Kabanata 18

0 0 0
                                    

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko these past few days pero bakit feeling ko may kapalit ang lahat ng saya?

Inutusan akong ilagay ang mga paperworks namin sa faculty at ginawa ko naman. Nang nakalabas ay may biglang humila sa akin sa gilid ng faculty at stockroom iyon at sa gilid naman ay hagdan na. Ang gaspang ng kamay, hindi 'to si Storm.

Nagpumiglas ako pero sobrang lakas niya. Nang humarap na ang lalaki ay nagulat ako kung sino.

"C-Calvin?" boyfriend 'to ni Millenia na nanligaw sa akin noon ah.

Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. Nagulat ako doon.

"Snow... U-Uh gusto s-sana kitang makausap tungkol k-kay Millenia." aniya.

Bakit? Ako? Bakit hindi si Millenia? Hinawi ko ang aking kamay.

"Talk to Millenia then. Kung may away man kayong dalawa labas na ako non." Aalis na sana ako ng hinawakan niya ulit ang palapulsuhan ko.

"U-Uhm kasi... ayoko na kay Millenia."

"Ba't mo naman sinasabi sa akin 'to? Diretso ka sa kaniya." Iritado kong sabi.

Nang walang pasabi ay bigla niyang inilapat ang kaniyang mga labi sa akin. Nanlaki ang aking mga mata. Tinulak ko agad siya at sinampal.

"Wtf Calvin!" Galit kong sigaw.

Binilisan ko ang aking takbo palayo sa kaniya. Ang gagong iyon!!

Kinuha ko ang aking panyo and wipe my lips. Kadiri!! Only Storm can kiss me!

Nawala ang galit ko ng makita si Storm kasama sina Yuri at Riley.

"Oh? Saan ka galing natagalan ka ah?" Ngiti niyang tanong sa akin.

Hindi ko alam kung anong uunahin kong sabihin sa kaniya.

"S-Storm kasi- ." Naputol ang sasabihin ko ng biglang nagsalita si Yuri.

"Snow! Hiramin muna namin ang boyfriend mo ah. Basketball lang kami sa gym." si Yuri.

Napatingin lang ako sa kanila. At ngumiti si Storm sa akin.

"Babalik rin ako. Ihatid kita pauwi." With that, umalis na sila.

Hinanap ko si Kyara at tamang-tama na papalapit na siya sa akin.

"Hey Snow! Hinanap kita! Saan ka ba galing ba't natagalan ka?"

"K-Kyar I-I have something t-to-." naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone.

"Oh? Now? Uhmm k bye." Sabi niya.

"Sorry Snow. Tinawagan ako ni Dad at susunduin daw kami ni Storm dahil family dinner na naman." aniya.

"Ah o-okay sige. Nasa gym si Storm."

Hinatid muna ako nila Storm bago sila tutulak sa family dinner nila. Wala ako sa mood.

Tanginang Calvin iyon!

Storm kissed my forehead, "I'll call later. I love you."

Ngumiti ako, "I love you too."

"Bye Snow! See you tomorrow!" si Kyara at kumaway lang ako.

Sinirado na ni Storm ang pinto at umalis na sila.

Nang makauwi ay narinig ko na naman na nag-aaway si Mommy at Daddy. Sa daming inisip ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Napabalikwas ako ng bangon ng napagtantong late na ako.

I checked my phone pero isa lang ang missed call ni Storm at wala man lang texts.

Tinawagan ko siya pero ayaw sumagot. Baka nakatulog na rin kagabi sa pagod.

Nang nasa school na ako ay napansin kong marami ang tumitingin sa akin at nagbubulong-bulongan. Yumuko lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Patungo na ako sa locker when I heard some gossips again.

"OMG.. nandito na ang cheater."

"Hindi pa nakuntento kay Storm."

"Ahas naman pala eh. Feeling inosente."

"Boyfriend ng kaibigan inahas? Myghad."

Binalewala ko na lamang iyon dahil alam ko ang totoo.

Pagsarado ng aking locker ay nagulat ako ng may biglang sumampal sa akin.

"Mang aagaw ka!" si Millenia.

Napahawak ako sa aking pisngi.

"Millenia ba't mo ako sinampal!" Sigaw ko.

"Hala may gana pang magalit." Dinig ko.

"Oh eh ano 'to?" Sabay pakita niya sa kaniyang cellphone na may picture na hinalikan ako ni Calvin.

Nanlaki ang aking mga mata. Sino ang kumuha nito? Alam niya ba na tinulak ko si Calvin at sinampal? Hah! Galing!

"Bakit hindi mo tanungin si Calvin?" Walang gana kong sagot.

"Mang-aagaw ka talaga! Hindi pa nakuntento kay Storm!" Sigaw niya.

Inirapan ko na lang siya at nilagpasan. May nakatingin pa rin sa akin at nag bubulong-bulongan.

Nang nakapasok sa classroom namin ay nandyan na si Kyara pero agad nag iwas ng tingin. Really?

"Kyar- ."

"Let's talk later Snow. Galit ako sa'yo." Aniya. Nakakurap-kurap ako.

Umupo ako at napatingin sa gilid ko pero bakante ang upuan ni Storm.

Lunch time came. Mabilis akong nagligpit ng gamit para makipag-sabay kay Kyara pero wala na siya sa kaniyang upuan. Napabaling ako sa pintuan at nakita ko siyang lumabas na.

Pumunta ako ng cafeteria pero nang makita ako ng mga tao ay agad na nag bubulong-bulongan. Iniwas ko na lang ang aking tingin sa kanila. Nang nahagip ng aking mga mata ang grupo namin ay napangiti ako. Napawi lang ito ng nakitang nakatitig lang silang lahat sa akin, walang emosyon sa mga mukha. Nandyan na pala si Storm. Ako lang ang wala.

Inirapan ako ni Millenia.

Nawalan ako ng ganang kumain at umuwi na.

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now