CHAPTER 20 Death Anniversary

130 72 6
                                    

Amira's POV

Pagkatapos ng 4-5 hrs na byahe ay sakto kaming nakarating sa school ni Sophie kung saan siya na yung susunod na magpeperform kasama ng mga classmates niya.

Sa sobrang daming tao na nakaupo, nasa likuran na lamang kami na nakatayo.

Kumakaway ako kay Sophie baka makita niya ako. Nasaan na ba yung lalaki na yun at hinayaan niya na mauna ako dito.

"Buti naman at hindi pa nagstastart" sabi ni Ace.

"Saan ka ba galing?" tanong ko at tumingin ako sa kanya.

May hawak hawak siyang cartolina paper at itinaas niya ito.

Nakasulat ay GO SOPHIE RIVERA! Kaya pala pinauna niya na ako kasi ginawa niya pa yan.

Biglang kumaway pabalik samin si Sophie at nakangiti ng sobrang lawak.

"Napansin niya na tayo" sabi ni Ace at mas lalong nagcheer pa siya.

"Ang cute naman, may pa banner para sa little sister niya"

"Syempre cute ako" sagot niya naman.

"Ayan na sasayaw na si Sophie" nilabas ko yung phone ko at vinideohan siya habang naman si Ace todo support at pagcheer sa kapatid niya.

Nagpalakpakan ang lahat after ng performance.

"Ang cute niyo namang dalawa at todong suporta kayo sa anak niyo" sabi ng isang matandang babae na nanonood din sa kanyang apo.

"Nagkakamali po kayo" sagot ko naman.

"Ingatan mo yang asawa mo at mahirap ang dinanas niyan sa pagbubuntis" dagdag ng matandang babae.

"Hindi po kami mag-asawa" sagot ko.

"Kapatid niya...." pinigilan ako ni Ace at inakbayan.

"Opo la, aalagaan ko ng sobra yung misis ko lalo naman yung magiging anak namin" nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko at inalis ko ito agad pero nilagay niya ulit.

"Anong pinagsasabi mo? Hindi ako buntis" mahina kong sabi.

"Congratulations sa second baby niyo" sabi ulit ng matanda.

"Una na ako at baka hinahanap na ako ng apo ko" sabi niya at naglakad na palayo.

Tinanggal ko na agad yung kamay niya sa bewang ko. "Oh ang sungit naman ng mukha mo" sabi niya.

"Asawa? Seryoso ka ba? Kung ikaw na lang ang choice na magiging asawa ko, wag na lang" sagot ko naman.

"Hi Ate Amira at kuya" niyakap niya ako bigla.

"Ang galing mo sumayaw ha" comment ko.

"Salamat po at nakarating kayo" masaya niyang sabi. Niyakap niya din si Ace.

"Thankyou kuya at pinanood niyo po ko, ang lakas nga po ng cheer niyo" dagdag niya.

"Tara sino gusto kumain?" tanong niya at parehas kami ni Sophie nagtaas ng kamay.

Pinauna ko na muna yung dalawa pumunta sa kotse kasi nakita ko si Karl na may kasamang batang lalaki.

"Karl" tawag ko. Lumapit ako sa kanila, sobrang saya ng batang lalaki habang kausap siya.

"Hindi ko inexpect na andito ka. Sinamahan mo ba pinsan mo?"

"Hello Amira, hindi ha" sagot ni Karl.

"Hello po" sabi ng batang lalaki. Kumaway din ako sa kanya.

"Sayang wala dito si Georgia, nagabsent siya. Eto na sana time niyo para magusap"

Sweet And Sour RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon