[DWAYNE'S POV]
Everyone is awake, except for Phoebe na kasalukuyang ginigising ni Mavis sa ngayon, si Dez nagluluto kasama si Sam, Si Shawn at kuya ay nagkakape at si Cessa naman ay nasa living room busy sa cellphone niya.
"Lyss ano ba??? gumising ka na" sabi ni Mavis at hinihila hila pa ang kumot nito na nakatalikbong sa kanya.
"Aish, can you please give me some more time to sleep!" singhal nito at nilagay ang unan sa ulo nito, natatawa naman kaming pinapanood toh.
"Ano ba ikaw na lang ang nakahilata diyan!! tayo na!!" sabi ni Mavis at hinihila hila pa ang kumot nito, pero wala itong pake, niyuyugyog pero parang wala lang.
"Hindi pa ba gising yan?" tanong ni Dez
"ayaw bumangon" sumbong ni Mavis
"Lori!!!! tumayo ka na diyan!!" sigaw nito
'Lori?'
"Fuck youu!! dont you dare to mention that name again" sigaw nito at muling dumapa
"I will keep on calling you Lori, hanggat di ka tumatayo diyan, ihampas ko pa sayo tong sandok kung magmamatigas ka parin ha Lori!!" sabi ulit ni Dez
Padabog na tumayo si Lyss at umirap kay Dez, tsaka ito pumasok sa banyo, tumawa naman si Dez.
"bakit Lori?" tanong ni Sam
"that's her true name haha" sabi nito, may sasabihin pa sana kaso lumabas na si Lyss.
"okay lets eat" sabi ni Dez, tumulong naman si Mavis na mag-ahin, tsaka na kami humarap lahat sa hapag
[PHOEBE'S POV]
Heto kumakain na kami, at napakapangit ng view, nasa harapan namin si Cessa at Dwayne, habang katabi ko si Clid sa kaliwa ko at sa kaliwa niya ay si Sam kung saan nasa gilid si Dez, at kabilang dulo kung saan ang kanan ko ay si Mavis at sa tabi ni Dwayne ay si Shawn, na kung saan, nagsusubuan ang mga toh at pinagsasandok pa.
Bitter na kung bitter, wala kayong pake, sumandok ako ng kakainin ko at hindi pinahalata ang inis, tsaka ako sumubo ng sumubo, natigil lang ako nang sipain ni Clid ang paa ko mula sa ilalim ng mesa, lumingon naman ako sa kanya, lumingon din siya tsaka ngumisi.
Inirapan ko ito tsaka rin sinipa ng mas malakas pa.
"ARAY!" sabi nito, dahilan para mapatingin sila sa kanya
"you okay?" tanong nila
"ahahaha oo oo, pasenya" paghingi nito ng paumanhin, tsaka na kami kumain ulit
Binilisan ko ang pagkain at walang paalam na umalis sa hapag, uminom at naupo na sa living room at nagcellphone.
Makaraan ang ilang minuto ay napansin ko ang sunod sunod na pagpasok ni Dez, Mavis at Cessa sa Banyo tapos pag labas ay naka 2 piece, 1 piece na ang mga ito, nangunot ang noo ko habng pinapanood ko silang nagsisitali ng buhok , naglolotion at kung ano pa.
Napalingon ako sa likuran at nakita ko yung tatlong lalaki na wala na ding pang itaas na damit, jusme anong ginagawa nila???
"Hoyy hindi ka ba magpapalit?" tanong ni Dez, kinunutan ko siya ng noo
"Aren't you going to---" I interrupt Cessa from talking
"Shut up, nakakairita yang boses mo" malamig na tugon ko kay Cessa, gesturing my hand without looking at her.
YOU ARE READING
SHE'S MINE, MINE ALONE [Completed/Under Editing]
Fanfic𝘗𝘰𝘴𝘪𝘣𝘭𝘦 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘬𝘵𝘢𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢? 𝘱𝘰𝘴𝘴𝘪𝘣𝘭�...