CHAPTER 15 Campfire

266 180 4
                                    

Amira's POV

Narinig kong may pumasok sa office ko kaya nagpaalam na din ako kay Georgia.

"What are you doing? Ganyan ba ang ginagawa ng isang tagapagmana ng resort? Nakahiga at hindi nagwowork" sabi ni Britney ng pumasok siya sa kwarto.

Tumayo ako at umalis sa higaan. "So inaamin mo ba na ako na yung tagapagmana nito"

"Wala akong sinabi" kahit sinabi niya kanina yun.

"Hindi porket na nagviral ka sa internet ay hihiga ka na lang diyan"

"Para saan pa ang kwarto na binigay sakin kung hindi rin naman ako hihiga" sagot ko.

"Kay dad ang room na to" paglilinaw niya.

"Wala si dad at binigay sakin yung office na to. Kawawa ka naman at wala kang sariling office" pangaasar ko sa kanya.

"Well I do have one. In Ace's office"

"Baka sa pintuan pa nga lang, hindi ka na papasukin e" tumawa ako.

"How dare you?! He can't resist my beauty" maarte niyang sagot.

"Hindi ka type nun" sabi ko.

"Sa ating dalawa, halata namang mas type niya ako. Antayin mo na lang na maging akin si Ace"

"Icocongratulate pa kita kapag nangyari yun" asar ko sa kanya.

"Mawawala din yang kasikatan mo. Hindi ka naman ganon kasikat kagaya ko"

"I don't care" sagot ko.

"I hate you!" sigaw niya.

"I hate you too" sabi ko ng maayos at umalis na siya ng office ko.

Ang pinaka inaantay ng lahat ang campfire. Every night ay nagkakaroon nito para sa mga gustong magkantahan, sayawan at magkwentuhan kaharap ang dalampasigan, ang malamig na hangin at ang maliwanag na buwan.

"Ang galing nila sumayaw" sabi ko at andito kami ni Ace nakaupo sa kahoy.

"Sabi sayo e, ayaw mo pa kasi magstay" sagot niya.

Nanonood kami ngayon ng mga fire performances.

Sobrang galing nila makipaglaro sa apoy. Pagkatapos ng performance ay biglang tumayo si Ace at pumunta sa harapan. Huwag mong sabihin na marunong din siya magpaapoy galing sa bunganga.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Narinig natin nung nakaraan ang tinig ng isang anghel, ipinakikilala ko nga pala si Amira Blaire Andrada" nagpalakpakan ang lahat.

Nakaupo parin ako at hinawakan ni Ace ang kamay ko papunta sa gitna nila.

"Ano bang ginagawa mo Ace ha?" bulong ko sa kanya.

Binigay niya na lang sakin yung microphone at umupo na sa pwesto namin.

Tumahimik ang lahat at inaantay ako magsalita. Nilabas nila yung mga phone nila para videohan ulit ako.

Tumingin ako kay Ace at sinabi niya na kaya ko to.

"Here comes a wave. Meant to wash me away. A tide that is taking me under. Swallowing sand. Left with nothing to say. My voice drowned out in the thunder"

"But I won't cry. And I won't start to crumble"

"Whenever they try. To shut me or cut me down" 

Ang tinig ko lang at ang mga hampas ng alon ay aking naririnig sa gitna ng gabi kasama ng buwan at mga bituin sa langit. Mga taong nakikinig ay damang dama ang bawat salita na aking sinasambit.Ang ngiti na aking nakikita ngayon ay nagmula sa isang lalaki na araw araw kong nakakasama sa iisang bubong. Madalas inaasar ako at inaaway pero dahil sa kanya nagawa kong kumanta ng malaya.

Sweet And Sour RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon