Masilayan lang ang iyong maamong mukha ay lahat ng aking pagod, galit ay nawawala para akong tigre pero pagkaharap ka ay para akong tupa.
Hawak ko na ang matagal mong hiling mahal ko, Ito na ang magpapatunay na akin ka lang at sayo lang ako, Habang tinitignan ko ito ay puno iyo ng excitement at tuwa, kay tagal ko ng hinintay ito mahal, Kay tagal ko ng hiniling na maging iyo ang apelyido ko at ngayon ay magiging iyo na. Inaalala ko ang mga binitawan niyang salita noong hindi pa kami pinaghiwalay.
"Vester gusto ko pagsikat ka na, gusto ko pag nahanap mo na ang minamahal mo magpoprose ka sa kaniya sa mismong concert mo o niyo okay?! Gusto kong patunayan mo sa lahat na siya lang ang mamahalin mo na hindi mo siya lolokohin na kaya mo siyang ipagyabang, ipagmalaki sa lahat! Gusto kong patunayan mo sa kaniya kung gaano mo siya kamahal!"
At ngayon ay handa ko nang gawin iyon. Matagal pa kitang dadalhin sa altar pero ngayon palang gusto kong akin ka na na ayaw ko ng may kaagaw. Kay saya dahil matutupad na ang hiling mo. Nahanap ko na siya at ganoon din siya.
"Okay boys! Pwesto na kayo doon. Stell! Goodluck!" ngiting wika ni ate rose
"Kinakabahan ako" wika ko
"Wag kang kabahan ingatan mo siya ha? Patay ka samin kapag pinaiyak mo yon" wika ni josh
Ngumiti ako at nangako. Pumunta na kami sa stage na halos mabingi na ako dahil aa sigawan, tilian hudyat na naroon na kami. Hinanap ko siya at agad ko din naman syang nakita. Nginitian ko siya at ganoon rin siya.
Kumanta kami at pagkatapos ay inumpisahan ko na ang balak ko.
"Mahal na mahal kita Rosalie Velasco na soon Rosalie Ajero" ngiting wika ko sabay kindat sa kaniya
Nakita kong namula siya roon at ngumiti.
"i love you too" wika nito hindi ko marinig ngunit sa bigkas ng labi niya ay alam kong ayun iyon
Natawa ako bigla sa sumigaw at todo hiyawaan silang lahat. Bumaba ako at binigyan naman nila ako ng espasyo para makadaan ng maayos, pumunta ako sa pwesto ni Ly at iniluhod ang isa kong tuhod.
Nagulat siya roon at napatakip bigla sa kaniyang labi. Ngumiti at ako tumingin sa kaniya. Bigla namang naghiyawaan ang lahat kaya pinatigil sila ni sejun
"Oh weyt lang po!" saway na wika ni sejun
Tumahimik naman sila at binigyan ako ng simbolo ng apat na pwede na akong magsalita.
"Rosalie Velasco! or better known as Ly..."
Kinuha ko ang maliit na kahon, binuksan ko ito at ipinakita sa kaniya. Nakita kong unti-unting pumatak ang kaniya mga luha.
"Dati sabi mo saakin gusto mo pag nahanap ko na yung gusto kong pakasalan ay magpropose ako sa kaniya sa concert. Kaya heto ako ngayon hinihingi ang iyong sagot"
"Ly can you marry me? Hindi pa ngayon pero dadating din tayo doon"
Tumango siya ng tumango at umiyap lalo dahil sa saya. Ngumiti ako at kinuha ang kaniyang kamay iniligay ko roon ang singsing. Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit.
Naghiyawan ang lahat sa saya. Bumitaw ako sa yakap at hinalikan siya ng tatlong segundo.
"Congratulations Stell!" sigaw na wika ng lahat
Binaba ko ang aking mic para hindi nila marinig ang sasabihin ko para kay ly.
"Hindi pa ngayon pero Mahihintay mo ba ko? Gusto kong maglibot sa iba't-ibang lugar at bansa kasama ka"
"Hihintayin kita mahal, sayo lang ako hanggang sa huli" ngiting wika nito
*chuckles* niyakap ko ulit siya ng mahigpit at hinalikan muli pero smack lang ito
"Pag-ibig ko'y sa 'yo, sa iyo hanggang sa huli....."
---------wakas--------
BINABASA MO ANG
MR.PAFALL
Fanfiction"Pafall ka talaga" "Sige mafall ka lang handa naman kitang saluhin" - - - - - "Totoo nga ang sabi nila kay hirap mo ng abutin para kang bituin masisilayan lang ngunit hindi mo ito kayang hawakan man lang sa sobrang layo" "Maiba...