Chapter 4
MASAYANG nakikipagkwentuhan at tawanan sila Almira't Lolita sakanilang mga kaklase.
Hindi naman pala lahat ng nag-aaral rito ay matapobre gaya ng kanilang inaasahan. Siguro nasa siyam na pu't porsyento ang nakikisama ang at natira ay, wag na nating pag-usapan."Al? Alam mo ba na yung nagalit kanina saatin ay anak pala ng may-ari ng school?" nilingon ito ni Almira dahil sa sinabi nito.
"Seryoso? Saan mo naman nalaman?"
"Naku, kay Beatrice. Nerd-nerd pa trip ng gaga ang landi rin naman pala. Alam mo bang halos lahat ng picture niya ay sa anak ng may-ari ng school? Naku, na shookt na ako eh. Ewan ko ba talaga kung kaninong phone yun eh."
"Seryoso?" yun lang ulit ang nasabi nito.
"Oo nga! Paulit-ulit ka e, tyaka alam mo namang mahilig ako magbasa ng mga libro no? at halos lahat ng libro na nababasa ko ay magsisimula sa bangaan at bangayan tapos magkakadevelopan sila. Tyaka napapansin ko kanina panay sulyap niya saakin." kinikilig nitong ani.
"Ewan ko sayo, pero mabuti nalang at same course tayo ng kinuha. May kasama akong baliw at maingay kaya hindi mapapanis ang laway ko." anas niya rito.
"Hoy grabe ka naman saakin. 'Di ako baliw oy! Slight lang." natatawang ani ni Lolita.
Nagtigil lamang sila ng may guro ng pumasok. Ito ang kauna-unahang gurong pumasok ang dalawang guro kasing nauna ay hindi dumating kaya ang dalawang iskolar ay nagbunyi.
"Good morning!" tipid nitong ani.
Natigilan naman ang mga estudyante sa silid ng marinig nila ang boses nito. Basi sa boses nito, alam na nilang isa ito sa mahihirapan silang pakisamahan.
"Good morning maam." hindi magkasabay nilang bigkas at ang iba pa'y tila walang nakitang guro sa harap dahilan upang tumaas ang isa nitong kilay.
"Stand up!" isa-isa namang tumayo ang mga estudyanteng nagtataka't kinakabahan sa di malamang dahilan kung bakit sila pinapatayo ng guro., "Good morning."
"Good morning maam!" ulit nilang bati pero sadyang may mga tanga talaga at hindi makasabay kaya pinaulit sila ng isa pang beses.
"Nagcollege nalang kayo di niyo pa kayang bumigkas ng sabay? Ulit!" anito na nababakasan na ang pagkainis sa mukha.
Ilang beses rin silang pinaulit hangang sa sabay na nilang nabigkas. Walang nahuli't nauna kaya pinaupo na sila ng kanilang guro.
"Mabuti naman at nakuha niyo na. I'm." hindi nito tinapos ang pagsasalita at tumalikod upang harapin ang puting pisara para isulat ang buong pangalan., "Im Lilian Borre. Just call me Maam Lilian. Understood?"
"Yes maam." sabay nilang anas.
"Good." komento nito sa mga estudyante na sabay na ang pagbigkas...., "Okay since its our first meeting lets do the introduction." samot samot namang reaksyon ang nakuha nito sa estudyante ngunit pinanlakihan niya lang ang mga ito ng mata, napatahimik naman ang mga estudyanteng nagrereklamo kesyo pambata lang daw iyon.

BINABASA MO ANG
Under His Arms
Teen FictionSa isang malayong lugar ng pilipinas nakatira ang natatangi't naiiba sa lahat-si Almira Bentes. Nag-iisang anak ni Ricardo't Belenda. Payak ang kanilang pamumuhay. Simple't payapa- -Ngunit ang kanyang payak na pamumuhay mababago sa binigay ni Bathal...