CHAPTER 13

404 18 0
                                    

"Ano ba ang bibilhin? May stock pa naman tayo ah?" takang wika ko

"A-ano, kahit ano, pandagdag lang sa stock natin, tama, tama ganun nga hehe" utal na wika ni Josh

"Alam niyo ang weird niyo,hmm?" nagtataka na talaga ako

Magsasalita na sana si josh nang kinalabit siya ni Ken na parang nakakita ng multo at itinuturo ang sa may entrance. Biglang nanlaki ang mata nila pero hindi sila sakin nakatingin kundi roon. Titingin na sana ako pero bigla nila akong tinulak at naglakad.

"Huy, baka madapa ako teka lang" inis na wika ko

"Basta maglakad ka nalang bilisan mo stell, anlayo na nila ate rose oh" wika ni Sejun

"Uy boys! Bilisan niyo!" sigaw na wika ni ate rose

Binilisan namin ang lakad at pumunta sa kanila ate rose.

"T-tara na o-okay na ata toh" pagmamadali na wika ni ate rose

"Ha? Eh baka kulang pa yan" wika ko

"B-babalik na lang tayo dito mamaya, tara sa counter bilis, labas nalang kayo ako nalang pupunta dun" wika nito

Magsasalita pa sana ako nang hinatak agad ako nila josh papalabas at papasok sa kotse.

"Ano ba yan bat ba kayo nagmamadali?" inis na wika ko

"Eh sabi ni ate rose bilisan na daw natin eh sorry na" wika ni sejun

Umiling na lang ako at tumingin kay josh na parang nakakita ng multo habang pasulyap sulyap sa bintana.

"Huy ano bang nangyari sayo josh? Kanina ka pa diyan parang ewan na, na nakakita ng multo" ngiwing wika ko

"A-ano kasi tinitignan ko kung tapos na si ate rose, ay ayan na pala oh andiyan na" wika nito

Tumingin naman ako sa labas at nakita si ate rose na nagmamadali habang palabas at tumakbo papasok sa loob ng kotse.

"K-kuya yuri t-tara na whoo" habol hininga na wika ni ate rose

Tumango si kuya yuri at pinaandar agad ang kotse. Weird.

Tumingin nalang ako sa labas ng may nahagip ang paningin ko.

Si.. Si.. Si Ly ba yun? May..May i-iba na ba siya? Siya ba talaga yun?

Kinusot ko ang mata ko kung tama ba ang nakita ko pero nang pagtingin ko ulit ay wala na ito. Siguro ay nagmamalik mata lang ako.



LY PoV

Nandito ako sa grocery store para mamili ng chocolate at ng iba pa at nagpasama sa isang impleyado ko.

"Uhm Ma'am eto po yung tinutukoy ko sa inyong store" wika ni Mike impleyado ko

"Hmm. Okay tara pasok na tayo" ngiti kong wika

Pagpasok namin sa loob ay nahagip ng aking mga mata sila Justin. Agad din nila akong nahagip at nagulat. Nang nakita ko si.. si stell sa taranta ay hinatak ko si mike at dali-daling nagtago.

"Ma'am may problema po ba tayo?" takang wika nito.

"H-ha? A-ahh sandali lang" utal na wika ko.

Nakita ko namang dali dali silang lumabas kaya lumabas na rin kami sa pinagtataguan namin.

"Tara na bili na tayo" ngiting wika ko.

Habang bumibili ay nakita ko si ate rose na namamadali.

"Ate rose!" ngiting wika ko

"Oh ly? Nakita ka ba niya?" tanong na wika nito.

"Hindi naman po" wika ko

"Whoo buti nalang, ah sige alis na ko ha" ngiting wika nito

Tumango ako at lumabas na siya. Nang matapos sa pamimili ay lumabas na kami nang naalala kong pinaalis ko ang driver ko shit.

"Shit, pakitawagan nga si manong" wika ko

Tinawagan niya ito at maya maya lang ay nakarating na ito.

"Oh mike para sa inyo salamat at sinamahan mo ako" ngiti kong wika

"Wala yun madam ano ka ba, salamat po ditow" ngiting wika nito

Ngumiti ako at bumalik na sa kumpanya.



PRESENT.


-♡-

You can check and follow my social media accounts:

Facebook: Faye Nase
Wattpad: @lil_meowyieeee
Twitter: @im_jnll25

If you want a dedication please comment your name and your name bias ty.

Your votes and comments are highly appreciated ;)

MR.PAFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon