Ly Pov
Halos mapatalon ako sa saya nang mabasa ko ang sulat ni vester, nais niyang makipagkita saakin dahil may importanteng itong sasabihin. Naisipan ko din na umamin na sa kaniya pero kinakabahan ako.
Nang nakapunta ako ay nakita ko agad siya na naka upo. Nilapitan ko ito at tinawag nang nakangiti,napatingin siya sa gawi ko at nakita ko ang peke niyang ngiti, hindi ko na ito pinansin at nilapitan siya.
Nang nakalapit na ay niyakap ko ito at agad ding kinalas.
"Vester! Namiss kita! Kumusta ka na? Sabi mo ay may sasabihin ka at may sasabihin din ako hehe pero mauna ka na" ngiting wika ko
"Ly, namiss din kita, okay na okay ako ngayon kase guess who?! Sino itong nag audition at pumasa? Edi ako! Hahaha Ly, nakapasa ako sa audition yung pangarap ko matutupad na, magsisimula na kong mag training bukas" wika nito
"T-talaga? Congrats vester! Ang saya ko matagal mo nang pangarap yan eh at sa wakas ay matutupad na din, galingan mo ha! Ayan lang ba ang sasabihin mo? May sasabihin ako sayo"
Aaminin ko na sana na may gusto ako sa kaniya pero naunahan niya ko
"Pero kasi, eto na siguro ang huli nating pagkikita, aalis na ko at mamaya iyon, sorry kung ngayon ko lang nasabi ilang linggo din akong hindi nagpakita dahil kinakabahan akong sabihin sayo toh at sinadya ko talaga yun para masanay ka nang wala ako sa tabi mo" lungkot na wika nito.
Napawi ang ngiti ko at napalitan ito ng lungkot...
"N-ngayon ka na aalis? Akala ko busy ka lang talaga p-pero sinadya mo yun? Alam mo bang namiss kita ng sobra? Lagi akong pumupunta sa inyo, at nakikibalita kung naka-uwi ka na kung okay ka lang ba? Tapos ayun pala sinadya mo lang?!" sabi ko habang pinipigilan ko ang luha ko na tumulo.
"Sorry"
"Maiintindihan naman kita pero bakit? Bakit ka ganiyan? Nakakainis ka alam mo yun? tapos ngayon aalis ka na at ngayon ko lang alam?!"
" Oo nga pala sino pa ba naman ako para sabihin yan? Eh hindi mo naman ako girlfriend kaibigan mo lang pala ako nakakatawa"
"I-ilang taon ka mag tetrain?"
"Hindi ko alam pero aabutin yun ng taon, pasensya na kung nilihim ko toh lahat, pasensya na"
Sasagot na sana ako nang may tumawag sa kaniya.
"H-ha ngayon na?aalis na? A-ah sige aalis na ko"
"Ly---"
"Umalis ka na" walang emosoyon kong sambit
"Pe--"
"Umalis ka na! o-okay lang ako,kaya ko sarili ko kaya umalis ka na! Eto na nga talaga Siguro yung huli nating pagkikita" sabi ko at binigyan siya ng pekeng ngiti.
Wala siyang nagawa at umalis na.
"Paalam vester" bulong na wika ko
Napaluhod ako at umiyak na kanina ay pinipigilan ko lang bigla namang umulan ng malakas pero nagstay ako roon.
'Sabi mo walang iwanan?'
'Sabi mo walang sikreto na magaganap pero bakit nagsikreto ka at ngayon mo lang nasabi? Nakakatawa marahil nagsikreto din ako sa kaniya pero, aamin din naman dapat ako kaso naunahan mo ko'
Paalam, Paalam mahal ko
PART OF PAST.
-♡-
You can check and follow my social media accounts:
Facebook: Faye Nase
Wattpad: @lil_meowyieeee
Twitter: @im_jnll25If you want a dedication please comment your name and your name bias ty.
Your votes and comments are highly appreciated ;)
BINABASA MO ANG
MR.PAFALL
Fanfiction"Pafall ka talaga" "Sige mafall ka lang handa naman kitang saluhin" - - - - - "Totoo nga ang sabi nila kay hirap mo ng abutin para kang bituin masisilayan lang ngunit hindi mo ito kayang hawakan man lang sa sobrang layo" "Maiba...