CHAPTER 20

410 17 0
                                    

Ly PoV


Kasulukuyan akong nag-aayos ng gamit ko nang may kumatok, Binuksan ko ang pinto at iniluwa nun si Mama at Papa.

"Anak hehe, nasa baba na si stell" wika ni mama

"Akina yung mga gamit mo, ibaba ko at ilalagay na sa kotse" sabat na wika ni papa

"Hmmm, Plinano niyo ba toh?" wika ko

"Huh? Anak? Anong plinano? Hindi naman anak, wala akong alam diyan" sabay na wika nila

"Joke hehe, akala ko ba date Lang? Bat kailangan magsama pa kami sa iisang bahay? Eh pwede namang sunduin niya nalang ako araw araw" nakanguso kong wika

"Anak, edi mapapagod siya isang linggo din yun tapos magastos din sa gas anak hindi ka naman niya ipapahamak nagtitiwala ako sa kaniya" wika ni papa

Nagbuntong hininga nalang ako at lumabas. Kinakabahan ako eh. Ano gagawin ko? Ano gagawin namin? Eh feeling ko hindi naman niya ko kakausapin at ganun din naman ako eh. Umiling nalang ako at bumaba nakita ko roon si stell na nakaupo. Ampogi niya pa den hehe.

"Good Morning" ngiti kong wika

"A-ah good m-morning den hehe" utal-utal na wika nito

"Ay ako na po diyan sa gamit niya" wika ni stell nang makita niya ang papa ko nabitbit ang mga gamit ko

Hindi na umangal si papa at ibinigay nalang niya, Dali dali namang lumabas si stell para ayusin ang gamit ko.

Awkward...Backward... Char hehe

"Anak, Ingat kayo ha? Sinabi naman namin kay kuya yuri kung saan ang pupuntahan niyo, wag ka na magdala ng sasakyan" ngiting wika ni mama

"Hmm, yung company ma ha?"

"Oo anak, ako na ang bahala dun hehe"

Tumango ako at nagpaalam ganun din ang ginawa ni stell ay inalalayan akong pumasok sa loob.

"Mag-iingat kayo ha! Enjoy!!" ngiting sigaw na wika ni mama

Ngumiti lang ako at nagpaalam. Nakatingin pa din ako sa gawi nila pero itinigil ko na iyon dahil hindi ko na sila gaanong makita. Tumingin nalang ako sa harap dahil naiilang akong tumingin kay stell.

"Uhmm Ly, matulog ka nalang muna malayo layo pa ang byahe natin, gigisingin nalang kita pag nandun na tayo o kaya pag kakain okay?" wika nito kaya lumingon sa kaniya nakita kong nakangiti siya kaya ginantihan ko nalang ito ng ngiti at tumango

Ginawa ko ang sinabi niya saakin dahil inaantok din naman ako at wala naman akong gagawin.

Kasulukuyan kaming kumakain, Hindi ko alam kung ano ang pangalan pero ang sabi kasi ay malapit na kami sa destinasyon namin, hindi ko alam toh. Hindi ko alam kung san kami pupunta! Kakagising ko lang kaya medyo tahimik ako habang kumakain.

"Musta ang tulog mo?" basag na wika ni stell sa katahimikan

"Uhmm okay lang naman hehe" wika ko

"Pwede bang... "

"Hmm?"

"Pwede bang ibalik natin yung dati?, alam kong galit ka sakin pero pwede ba kahit na ngayon lang? Ibalik natin ang dati please, wag kang mag-alala pagkatapos nito pwede na tayong bumalik sa normal, hindi kasi ako sanay na ganto tahimik na...na... Hindi ka nakangiti" wika ni stell at hinawakan ang dalawa kong kamay at iniligay sa pisngi niya

Nagulat ako sa ginawa niya. Namula ako at wala sa sariling tumango tango.

"Vester......."





PRESENT.


-♡-

You can check and follow my social media accounts:

Facebook: Faye Nase
Wattpad: @lil_meowyieeee
Twitter: @im_jnll25

If you want a dedication please comment your name and your name bias ty.

Your votes and comments are highly appreciated ;)

MR.PAFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon