Gaya ng plano namin stell ay pumunta kami sa perya para magsaya, sumakay kami sa iba't-ibang rides nakakatawa lang dahil anlakas niyang sumigaw tinalo pa ko, Nang napagod ay kumain kami.
"Ayun oh! Ayun ata yung sinasabi nila masarap daw ang ice cream" ngiting wika ni stell
Magsasalita pa sana ako nang hatakin niya ako. Tila nag slow mo ang lahat ako naman ay nakatingin kay stell na ngayon ay nakangiti habang hatak hatak ako.
Tama, hindi ko na talaga siyang kayang pigilan, mahal ko pa din siya, lalo akong namangha sa kaniyang kagwapuhang taglay, ang mga ngiti niyang nakakatunaw sa akin, kaniyang boses na kay ganda at nakaka akit.
Sana... Sana mahal mo rin ako sana parehas lang tayo ng feelings. Binabaliw mo ako ng husto Stellvester Ajero..
Bumalik sa realidad ang lahat ng huminto si stell na ako naman ay muntik ng madapa, ngunit nahawakan agad ako ni stell sa beywang na lalo kong natigilan at pagkapos ng hininga. Napaharap ako sa kaniya at nagkatitigan kami.
Kay... Kay bilis ng tibok ng aking puso na siya lang ang napapalakas na parang nagkakarera.
"Okay ka lang ba? Pasensya na" basag na wika ni stell at nag iwas ng tingin
Ganun rin ang aking ginawa at umayos sa pagkakatayo. Pinagpagan ko kunwari ang aking damit kahit na wala naman itong dumi.
"A-ahh o-okay lang ako, ikaw k-kasi eh a-ambilis mo" utal na wika ko habang nakanguso
"Hehe sorry uhmm andito na tayo tara pasok na tayo sa loob una ka na" wika nito at hinimas ang batok
Tumango lang ako at yumuko. Feeling ko kasi hanggang ngayon ay nangangamatis pa rin ako hehe.
Pagkapasok na pagkapasok ay naghanap kami ng mauupuan at nang nakahanap na ay umupo kami roon.
"Uhmm yung favorite mo ba? Cookies n'cream diba?" tanong nito na hindi pa rin ako tinitignan
"A-ah oo" wika ko
Tumango lang ito at nag order nang okay na ay bumalik na siya dala ang aming order. Napanganga ako dahil sa ganda ng pagka-ayos nito mukhang masarap. Masarap yung nagdala ay este yung ice cream.
Binigay niya saakin ang sakin at nagsimulang kumain.
"Woahhh, ang sarap tapos ang ganda ng pagka-ayos nito" manghang sambit ko at ngumiting tumingin kay stell
"Oo nga eh,patikim ako" nakangusong wika nito at tumingin sa akin
"Patikim din ako ng iyo ha"
Tumango ito at ngumiti. Hinayaan ko nalang ito at itinuon ang aking paningin sa ice cream at takam na takam na tikman muli ito.
Sa sobrang katakawan ko eh ang dungis ko na nagkalat ang ice cream sa gilid ng aking labi pupunasan ko na sana ito ng tumayo si stell na aking natigilan.
Tinignan ko siya at binigyan ng takang pagtingin ngumiti lang ito at lumapit sakin at walang pasabing.... Bigla akong halikan pati ang gilid ng aking labi ng may ice cream
Napatulala ako sa kaniyang ginawa at hindi agad nakapagsalita.
"Ayan wala ka ng dumi, hahaha ang--"
Hindi na niya natuloy ang kaniyang sinabi ng halikan ko ito pero smack lang. Nakita ko naman itong napatulala rin at namula.
"Hmm, masarap nga ang ice cream mo vester" ngiting wika ko
To be continued...
PRESENT.
-♡-
You can check and follow my social media accounts:
Facebook: Faye Nase
Wattpad: @lil_meowyieeee
Twitter: @im_jnll25If you want a dedication please comment your name and your name bias ty.
Your votes and comments are highly appreciated ;)
BINABASA MO ANG
MR.PAFALL
Fanfiction"Pafall ka talaga" "Sige mafall ka lang handa naman kitang saluhin" - - - - - "Totoo nga ang sabi nila kay hirap mo ng abutin para kang bituin masisilayan lang ngunit hindi mo ito kayang hawakan man lang sa sobrang layo" "Maiba...