CHAPTER 12:

158 67 31
                                        

[PHOEBE'S POV]

ilang beses akong napalunok at pilit nilalabanan ang takot, pero base sa kinikilos ko ay nahahalata parin nila ang takot ko, lalo na't nakatutok sa sentido ko ang baril

"wala akong narinig, nagulat lang ako kaya napahinto ako" pinilit kong huwag mautal

"hahahaha alam mo miss ang galing mong magsinungaling nahuhulaan agad wahahahaha" sabi nung isa sa kanila

"sige na dispatyahin na yan" sabi nung isa agad namang kumilos yung may hawak ng baril at napapikit na ako

"PUT.DOWN.YOUR.GUN" sabi ng kung sino at madiin ang bawat salita nitong binibitawan. napamulat ako at

'Dwayne'

gusto kong sabihin ang pangalan nito pero parang may kung anong nakabara sa lalamunan, masaya ako na hindi, na nandiyan siya..masaya ako dahil alam kong ililigtas niya ako, malungkot ako dahil alam ginagawa niya toh para protektahan ako para siya ang papatay sakin

"U-Ullycess" nauutal at nanginginig na sabi nito sa pangalan ni Dwayne at nanginginig pa ang kamay nitong may hawak na baril na nakatutok sa sentido ko

"put it down or ako mismo ang babaril sayo" kung gaano siya nakakatakot nung nakaraan ay mas nakakatakot toh ngayon wala kang ibang makita kundi galit, dahan dahan nitong binaba ang baril niya

"marami na siyang nalalaman " sabi ng isa na bakas parin ang takot kay Dwayne

"di niyo naman siguro nakakalimutan na sakin muna dadaan hindi ba?" seryosong saad nito

"pasensya na" sabi agad akong hinila ni Dwayne at niyakap sa braso niya at tinapunan muna ng matalas na tingin ang mga ito na nagsipagyuko bago kami tumalikod, di parin ako makaimik natatakot parin hindi ko alam

"pasok" malumanay ng sabi nito, wala naman sa sariling pumasok ako hanggang maramdaman ko nalang ang pag andar ng sasakyan, nakatingin ako daan pero parang wala akong nakikita, nababalot parin ako ng takot at napakalakas ng kabog ng puso ko

ano bang nangyayari? bakit ganto ang nasasaksihan ko? bakit ako ang nakakaranas nito? sa pagkakaalam o naman ay tapos na ang karma ko? talaga bang nabibilang nalang ang araw ko? bakit ganun? di ko maiwasang mag isip ng kung ano ano dahil di ko naman talaga inaasahan ang mga toh

"baba na" nabalik lang ako sa wisyo ng magsalita si Dwayne, wala naman ako sa sariling bumaba ng kotse at naglakad na agad ding huminto

'wait where am I?'

"nasan tayo?" tanong ko kay Dwayne pero di siya sumagot kundi ay hinila niya ako papasok at may mga taong nakapalibot na nakaleather jacket at nakasapatos sa paligid ng mansion at armado

"Dwayne ano ba?" pilit kong inaagaw ang braso ko

"sumunod ka nalang kung ayaw mong pasabugin ko ang bungo mo ngayon mismo" sigaw niya sakin

"nasan ba tayo? at bakit mo ko dinala dito?" magkasunod kong tanong

"ipapakilatis kita para sigurado ang pagtahimik mo" sabi nito at dun ko lang namalayang nakapasok na kami at kapansin pansin ang lalaking nakasandal sa likod ng sofa nakacross ang kamay, lalaking hindi nalalayo sa hawig ni Dwayne, na tanging kulay lang ng buhok ang pinagkaiba, kung itim kay Dwayne ay pula naman sa kanya at nakangisi

"ooohh may bisita" ngingisi ngisi sabi nito, agad binitawan ni Dwayne ang kamay ko at sumugod dun

*BOOGSH*

SHE'S MINE, MINE ALONE [Completed/Under Editing]Where stories live. Discover now