1 BERNARDO JULIO

0 0 0
                                    

1 BERNARDO JULIO

"Welcome new students and students! Welcome to the new chapter of life here in The Saints Academy. For new students please proceed to the assembly field for confirmation and others thank you...." Pag-aanounce na naman ng tagabantay na staff sa gate.

Panglimang beses ng inuulit ng staff na yun ang sinasabi sa umagang ito, ngunit hindi naman sayang ang pagod niya dahil sa iilang mga students na napapatingin sa kanya na para bang nagpapasalamat.

"Bro! Welcome back!"

"Gurl! Nakita ko si Ethan Lee yung gwapong international singer nung bakasyon!"

"Hi! I'm Kendrick nga pala...."

"Pila po ng maayos! Pila po para sa pagsasaayos ng registration at confirmation!"

Napaka-ingay naman ng buong field ngayong umaga sa TSA.

Napakaraming students at staffs ang kasalukuyang nandidito.

"Bro! Sana hindi tayo mapunta sa class ni Mr. Ludrico! Balita ko hell on earth daw ang feeling dun!" Sabi naman ng isang student na halos makatusok na ang tigas ng buhok dahil sa gel.

Tumango naman ang ibang kasama neto na halos parehas lang ang ayos ng mga buhok.

"Pero mga pare, maiba nga tayo. Diba lahat ng mga nahawakan ni Mr. Ludrico eh kahit yung pinakabobo sa klase niya eh milyonaryo na ngayon?" Pagtatanong naman ng isa sa kanila na may magnet na earrings.

"Legend din talaga ang isang yun! Pero ayoko parin sa kanya! Gusto ko pang i-enjoy ang buhay ko noh!" Sabi naman ng isang medyo disente ang buhok sa kanila dahil sa naka-pormang matino ito ng konti kesa sa buhok ng mga kasama niya, ngunit mapapansin mo din ang malalim nitong mga mata.

"Gago Tyrone! Takot ka mahuli na nanonood ng porn noh?! Heh! Pag yun si Mr. Ludrico ang nakahuli sayo-"

"I'll break that third leg hiding in your pants." Sabi naman ng isang boses sa likod nila.

Hindi man cold at forcefull o kung ano mang nakakatakot na uri ng boses ay mukha namang naging estatwa ang mga students ng marinig ang boses. Yung mga nakakita naman sa tao na yun ay para namang nakakita ng multo.

"M-M-M-M-Mister L-Lu-Ludrico!!!" Sigaw ng mukhang leader nila.

"Anong year na kayo?" Kalmado at nakangiting tanong ng lalaki sa grupo.

"Ye-Year?! Ahmmm G-Grade Na-Na-Nine po!" Sagot naman ng binatilyong malalim ang mata na parang iiyak na sa takot.

"Easy boys.... Grade 9 palang pala kayo eh. Study hard! Baka next year ako na teacher niyo." He said.

Naglakad naman ang lalaki papunta sa isang table na naka-set na at may iilang mga nakapila na dito.

"Goodmorning Mr. Ludrico!"

"Goodmorning!"

"Goodmorning Mr. Prettyboy!"

"Haha! Di naman! Goodmorning!"

Sabay-sabay naman bumati sa kanya ang mga staffs at teachers na nakakita sa kanya kaya naman ay nagtinginan ang mga students sa kanya lalo na ang mga new students.

"Sino siya?" Tanong naman ng isang maliit na babae na naka-ponytail pa ang style ng buhok.

"Ah.... Yung si Mr. Ludrico ba? He's the one and only Mister Bernardo Julio Ludrico of the academy. He's the manly, super intelligent, elegant, cute, handsome, you name it!" Sabi ng isang student sa maliit niyang kapwa student.

Matangkad naman ang babaeng nagsabi nun at isa itong magandang dalaga na may proud aura na bumabalot dito. Dagdag pa niya, "He's the teacher na you'll want for the rest of your life even if matapos man ang high school life mo. Pero ewan ko ba! Hindi man lang siya pumapatol sa kahit kaninong babaeng may gusto sa kanya...." Proud na sabi ng babae ngunit mahinang binanggit sa sarili ang huling sinabi.

"Heh! Nasasabi mo yan kasi student ka niya. Wag ka maniwala ng masyado sa mga sinasabi ni Roxanne sa'yo bata. Oo sikat si Sir Ludrico pero teror teacher yun! Isang notorious sa dami ng pinatumbang students!"

Habang nagbabangayan naman ang mga students sa field ay naka-upo naman si Bernard sa upuan ng nakahandang table at nakangiti na tumingin sa nakapilang mga students.

"Pareng Barako! Ang aga natin ah!" Bigla namang sigaw ng isang lalaki.

Napalingon si Bernard at napangisi.

"Mr. Porter! Amerikanong-amerikano parin ang dating ah?" Sabi naman ni Bernard habang palapit sa kanya si Dan Porter.

Sumandal naman siya sa sandalan ng upuan ni Bernard at napatingin sa pila ng students sa harap ni Bernard.

"Dami paring students ah?"

"Ay! Haha, hindi naman.... Sa faculty eh, kung ako papipiliin eh mas maganda kung onti lang tuturuan ko.." Sagot niya kay Dan.

"Halika, hanapin mo pangalan mo sa list..... Oh sige tapos pirmahan mo tong form... Okay.... Yan! See you mamaya!"

Naging busy naman si Bernard...

Pero di niya alam na bukod sa nakatayong si Dan ay halos lahat ng teacher na babae ay nakatingin sa kanya.

Reason? He's the ultimate ideal guy in their hearts, mapa-single man o mapa may asawa na.

Bernardo Julio Dugayo Ludrico is only a man in his 30's. Actually 35 years old palang siya, but sa hindi malamang dahilan ng mga teachers ay wala itong asawa o nililigawan man lang sa kabila ng walang kupas na kagwapuhan nito. Almost 10 years na din nagtuturo si Bernard sa TSA, in-short, siya lang naman ang pinakabata na nagturo sa kasaysayan ng school sa edad na 26 years old at isa siyang graduate ng school na ito.

"He's so hot! Parang ang galing niya mag-alaga ng anak!" Sabi naman ng iilang mga teachers.

IF I HAVE THE TIMEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora