6:30 p.m. daw magsisimula ang aming prom. Kaya 2:30 p.m. ng hapon ay sinimulan na ako ng pag mamake-up. Tinawagan ni Mommy ang aking Tito na make-up artist and hairstylist. At sinadya pa ni Mommy na hindi pumasok sa kompanya dahil aalalayan niya ako.
"Wala ka pang make-up, ganda mo na pamangkin ko!" si Tito.
I giggled, "Thanks Tito."
"And your dress... it suits on your pale skin!"
"Syempre, si Mommy ang pumili nyan." Then Mommy winked at me. Tumunog ang kaniyang cellphone at lumabas para kausapin kung sino man ang tumawag.
Pagkatapos ng make-up ay sa buhok na naman si Tito. Dalawampung minuto lang ito nagawa ni Tito and I gasped of how beautiful my hair is.
"Anong tawag sa style na ito Tito?"
"It's called Modern French Twist. Sinadya ko talaga na ganituhin ang buhok mo dahil ang ball gown mo ay backless." Ngiti niya habang naglagay ng hairspray.
Akala ko tapos na but Tito pull some strands of my hair at pinaikot sa plantsa sa buhok and let it loose.
"There." Ngiti niya.
I looked at my face in the mirror. Wow. Is this me?
"Magbihis ka na. Tawagin mo lang ako kapag tapos ka na." si Tito.
Tumango na lang ako at sinarado na niya ang pinto. Dahan-dahan akong nagbihis baka masira ang make-up at buhok ko. Pagkatapos kong magbihis ay binuksan ko ang box na binigay ni Mommy sa akin kanina. It's a beige ankle strap heels. Nabili daw niya 'to last week nung pumunta sila ng Greece ni Daddy dahil meeting sa investors raw.
I widened my eyes as I touched the heels. So pretty. Isinuot ko iyon at tiningnan ang kabuuan ko sa salamin. Nag sideview ako at tiningnan sa salamin ang aking likod then I smiled. Perfect.
Tinawag ko na si Tito at pumasok na siya kasabay ni Mommy.
"You look so elegant in that ball gown my pamangkin!!" Tito exlaimed happily.
"Oh sweetie. Ang ganda-ganda mo." Napahikbi si Mommy at niyakap ako.
"Thank you Mommy for making my dress wonderful."
"Anything for you my baby." aniya at hinalikan ko siya sa pisngi.
"Let's go downstairs? Someone's waiting for you." Bakas sa mukha ni Mommy ang saya.
My eyes widened at that at dali-dali akong lumabas ng kwarto patungo sa hagdan. Someone? Waiting for me? Wala naman akong pinapapunta dito ah.
"Be careful anak! Baka madapa ka!" paalala ni Mommy.
"Someone? Who? I'm not expecting a visito-." Naputol ang sasabihin ko when my eyes darted at the familiar body frame na nakatalikod sa hagdan. Nang marinig ang boses ko ay dahan-dahan itong bumaling and then our eyes met.
In his black tux, Storm is waiting downstairs, his hair is very neat at bagong gupit yata, that dark and thick eyebrows and hazel eyes that makes me intimidating just like the first time, matangos ang kaniyang ilong and that perfect jaw. Then my eyes settled on his soft pinky lips. Damn.
Dahan-dahan akong bumaba at ng tumigil na ako sa kanyang harapan ay para akong kinapos sa aking hininga ng nagkatitigan kami. He look so freaking handsome! I mean guwapo na siya pero mas lalo lang yatang gumwapo ngayon!
An amused smile plastered on his face and licked his lower lip, "You look so... gorgeous and.... stunning." Ang bango niya!
I flattered at that, "You look so handsome too."
"Matagal na akong guwapo Snow."
We both chuckled and then Mommy appeared.
"Akala ko ba wala kang date. Hhmmm."
Pinandilatan ko si Mommy, "Mommy..."
"Storm, enjoy kayo sa party ha? Please ikaw na magbantay sa anak ko."
"Yes po Tita. I will. Hindi ko po pababayaan si Snow."
Naguguluhan ako sa dalawang 'to. Alam ko naman na kilala ni Mommy ang Mama ni Storm pero kailan pa sila magkakakilala? At kung mag-usap sila'y para bang close.
"W-Wait. Mommy kilala n'yo na ho si Storm?"
Then Mommy pushed us away. "Alis na nga kayo! Kinikilig ako eh!"
Tumawa lang si Storm at naglahad ng kamay sa akin. Wala na akong magawa. Tiningnan ko ang kaniyang mga kamay at tinanggap iyon.
"Bye Tita. No worries Tita iuuwi ko po ng maaga si Snow."
"I trust you Storm." Mommy then hug Storm and then to me.
"Bye Mommy. Thank you for everything." I kissed her cheek.
"Anything for you baby. Enjoy the prom okay?"
We bid goodbyes again at pinagbuksan ako ni Storm ng pinto ng sasakyan niya. Hinawakan pa niya ang gown ko hanggang sa komportable na akong naupo at sinarado ang pinto, umikot pa siya at pumasok na.
Kumaway pa si Mommy sa akin at kumaway rin ako at ngumiti then pumasok na si Mommy.
"Seatbelt beautiful." His voice behind me. Napatitig na naman ako sa kaniya. Then he crouched a bit to fasten my seatbelt.
YOU ARE READING
A Beautiful Dream
Romance"I want to bury someone alive for taking you and our son away from me. No one takes what's mine. No one." -Dwayne Storm Montreal
