Chapter 4: Behind That Sadness

260 7 0
                                    

Maingat kong pina-plantsa 'yong panyo ni Ali habang hindi maalis ang ngiti sa mga labi ko. Nilabhan ko kasi ito kagabi at balak ko na 'tong ibalik sa kaniya mamaya.

Matapos kong plantsahin 'yon ay naghanap ako ng isang maliit na paper bag. Maraming itinatagong ganito si Mama. Ewan ko ba, Filipino things.

Maingat kong inilagay 'yong panyo sa loob at napangiti nang malawak matapos kong gawin 'yon. Parang proud pa 'ko sa nagawa ko na akala mo iniligtas ko ang buong mundo kahit nag-plantsa lang naman ako ng panyo.

Nagbihis na rin ako pagkatapos no'n at tiningnan pa muna ang sarili sa salamin ko bago tuluyan nang lumabas bitbit 'yong paper bag.

"Sa'n ka pupunta, Kuya?"

Napatigil ako sa paglabas ko ng bahay nang madaanan ko si Gin na nakahiga sa mahabang sofa sa sala habang nanonood ng TV.

"Bihis na bihis ka ah. May date ka?" Muli niyang tanong.

"Anong date? Saka hindi ako bihis na bihis, normal ko 'to." Palusot ko.

Nagtuloy na 'ko sa pagbukas ng pintuan nang may lumanding na unan sa ulo ko. Inis kong nilingon si Gin.

"Ano ba'ng problema mo?!"

"Sa'n ka nga pupunta? Pauwi na si Mama mamaya. Baka maabutan ka niyang wala rito. Saka, magsasaing ka pa, 'di ba? Sino'ng magsasaing?"

"Ilang taon ka na ba at hindi ka pa marunong magsaing mag-isa?" Inis na tanong ko bago mabilis na lumabas na ng bahay.

Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawag sa 'kin pero hindi ko na 'yon inintindi pa.

Nagdiretso ako paalis hanggang sa makarating ako sa bus stop. Nang may tumigil na bus sa tapat ko ay agad akong sumakay.

Naisipan kong dumaan muna sa isang bookstore. Bumili lang muna ako ro'n ng dalawang notebook at dalawang ballpen. Naghanap na rin ako ng sign language books. Lahat ng nakita kong sign language book ay binili ko. Binayaran ko 'yon bago dumiretso na ng Southvill Park.

Mabilis lang ang naging biyahe ko papunta ng Southvill Park dahil wala namang traffic. Naupo ako sa upuang inupuan niya noon at kung saan ko siya nakita ulit kahapon.

Tumingin ako sa wrist watch ko at saktong 4pm na. Napangiti ako dahil saktong-sakto lamang ang dating ko rito.

Iniangat ko ang tingin ko at tumingin-tingin sa paligid. Inaalam kung nandiyan na ba siya o wala pa. Limang minuto rin ang lumipas pero hindi pa rin siya dumadating. Hindi ko naman nakuha ang cellphone number niya o ang Facebook account niya para kontakin siya.

"Dadating pa kaya siya?" Bulong ko habang patingin-tingin sa paligid.

Naramdaman ko ang marahang pagpatak ng ulan kaya napatingala ako. Muli kong pinagmasdan ang mga taong tumatakbo na dahil papalakas na nang papalakas ang pagpatak nito, pero hindi man lang ako umalis kahit kaunti sa pwesto ko. Iniisip ko na baka kapag umalis ako ay hindi niya 'ko makita kapag dumating siya.

Napayuko na lang ako habang unti-unti akong nababasa dahil sa malakas na ngayong pagbuhos ng ulan. Mabuti na lang at naka-plastik 'yong binili kong mga notebook at ballpen kaya hindi 'yon nababasa. Inilagay ko rin sa plastik 'yong paper bag na may lamang panyo para 'di ito mabasa.

Nagtaka ako nang hindi na 'ko nababasa. Napakunot din ang noo ko nang makita kong may dalawang paa na nakasuot ng sapatos ang nakatayo ngayon sa harapan ko.

Marahan kong iniangat ang ulo ko hanggang sa magtama ang mga mata naming dalawa.

May pagtataka sa mga mata niya. Siguro iniisip niya kung bakit ako nandito na parang baliw na nagpapakabasa sa ulan.

Reach The Stars (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon