CHAPTER 3

551 27 1
                                    


Umuwi ako sa bahay ng basa at akala ko ay wala sila mama pero nagkamali ako.

"Oh anak anyari sayo? Bat basang basa ka? Akala ko nasa loob ka lang ng kwarto mo pero lumabas ka pala?" tanong na wika ni mama

"Naligo po ako sa ulan, lumabas ako kanina dahil nagkita kami ni vester" sabi ko at nagbigay ng pekeng ngti

"Talaga anak? Nagkita kayo? Oh anong nangyari? Umamin ka na ba?"

"Hindi ako nakaamin ma" sabi ko at yumuko

"Bakit? Anyari?"

"M-ma hindi na kami magkikita muli sabi niya, umalis na siya kanina pa bago bumuhos ang ulan" iyak kong sambit marahil hindi ko napigilan ang aking luha.

"Anak" lungkot na wika nito

Itinaas ko ang tingin ko at tumingin sa kaniya ay nginitian siya.

"Ma, magiging idol na siya, pumasa siya sa audition, naalala mo pa ba ma? Na pag nakapasok siya sa auditon ay mamahala na ko sa kumpanya? Ma eto na Siguro yung tamang oras pero--" putol na wika ko

"Anak masaya ako dahil matutupad na ang pangarap niya pero ikaw..." nag-aalalang wika nito

"Ma okay lang ako masaya din ako dahil nakapasa siya, ma aalis po muna ako pupunta ako sa amerika kila lolo, dun po muna ako at pagbalik ko dito ay mamahala na ko sa kumpanya niyo pangako, gusto ko lang kasi magpahangin at makalimot" wika ko

"Sigurado ka ba?" wika niya at tumango lang ako

"S-sige kailan ba?"

"Ngayon po sana"

"N-ngayon? s-sige tatawagan na namin agad ang lolo't lola mo at sasabihing pupunta ka agad doon, aayusin ko na din ang ticket mo sige na mag-ayos ka na ng gamit mo"

Tumango lang ako at pumasok sa kwarto para mag-ayos.

Okay na rin Siguro ito, para makalimot na ako, para maipakita ko sa kaniyang hindi siya kawalan at eto nakayanan kong mabuhay ng wala siya sa tabi ko.

Nang nakapag imapake na ako ay saktong pumasok si papa sa loob.

"Anak, alam kong hindi na kayo okay ni stell pero, sana pag nagkita man muli kayo ay sana mapatawad mo siya sa ginawa niya sayo"

"Pa, okay lang ako at siya na ang nagsabing hindi na kami magkikita pang muli at paninindigan ko iyon, mawawala na rin siguro itong nararamdaman ko, paninindigan ko yung sinabi niya sakin"

"Pero anak, wag mong pilitin na mawala yang nararamdaman mo dahil masasaktan ka lang hayaan mo siyang mawala, at magsaya ka roon sa amerika"

"Opo pa, salamat"

Nang okay na ang lahat ay aalis na sana ako sa kwarto nang may napansin akong frame... Nakita ko roon ang picture namin ni vester pareho kaming nakangiti doon, tinaob ko iyon at umalis na..

Nang nakarating kami sa airport ay napaluha si mama na nakapagpatawa saakin.

"Hays ma, kahit kailan talaga napaka oa mo, babalik naman ako eh" pigil na tawa ko

"Mamimiss ka namin anak, aayusin ko ang kwarto mo pagbalik mo dito"

"Ma, hindi na ko babalik satin, sa maynila na ako titira pagbalik ko, dahil nandoon naman ang kumpanya hindi ba? Paki lipat nalang roon ma ang mga gamit ko sa kwarto"

"S-sige anak, paalam anak"

"Paalam ma at pa pakisabi na rin po sa magulang ni vester at sa kaniyang kapatid na umalis na ako at mamimiss ko sila at kayo rin"

Tumango siya at ako naman ay umalis na.

MAMIMISS KITA PILIPINAS, LABIS KASI AKONG NASAKTAN KAYA IIWAN MUNA KITA AT PUPUNTA SA IBANG LUGAR PARA MAKALIMOT....

PART OF PAST.



-♡-

You can check and follow my social media accounts:

Facebook: Faye Nase
Wattpad: @lil_meowyieeee
Twitter: @im_jnll25

If you want a dedication please comment your name and your name bias ty.

Your votes and comments are highly appreciated ;)

MR.PAFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon