II. Like Any Great Love: Sumuko Na

495 154 324
                                    

Pahayag ng Pagtanggi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pahayag ng Pagtanggi

Ang mga susunod na mangyayari ay naglalaman ng mga konsepto at kaisipang maaaring makaapekto sa emosiyonal at mental na aspeto ng mambabasa.
Hangad kong ipaalala na ito'y likhang isip lamang kung kaya't sana'y manatili lamang itong ganoon.
Buksan ang isipan at lawakan ang pang-unawa.

***

HIS P.O.V.

(Franz Rafa Magsalin)

🌻🌻🌻

Kaagad akong binitawan ng dalawa sa mga tropa ni Mercado matapos makapagparaos ang baklang pinagsamantalahan ako. Dahil wala nang lakas ang mga binti ko, kaagad akong nabuwal mula sa pagkakatayo.

Nagtawanan naman ang grupo nila Mercado habang ako ay nakaupo sa sahig, bugbog ang mukha't katawan, nakababa ang pantalon, at wala nang lakas para lumaban pa sa mga ginawa nila sa akin.

"Salamat, Magsalin! Ayusin mo ang sarili mo at baka maabutan ka pa ng ibang estudyante," prenteng sabi ni Mercado bago sila nag-apir ni Maynard na malawak ang pagkakangisi dahil sa video na nakuha niya.

"Magkano ko kaya 'to ibebenta sa ibang mga estudyante ng university?" At nagtawanan sila sa sinabi ni Maynard. Habang 'yong bading na pinagsamantalahan ako ay hinampas ang balikat niya bago tumawa rin. "Hindi ko nalang pala ibebenta. I-post ko nalang sa Facebook para mas maraming makanood," nakangising sabi ni Maynard bago naiiling akong binalingan ng tingin.

Kumuyom ang mga kamay ko nang bahagyang umungklo si Mercado sa harapan ko. Mahinang sinampal niya ang pisngi ko bago niya nandidiring ibinaba ang tingin sa ari ko na nakalantad.

"Itago mo na 'yang birdie mo, Magsalin. Maliit naman. Pinapahiya mo lang ang sarili mo," naiiling niyang komento bago tumayong muli, 'tapos ay sinipa ako.

Napadaing ako sa sipang iyon dahil tumama ito sa bugbog kong tagiliran.

"Tama na iyan, Mercado. Bugbog na si Franz! At saka umiiyak na iyong tao oh," narinig kong sabi no'ng bading bago siya umangkla sa braso ni Mercado.

"Kakawang nerd. Palagi nalang dinadaan sa iyak ang lahat. I pity your life, Magsalin. Ni hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo," sabi ni Mercado bago siya pagak na natawa. "Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa maging ikaw, Magsalin. Tingin ko iyon na lang din ang dapat mong gawin kung gusto mong makatakas sa amin."

Naiwan akong mag-isa sa loob ng banyo. Nakakuyom ang mga kamao, bugbog sarado at umiiyak na parang bata. Masakit ang katawan ko at dama ko ang pandidiri para sa sarili ko. Bukod do'n ay nagagalit ako sa buhay na mayro'n ako. Bakit ako? Bakit ako iyong kailangang mabugbog? Bakit hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko? Bakit ang hina-hina ko?

Like Any Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon