[DWAYNE'S POV ]
Nataranta ang lahat dahil sa nangyari kay Phoebe maging ako, agad itong binuhat ng daddy niya at pinahiga sa couch.
"Oh my ghaaaad!!!" tili ni tita Lou habang nakatakip ang dalawang kamay nito sa bibig at hinihilamos pa ang muka.
"Lori? Lori?" pagtawag ni tito Lorjay
"What the!!! She's bleeding!" sigaw ni tito habang tinitignan ang kamay na may dugo agad tinignan ang likod ni Phoebe
"What the hell happen to her?!" sigaw niya.
"dad!!! dalhin nalang natin sa hospital kesa naman nagsisisigaw ka diyan? baka mamatay yan" sabat ni Louan na natataranta narin.
"Bilisan mo Lorjay nasa labas na yung kotse!!" biglang sulpot ni tita na hindi man lang namin napansin na lumabas pala.
Agad binihat ni tito si Lyss at tinakbo na sa labas, taranta naman kaming sumunod sa kanila at nagsisakay sa kanya kanyang kotse at sinundan sila sa kung saang hospital siya dadalhin.
At nahinto kami sa Hospital nina Shawn, agad din kaming nagsibaba at sumunod sa kanila habang buhat ni tito si Lyss, tumawag naman ako ng nurse para dalhin ang stretcher dito.
Agad naman itong inasikaso ng mga nurse.
Lumipas ang ilang sandali ay heto kami naghihintay sa labas ng OR.
"ano bang nangyari dun?" biglang tanong ni tito pero mas kalmado na kesa kanina. Walang sumagot sa'min dahil kinakabahan ako.
"ah dad, mas maganda siguro kung si Lyss ang tatanungin mo not us" sabi ni Louan
"buti nga" sabi niya tsaka prenteng naupo na parang wala lang, maging si tita Lou na kanina ay parang kidlat kung kumilos ngayon ay wala ng mababakas na pag-aalala, bakit napakakampante nila, even Louan na nagsecellphone lang, nagkatinginan pa kaming tatlo.
Ilang minuto lang ang lumipas ng ang doctor at hinarap ang pamilya nito.
"How is she pare?" sabi ni tito Lorjay
"She's fine pare, bumuka lang ang sugat niya sa likuran, napunta na siya kanina dito, kasi kanina palang ay bumuka na, pero binigyan ko lang ito ng gamot at tinurukan, sinabi kong manatili muna hanggang bukas pero ang sabi niya ay kailangan niyang umuwi sa inyo, hindi ko na napigilan kasi biglang lumabas" sabi ng doctor .
Natuon ang paningin ko sa doctor, ang sabi niya kanina ay pwede na siyang umuwi at wala ng masakit, she lied!!!
"haist, tuso talaga" sabi ni tito
YOU ARE READING
SHE'S MINE, MINE ALONE [Completed/Under Editing]
Fanfiction𝘗𝘰𝘴𝘪𝘣𝘭𝘦 𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘵𝘦𝘬𝘵𝘢𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘬𝘢 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘺 𝘪𝘬𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘺𝘢? 𝘱𝘰𝘴𝘴𝘪𝘣𝘭�...