CHAPTER 27 Back To Strangers

76 26 1
                                    

Amira's POV

"I am sorry Ace" sabi ko sa kanya pagkatapos namin kumain ng dinner.  Hindi ako makatingin sa mata niya kaya nakatingin na lamang ako sa baba. 

"You don't have to be sorry. I accept your choice" sagot niya.

"But I still love you remember that" dagdag niya. Ang lungkot ko kasi hindi ko naman sinasadya na masaktan siya. Bakit kasi kailangan niya pa ako magustuhan.

"Sorry Ace kung pinili ko siya" 

"That's fine alam ko naman na mas mahal mo siya" sagot niya at pumasok na siya sa kwarto niya.

Naiinis ako sa sarili ko, Ace bakit ka ba kasi ganyan. Nalaman niya na lang kasi sa internet kahapon na boyfriend ko na si Elijah. Balak ko naman talagang sabihin sa kanya pero hindi ko alam kung paano simulan. 

Si Elijah kasi after ko pumayag na maging kami pinagkalat niya na agad sa social media niya yung balita hindi niya mapigilan yung saya na nararamdaman niya. 

Pinagisipan ko talaga ito ng mabuti bago ako magdesisyon and I followed my heart. 

I was happy and sad pero wala na akong magagawa. I still didn't trust him pero binigyan ko siya ng second chance so sana hindi na niya ulit ako saktan.

"Georgia, I have to tell you something" sabi ko habang nagvivideo call kami. 

"Alam ko" sagot niya at nagtaka naman ako. "Alam kong kayo na ni Elijah"

Obvious nga napakamot tuloy ako sa ulo ko. Sigurado ako pati si kuya Austin alam na yung balita lalo na si tita Iza.

"Bakit mo siya sinagot?" tanong niya.

Natawa ako bigla. "Ang bad mo kay Elijah"

"Aba ang bad mo din kay Ace" sagot niya.  "Bet na bet ko pa naman si Ace sayo tapos yung mokong na yun pa ang pinili mo"

"Kung alam mo lang kung gaano kahirap magdecide"

"Madali lang naman eh. Kung ako nasa posisyon mo si Ace agad ang pipiliin ko"

"Pero matanong nga bakit si Elijah parin?" nilagay niya yung kamay niya sa baba niya at tumingin sakin ng seryoso.

"I know he changed a lot for me and I believed that" seryoso kong sabi sa kanya. "And he loved me more than before"

"Sana tama yung sinasabi mo ha. Mag-ingat ka diyan sa lalaki na yan" bilin sakin ni Georgia.

"I will"ngumiti ako sa kanya para ipakita na maayos desisyon ko.

"Okay be happy with Elijah at sakin na si Ace"

"Char" dagdag niya at tumawa ako. Ang cute ng pagkakasabi niya kasi may peace sign pa.

Biglang tumawag si Kuya Austin kaya nagpaalam na muna ako kay Georgia.

"Hi kuya. Kamusta ang pagiging single?" bungad na tanong ko sa kanya dahil hanggang ngayon work parin ang tinuturing niyang girlfriend.

"Ay wow, porket taken" natawa ako sa sinagot ni kuya.

"Amira, sure ka ba diyan sa lalaki na yan?" sumeryoso bigla yung paligid dahil sa boses ni kuya.

"Opo" mabait kong sagot.

"If that guy hurts you again I'll beat him up to death" nakakatakot yung boses ni kuya parang anytime susugurin niya si Elijah.

"Opo kuya"

--------------

Someone's POV

Sweet And Sour RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon