Kabanata 10

4 0 0
                                        

"Melove." narinig kong sambit ni Storm pagkatapos kong tumalikod sa kaniya.

Hindi ko alam pero napalingon ako. He smirked.

"Oh? Ba't ka lumingon?" si Kyara na may pagdududa sa kaniyang boses.

"H-Huh?" utal kong sabi.

"Siya nga." Then I saw his lips pursed.

Namula ang pisngi ko, hindi alam ang sasabihin kaya tumalikod ulit ako sa kanila at papasok na sa loob.

Papalubog na ang araw kaya napag-desisyunan na rin nilang pumasok na sa loob. Dito na raw kami maghahapunan sa bahay nila Storm.

Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari kanina. Dalawang beses na naglapat ang aming mga labi!

I shook my head. Relax Snow. Kalimutan mo na iyon! Wala lang 'yon!

Nandito kami ngayon lahat sa sofa at napagdesisyunan naming mag karaoke habang naghahanda si Manang ng aming hapunan.

Nakita kong sabay na pinulot ni Riley at Kyara ang remote at bigla nila itong binitawan nang maglapat ang kanilang mga kamay.

"Huwag mo nga akong hawakan!" si Kyara.

"Hawak agad? Assuming." si Riley.

"A-Anong assuming? Hoy!"

"Hoy din! Yang bunganga mo wala pang microphone pero ang ingay na!" si Riley.

"Stop it you two." saway ko sa kanilang dalawa.

"Yeah. You look like a cat and a dog." si Storm.

"Oo cute ako na pusa na highbreed! Eh yan!" at tinuro si Riley, "Mukha pa lang askal na!"

Nanlaki ang mga mata ni Riley, "Hoy a-anong.. ang guwapo ko kaya? Maraming nagkagusto sa akin. Isa kana doon!"

"Kapal mo rin eh no? I swear hanggang kamatayan hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo!"

"Che!" si Riley.

"Alam niyo sana wala na lang ako dito. Para akong fifth-wheel dito eh." si Yuri.

"Yur.. si Manang na lang kaya sa'yo?" bulong ni Kyara at tinakpan ni Riley ang kaniyang bibig, pinipigilang matawa at tinapunan namin siya ng tingin.

"Aray!" sambit niya ng binato ko siya ng unan.

"Tumahimik ka na." saway ko sa kaniya.

"Ano? Sabi niya fifth-wheel daw siya." aniya at napakamot sa kaniyang ulo.

"Ano namang kinalaman ni Manang doon?" si Storm at halatang nainis na.

"So totoo ngang may gusto ka sa'kin?" balik ni Riley.

Tinapunan na naman siya ni Kyara ng masamang tingin. Narinig ko pang nag nyenyenye silang dalawa at napailing na lang kaming tatlo. Si Yuri ang unang nagpili ng kaniyang ikakanta at nagsimula na.

Nang matapos kumanta ni Yuri ay naka 85 ito.

"Ganito. Kung sino ang makakuha ng mababang score, siya ang maghuhugas ng pinggan." ani ni Kyara.

"Ano ba yan! Late ka na nag announce. Sana ginalingan ko pa." si Yuri nang makita ang kaniyang score.

"Okay lang yan!"

Nanlaki ang aking mga mata, kinakabahan dahil hindi ako marunong kumanta!

"Uy may kinakabahan." tawa ni Kyara na nakatingin sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Beautiful DreamWhere stories live. Discover now