2 ANG TRANSFEREE

0 0 0
                                    

2 ANG TRANSFEREE

Napabangon naman sa sikat ng araw si Bernard.

"Aist! Work na naman!" He said while smiling at the sunlight.

Lumabas naman si Bernard ng balcony at napatakip ito ng mata. Napatingin naman ito sa wristwatch niyang hindi nahubad kahapon at nakita niya ang oras "7:30".

Napadungaw naman siya sa balcony niya at lumanghap ng hangin. Napatingin naman siya sa building sa harap tapos sa pool sa baba na maaga pa lang ay may nagsi-swimming na na babae.

Araw-araw nandoon ang babae tuwing umaga para mag-swimming. Minsan nga ay kinawayan siya nito dahil sa pagtingin niya dito.

Nakatira si Bernard sa 5 floor ng Greenland Residence na malapit lang sa school na pinapasukan niya.

Pumasok naman siya sa loob ng condo niya at nagpunta na sa bathroom.

------------------------------

The Saints Academy

Bumaba naman si Bernard sa kanyang bisikleta ng makarating ito sa gate ng school at dumaan sa maliit na gate.

Nakangiti naman na sinalubong siya ng guard.

"Goodmorning Sir Bernard! Sabi ng pwede ka namang dumaan nalang agad papasok eh!"

"Ay! Haha, wag na manong guard! Iiwan ko na naman itong alaga ko. Pakibantay po ah!" Polite na sabi ni Bernard.

"Sus! Parang di kana nasanay! Sige lang, ako bahala dito... Akin na Sir." Aniya ng guard at kinuha na ang bisikleta ni Bernard at pinasok na sa guardhouse.

Nagpasalamat naman si Bernard at pumasok na sa school papunta sa White Building o yung building na tanging staffs lang at teachers ang nakakapasok o di kaya mga students na may kailangan sa loob.

"Goodmorning pogi!"

"Ay! Goodmorning Mrs. Regalado!" Bati naman niya sa babae.

"Janna nalang! Haha!" Bigla naman itong kinilig at nagpa-cute pa.

Napakamot nalang ng ulo si Bernard at patuloy nalang siyang naglakad papasok ng building.

Pagkatapos niyang mag-time in ay nagtuloy-tuloy siya sa faculty at papunta sa desk niya para kunin yung mga teaching materials niya.

"Pareng Barako!" "Uy! Porter! Tapos na class mo?"

"Yeah! Hindi naman ako katulad ng elite section mo eh, may privilege!" Sabi nito kay Bernard at tumawa.

Tumawa din si Bernard sa sinabi ni Dan.

"Pero alam ko naman na di mo ko pupuntahan para sa ganito lang diba?"

"Oh..... Yeah, muntik ko pang makalimutan! Balita ko kasi may transferee daw, artista! Balita ko maganda daw talaga yung chic pare!" Nae-excite naman na sabi ni Dan.

"Hays... Wala akong panahon sa mga ganyan pare. Alam mo naman."

"Sus! Bawal kung student mo! Eh kung hindi?!" Ngisi nito kay Bernard.

Natawa nalang si Bernard sa asal ng barkada.

"Bahala ka Dan. Pass na ako sa mga ganyan!" Pang nanag naman ni Bernard at umalis na.

Pagdaan naman niya malapit sa office of the admins ay agad naman siyang tinawag ni Mrs. Abellaniosa.

"Ay! Mr. Ludrico, pinapapunta ka ni madam sa office ASAP!"

"Ano daw pong meron?" "Ewan ko! Pinapasabi lang eh!"

"Ah sige po" Agad naman na pumasok Bernard sa office ng admin.

Tok! Tok! Tok!

"Come in!" Sabi ng isang tinig ng babae sa kabila.

Flirt parin ang boses ni Mrs. Perez. Hindi man lang kumupas ang hilig.

Pumasok naman si Bernard at nasilayan na naman niya ang magarang principals office.

"Umupo ka Mr. Ludrico."

"Ma'am what can I do?" Diretsang sabi niya pagka-upo niya sa upuan.

May hinagis naman si Ginna na folder.

"Ikaw hahawak sa kanya.... Nakapasa yan sa test mo kaya wag kang mag-alala. Meron nga din palang bilin para sa'yo.... Be patient!"

Napataas naman ang kilay ni Bernard sa sinabi ni Ginna.

"Tiger ba ma'am babantayan ko?"

"The transferee..."

-------------------------------------
-------------------------------------

Nakakunot parin ang noo ni Bernard hanggang sa makarating siya sa classroom.

Ano bang pinagsasabi ni ma'am kanina? Akala mo naman high profile na inmate papasok sa class ko, artista pala.

"Goodmorning Sir!" Bati naman ng mga student sa kanya.

Ngumiti naman siya.

"Ok class! Before we proceed to our first lesson, I would like you to introduce yourself infront Ms. De Guzman?" Tawag niya sa transferee.

Napahinto naman ang kahit na maliit na bulungan sa room.

"Miss De Guzman???" Tawag ulit ni Bernard.

Napa-stretch naman siya ng ulo at tumingin sa likod.

"Saan si Ms. Princess De Guzman...."

BLAG!

Bigla nalang malakas na nagbukas ang pintuan ng classroom.

"Sorry po I'm late!"

IF I HAVE THE TIMEWhere stories live. Discover now