon