SPECIAL CHAPTER 2

464 17 0
                                    


"Mom may i ask po kung bakit Mr.Pafall ang tawag mo kay dad?"

Agad akong napatigil sa aking ginagawa at binigyan siya ng tingin.

"Kasi may a'tin na nagsabi sakin na pafall daw si dad noon at tinawag mo daw siyang Mr.Pafall"

Ngumiti lang ako at ginulo ang buhok niya.

"Dahil pafall naman talaga siya, kung alam mo lang kung gaano kagaling ang papa mo sa banatan naku! Madami ng nafall dun!"







Stell's PoV



"Stell ang pogi mo!"

Binigyan ko siya ng pagtatakang tingin at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Pogi daw di wow"

"Oy pareng stell--"

"Ano nanaman?"

"Eto naman! Hindi ba maganda umaga mo?"

"Hindi at dahil yun sayo"

Araw-araw nalang kapag pumapasok ako sa school, nanghihingi ng advice, pagiging idol ang want ko hindi pagiging taga-advice ng may love life!

"Eto naman! Kasi diba alam mo naman kilala ka na sa school na Mr.Pafall at napauso yun ng kaibigan mong si ly, kaya--"

"Kaya manghihingi ka nanaman ng pick-up lines? Yoko nga nauubusan rin ako minsan noh"

Kahit kailan talaga si ly! Kaya pala nasasabihan ako lagi ng Mr.banatero at Mr.Pafall dahil pala sa kaniya yon! Sa kaniya lang naman ako bumabanat ah?!

"Dali na stell! Feeling ko sasagutin na ko ni isabella eh"

"Alam mo kevin mag-isip ka na ng sarili mong banat! Yang mga binigay ko sayo para kay ano dapat yun eh! Naawa lang ako sayo kaya binigay ko"

Nakapasok na ako sa room at nilapag ang bag ko.

"Para kanino ba mga banat mo? Eh halos lahat ata dito nabigyan mo na ng mga malupitan mong banat! para kay ly ba dalat yun? Ikaw ha!"

Binigyan niya ako ng tingin na parang may gusto ako kay ly. Tama ka pre hindi ka nagkakamali pero sikreto ko lang muna sa ngayon yun, sensya na pre.

"Hindi ah, sus hindi yun tinatablan ng mga banat ko! Suko na ko dun eh! At tsaka pre kung gusto mo talaga si isabel dapat may mababanat ka sa kaniya, you knoooow! Sweet lines! Kusa nalang lalabas yan sa bunganga mo"

Charot lang yung suko hehe, pero tinry ko bumanat kay ly at lagi niya akong binibigyan ng disgusting face.

Hindi na siya nakapagsalita uli dahil dumating na ang teacher namin, good timing talaga ma'am!

-----------♡

"Sige stell kapag hindi ka pa umayos iiwan kita dito sa park" Nagtataray nitong sambit.

Tinititigan ko lang kasi siya, paano wala naman akong gagawin eh. Alangang magbasa ako eh wala ako sa mood!

"Mamaya ka na magstudy! Bigyan mo naman muna ako ng time!" Nagtatampo kong sambit

Gabi na tapos aral pa din ang inaatupag, okay lang sana eh kung pag-uwi niya sa bahay nila matutulog na siya pero hindi eh! Nag-aaral pa din!

Nakakatampo wala na siyang oras sa bebe niya hmp.

"Tumigil ka nga diyan! Anong gusto mong gawin? Titigan buong oras?"

MR.PAFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon