Sa wakas tapos na ang exams and it's Saturday. Pinapapunta ko si Yuri at Riley dito sa bahay para mag basketball kami.
Gustong bawiin ni Riley ang bola galing sa akin pero nakailag ako at shinoot ang bola at pumasok ito sa ring. Yes!
"Wala ka palang match sakin eh!" Tawa ko.
"Chamba lang yun ulol." Sagot ni Riley.
Tumawa ako habang ipinasa sakin ni Yuri ang bola, humakbang ako at tumalon para ma i-shoot ang bola. Nakalipas ang dalawang oras na paglalaro ay napagod din kaming tatlo.
Inabutan ako ni Riley ng tuwalya, "Thanks bro."
"Hey boys snacks!" Napabaling kaming tatlo kay Kyara na may hawak na tray na may lamang sandwich at sumunod si Manang sa kaniyang likod na may dalang juice at mga baso.
"Oh nandito pala si Kyara." Wika ni Riley.
"Oh eh ano naman?"
"Ano 'to?" Tanong ko sabay hawak sa sandwich.
"Tuna sandwich." Sagot ni Kyara.
Pinasalamatan ko silang dalawa ni Manang sa paghahanda ng aming meryenda. Habang kumakain ay biglang nagsalita si Riley.
"Bro, nag-usap na ba kayo ni Snow?"
"Galit pa siya sa'kin. And I understand her."
"Tsk ba't mo naman kasi iniwan na hindi nagpaalam." si Yuri.
"Alam n'yo naman diba kung bakit ako umalis but I know it doesn't justify of what I did to her."
"You left her hanging bro." si Riley.
"I know that's why bumabawi ako ngayon sa kaniya."
"Alam n'yo, hindi ko maiintindihan kung bakit nauuso ang bully sa school niyo at nung inutusan ako ni Storm na makipag kaibigan kay Snow, that day I saw how fragile Snow was. I mean yes she's rich but humble enough to hide her identity from anybody, nung una hindi nga ako makapaniwala na mayaman siya dahil sa hitsura niya, kaunting arte sa mukha at kaunting ayos sa pananamit. She screams elegance. Mula nung gumanda siya at nalaman ng karamihan na anak mayaman pala ay wala nang nambully sa kaniya. Pagandahan at yaman pala ang basehan sa school eh." Pait na tawa ni Kyara.
"Kaya Storm, kung ano man ang masabi ni Snow sa'yo, intindihin mo siya. Dahil kung naghirap ka noon sa pag-alis mo, naghirap din si Snow nang iwan mo siya." Dagdag niya.
Nagtiim-bagang ako and to think all those people na nanakit kay Snow ay mas lalo lang nadagdagan ang guilt na nararamdaman ko.
"Nothing to worry about it because I'll be patient enough for her."
"Huwag puro salita bro, gawin mo." Tawa ni Yuri at umiling na lamang ako.
"Snow gising... mali-late ka na." si Kuya Yosef.
Napabalikwas ako ng bangon ng tiningnan ko ang orasan at 8:45 na ng umaga. Shet late na ako!
Lumabas ako ng kwarto at bumaba para makakain ng sumunod si Kuya Yosef na may hawak na cellphone sabay tawa at parang vinideohan ako.
"Oh God Snow, you should have seen your face!" Tawa parin niya na hindi ko maiintindihan kung bakit siya natatawa. Nababaliw kana ba Kuya?
"It's Saturday little sis." Hagalpak ni Kuya at suminghap ako.
"Kuya naman! Delete the video!"
"No I'm gonna show it to Mom and Dad."
"Kuya!" I whined.
"Uto-uto ka talaga little sis." Kuya laughed so hard that made me irritate more.
"Ewan ko sa'yo." Inirapan ko siya at iniwan sa sala at tumungo sa kusina para kumain na.
YOU ARE READING
A Beautiful Dream
عاطفية"I want to bury someone alive for taking you and our son away from me. No one takes what's mine. No one." -Dwayne Storm Montreal