CHAPTER 18 Dinner Suprise

166 104 8
                                    

Amira's POV

"Good evening everyone at andito tayo lahat para magsaya at icongratulate yung buong team dahil sa pagtaas ng ratings at sales natin" sabi ni tita Iza at nagpalakpakan ang lahat ng mga staff. Holiday kasi ngayon kaya minabuti din namin na isara yung resort today para makapagpahinga ang lahat at makapagenjoy sa resort.

"Let us give thanks to Amira Andrada, Ace Rivera and Britney Andrada for helping us na imanage yung resort ng maayos" nagpalakpakan ulit ang lahat.

Tumayo si Britney at nagflying kiss pa sa kanila, tumawa naman sila at ang iba mas nagpalakpakan.

"Let us enjoy our dinner" sabi niya at nagsimula ng kumain ang lahat. Andito kami sa isang samgyupsal restaurant sa loob ng Royal Sunset Beach Resort.

Eto ako kumakain at katabi ko si Ace na katabi niya naman si Britney. Yung babae na yun binibigyan ng pagkain si Ace pero todo tanggi naman siya. Bahala sila diyan at kakain lang ako.

Nagring yung phone ko kaya inexcuse ko muna sarili ko sa buong team at lumabas muna. 

"Hello?"

"Is this Amira Andrada?" tanong ng tumawag sakin.

"Opo" sagot ko naman. Boses babae siya.

"I would like to invite you po sa isang party, pinarequest po kasi ng boss namin na if ever na pwede po kayo na kumanta as guest po"

"Sinong boss?" tanong ko naman.

"Si boss..."

Bigla akong tinawag ng isang staff. "Ms. Amira, pinapatawag po kayo ni Sir Ace" nag okay sign ako sa staff at bumalik na ulit sa katawagan ko.

"Hello? Sige, pupunta ako sa party. Just text me kung kailan at saan" sabi ko at binaba yung tawag.

Pagpasok ko ulit sa restaurant sobrang ingay at puro tawanan ang aking naririnig, yung iba naman ay kumakanta pa. 

"Amira" sabi ni Ace ng umupo ulit ako sa upuan ko.

"Bakit mo pala ako pinatawag?" tanong ko.   "Anong ginawa mo sa labas?" tanong niya din. 

"Basta, may tumawag lang sakin"

"Nagtext sakin yung detective kanina at may lead na daw sila kung sino yung lalaki na hinahabol mo" sabi niya.

"Sino daw?" tanong ko at gustong gusto ko na malaman.

"Isang staff sa Hot Waves Resort" nagulat ako sa narinig ko. 

"Totoo ba yan? Sa resort ni Troy?! Sinasabi ko na nga e gusto niya sirain yung resort natin"

"Pero hindi pa sure kung may kinalaman sa resort nila" sagot niya naman.

"Sigurado ako inutusan ni Troy yun"

"Pero feeling ko mali yung lead nila. Sino ba kasi si Elijah? at may kutob ako na siya yung humahabol sayo"

"Hindi siya yung humahabol sakin, imposible. Dahil nakausap ko pa siya"

"Malay mo diba, ang lalaking humahabol sayo at kinausap ka nung time na yun ay iisang tao lang"

Napaisip ako at binalikan yung nangyari, pero kahit anong isipin ko hindi maari na si Elijah yun, ano naman rason niya para gawin niya yun. "Imposible!" sagot ko naman. 

"Excuse me, nagaaway ba kayo?" tanong ni Britney na nasa gitna na namin ngayon at nakatayo.

"Well, if you are I don't care. Actually good pa nga yun"

"Lovely sister? Hihiramin ko muna sayo si Ace, we have a date pa kasi"

"Date?" tanong ko.

"Yah, nililigawan kasi niya ako" sagot ni Britney.

Sweet And Sour RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon