Chapter 5: Her Story

220 4 0
                                    

Tulala akong nakaupo sa upuan dito sa may hallway ng ospital. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink-in sa 'kin ang sinabi ng doktor pala mismo ni Ali, na may sakit siya. But he didn't had the time to explained it to me further dahil na-busy na sila kay Ali.

"ITP."

Napalingon ako sa nagsalita. Kakarating lang niya rito at kilala rin siya ng doktor ni Ali. Ang sabi niya ay siya raw ang ama ni Ali nang magpakilala siya sa 'kin. Tinanong kasi niya sa doktor kung sino raw ang nagdala kay Ali rito. Sinabi ng doktor na ako raw kaya nagpakilala siya sa 'kin at gano'n din naman ang ginawa ko.

Naupo siya sa may tabi ko. "A chronic autoimmune disease called Immune Thrombocytopenia." Pagpapatuloy niya. "It's a disorder characterized by a blood abnormality called thrombocytopenia, which is a shortage of blood cells called platelets that are needed for normal blood clotting. Ang sabi ni Fernan, 'yong doktor ni Ali, inaatake raw ng sarili niyang katawan ang sarili nitong blood cells, her platelets."

Nakatingin lang ako sa kaniya habang siya ay diretso lang ang tingin sa kawalan. While staring at him, nakita ko ang resemblance nila ni Ali. Pareho sila ng mga mata, at pareho ring may kalungkutan sa mga 'yon.

"It can develop red or purple spots on the skin caused by bleeding just under the skin's surface. Minsan naman, 'yong gilagid niya at ilong niya ay nagdudugo. Kailangan niya palaging salinan ng dugo para lang hindi bumaba ang platelet count niya at mapanatili siyang buhay." Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin. "There's no cure for this disease. Ang pagsasalin lang ng dugo ang bumubuhay sa kaniya."

Habang nakatingin ako sa kaniya habang patuloy siyang nagsasalita ay kita ko kung gaano 'yon kasakit para sa kaniya. Pinipilit niyang makapagsalita nang maayos sa harap ko pero mukhang naiiyak na siya. Pinipilit niyang maging matatag at matapang sa harap ng anak niya, pero ang totoo ay nasasaktan na siya dahil sa pinagdadaanan ng nag-iisa niyang anak.

Nilingon niya 'ko nang nakangiti. Pati ang pag-ngiti nila ay parehong-pareho.

"Thank you for bringing my daughter here. Kung wala ka ro'n, baka kung ano na'ng nangyari sa anak ko."

"Wala po 'yon." Tugon ko. "I'm sorry po."

Kumunot naman ang noo niya. "Sorry? For what?"

"Hindi ko po alam na may sakit pala si Ali. Kung nalaman ko po 'yon agad, hindi ko na po sana—"

Napatigil ako nang hawakan niya ang kanan kong balikat nang hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.

"You didn't do anything wrong, hijo." Aniya. "Nagpapasalamat pa nga 'ko sa 'yo dahil simula kahapon ay nakikita ko na ulit ang ngiti ni Ali na matagal kong hindi nakita simula nang mamatay ang mommy niya, at simula no'ng...aksidente."

Gusto ko sanang itanong kung ano 'yong aksidenteng tinutukoy niya, pero ayoko namang isipin niya na masyado na 'kong nanghihimasok sa buhay nila.

"Thank you for that, Geo." Pahabol pa niya.

Bahagya lang akong ngumiti sa kaniya at hindi na umimik pa.

"Do you wanna see her?" Tanong niya sa 'kin. "Sige na, pumasok ka na sa loob. She's okay now, kaya wala ka nang dapat pang ipag-alala. Natutulog na lang siya ngayon."

Noong una ay nag-alangan pa 'kong pumasok pero nagtuloy na rin ako dahil gusto ko rin naman siyang makita.

Binuksan ko 'yong pinto saka marahang pumasok sa loob. Nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed at mahimbing na natutulog. Maraming nakakabit sa kaniya at may isang bag din ng dugo ang kasalukuyang isinasalin sa kaniya.

Marahan akong naglakad palapit sa kaniya. Tinitigan ko ang mukha niyang maamo na parang walang iniindang sakit. Bumaba ang tingin ko sa braso niya. Maraming red spots at may mangilan-ngilan ding pasa ro'n, kagaya ng sinabi ni Tito Peter.

Reach The Stars (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon