Kabanata 21

0 0 0
                                        

Parang nawalan ako ng lakas pagkauwi ng bahay. Aakyat na sana ako nang nakita ko si Daddy na may dalang maleta at nakasunod si Mommy.

"Huwag kang aalis dito!" sigaw ni Mommy.

"Aalis na ako! Hindi ko na kayang tumira dito! Wala akong freedom!" si Daddy.

"Saan kayo pupunta Dad?" pagod kong tanong at natigilan silang dalawa ni Mommy.

"A-Anak." si Daddy.

"Are you leaving us?"

"Snow! Pigilan mo ang Daddy mo!" si Mommy.

Umakyat ako at lumapit sa kanilang dalawa.

"If you're going to leave Dad... fine. Huwag na kayong bumalik." Laglag ang panga nilang tumingin sa akin at nilagpasan ko na sila.

If a person wants to leave. Let them be. You don't have to beg. Know your worth.

Pumasok ako sa aking kwarto at ini-lock iyon. If Dad wants to leave to be with his... kabit, then okay.

Napahiga ako sa aking kama at hindi ko namalayan na tumulo na pala ang aking mga luha. It's so hard to pretend infront of everyone that I'm okay but deep inside, durog na durog na ako.

Una ang pagkalat ng picture, pangawala ang pagkawala ng ppt namin, pangatlo ang mga kaibigan kong tinalikuran ako and lastly, Dad leaving.

Bakit ganoon? Ang hirap naman maging masaya, dahil hindi mo alam kung ano ang kapalit and you don't even know when it will lasts.

Biglang tumunog ang aking cellphone at nakita kong tumawag si Storm. Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino.

Nang tumigil ito ay tumunog na naman ito ulit. Nag text siya.

Storm:

Snow, let's talk. Please.

Tumawag siya ulit at ini-off ko ang cellphone ko.

May kumatok at bumangon ako. Pinagbuksan ko ito ng pinto at bumungad sa akin si Mommy.

"I'm sorry I shouted at-." Hindi ko siya pinatapos nang bigla ko siyang niyakap ng mahigpit at hindi ko nakayanan at humagulhol na ako.

"Sweetie." si Mommy at mas lalo lang akong naiyak.

Pinakalma ako ni Mommy at pumasok kami sa kwarto ko.

She insisted to talk about what happened to me. Bumuntong hininga ako at sinabihan siya lahat pero except nung sinampal ako ni Millenia. Ayoko ng malaman ni Mommy iyon.

"What? They did that to you?" sigaw ni Mommy.

Tumango ako, "I feel so betrayed Mom. Should I forgive them?"

"Pakipot ka muna." tumawa si Mommy.

"Mommy. I'm serious."

A Beautiful DreamStories to obsess over. Discover now