Sunday morning came. Bumangon ako, nanghilamos at nag toothbrush. Then my phone beeped.
Storm:
Let's go to church later niyebe.
Natawa ako at nagtipa.
Me:
Sure bagyo! Done bfast? :)
Ilang segundo ay nagreply.
Storm:
Yepp. You?
Me:
Hmm later :)
Bumaba ako umupo muna sa sala namin. Nakita ko si Mommy na nakabihis na at nagmamadaling bumaba sa hagdan at hawak ang kaniyang cellphone na tila ba may tinatawagan. Hindi ito mapakali.
"Mommy, sino ba ang tinatawagan mo?"
Mabilis siyang bumaling sa akin, "Ah wala sweetie. Kain ka na." Ngiti niya.
Napansin kong pilit lang siyang ngumiti sa akin.
"Hindi pa ako nagugutom My. Saan po kayo pupunta? Sunday ah?"
"Ah emergency meeting Sweetie. Babalik rin ako." With that, lumabas na siya at pinagbuksan ng pinto ni Manong Rudy, the car engine started and drove off.
4pm magsisimula ang mass kaya 2:30 pa lang ay naghahanda na ako. Naligo muna ako pagkatapos ay nag toothbrush. Binuksan ko ang aking closet at nahagip ng aking mga mata ang isang simple floral dress na hanggang tuhod ang taas, isinuot ko rin ang denim jacket at white sneakers.
Tumingin ako sa salamin at nagsuklay ng buhok. Kinuha ko sa drawer ang box at binuksan ito, napatingin ako sa necklace na bigay ni Storm pagkatapos ng prom. Isinuot ko ito at napangiti.
"You look beautiful." si Storm nang sinundo niya ako rito sa labas ng Mansiyon.
"Sige mambola ka pa." Nakapasok na kami sa kaniyang sasakyan. Nag seatbelt na ako.
"Seriously Snow, you're too beautiful that I'm afraid our daughter will look the same as you."
Napatitig ako sa kaniya pagkatapos kong mag seatbealt. Our.... daughter? Then I blushed hard.
"Our... daughter?"
"Yes. Aanakan naman kita." He winked at me. Mahina ko siyang hinampas sa braso.
"Yang bibig mo!"
"Bakit? I'm serious Snow. Pakakasalan kita then have kids."
"Magsasawa ka rin."
"No I won't. I see my future with you, Snow. Only you." aniya at natahimik ako. Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil nararamdaman kong namula ang aking pisngi.
"Ba't ka naman matatakot?" balik kong tanong sa kaniya.
"Sa sobrang ganda, maraming manligaw. Marami ring sakit sa ulo." He said and I chuckled.
Nandito na kami sa simbahan at naghanap na ng upuan. Nang nakahanap na ay umupo na kami at tamang-tama na nagsisimula na.
"Magsisimba na tayo palagi okay? And God should be the center of our relationship." Naalala ko ang sabi ni Storm kanina sa sasakyan. Hindi ko maiwasang mas lalong ma-inlove sa kaniya.
Nagsasalita na ang pari at nakinig kami.
"Ang pumasok sa isang relasyon ay hindi lamang saya at palitan ng i love you's iyon, there should be assurance, consistency and trust." anito.
YOU ARE READING
A Beautiful Dream
Romance"I want to bury someone alive for taking you and our son away from me. No one takes what's mine. No one." -Dwayne Storm Montreal