9 PARTY 3

0 0 0
                                    

9 PARTY 3

Mahigit isang oras silang nag-inom. At ng uminit na at magkaroon ng kaunting hilo ay agad na nagyaya ang mga lalaki na pumunta sa gitna ng dancefloor.

Napatingin naman si Princess sa relo...

Medyo nahihilo na rin siya dahil sa dami ng nainom. Si Monica nga eh kanina pa pinapasok ni Shannel sa isang VIP room upang mahimasmasan at makatulog ito.

12:30 am..

"Princess, pwede ka ba maisayaw?" Yaya sa kanya ng isang lalaki.

Tinaas naman niya ang kanyang ulo at nakita niya na si Tommy lang pala ito.

"Ah sorry Tommy huh. Medyo gabi na din kasi eh, kailangan ko ng umuwi, puntahan ko lang pinsan ko. Sorry ha." Pagtanggi niya kay Tommy.

Sa totoo lang, ayaw niya kay Tommy dahil kanina pa niya itong napapansin na nakatingin sa kanya. Ang weird ng mga tingin nito at ngiti nito sa kanya.

Naglakad naman si Princess papunta sa mga VIP rooms..

Ngunit hindi niya alam na sumunod pala sa kanya si Tommy at makikita sa mga mata nito ang bahid ng kahalayan at kasamaan na itinatago nito sa kanyang katawan.

-----------------------

Samantala, magkahawak kamay naman ang mag-ama na pababa ng rooftop.

Nakangiti si Bernard ng pagkalaki-laki, halata na halos walang pagsidlan ang saya niya dahil kasama na niya ang anak.

"Anak, saan ka nakikitira ngayon?" Tanong niya sa kanyang anak at hinaplos ang buhok nito.

Napapikit naman si Julianna at nakangiting sumagot, "Nag-hotel lang po ako papa. Gusto mo doon nalang ako sa condo mo?"

"Oo naman! May isa pang kwarto doon! Palagi akong naglilinis ng bahay eh kaya malinis din yun."

Bumaba naman sila sa rooftop, pagdating nila sa third floor, kung saan ang mga VIP rooms ay may tumawag naman sa cellphone ni Julianna.

"Papa, balik muna ako sa taas! Sagutin ko lang." Paalam ng anak niya.

Tumango naman si Bernard kaya't agad na tumakbo ulit si Julianna pataas. Pinagmasdan naman ni Bernard ang anak at ng mawala na ito sa kanyang paningin ay agad na siyang naglakad.

Papaliko pa lamang siya ng may marinig siyang ingay.

"Ano ba?!!! Bastos ka!" "Bastos kung bastos! Basta sakin ka ngayong gabi!"

"Ahhhh!!"

"Argh! BITCH!"

Mabilis naman na lumapit si Bernard sa pinanggagalingan ng boses.

-------------------

Paakyat na si Princess ng makita niya na may taong sumusunod sa kanya, at isa pa ito sa mga kaibigan ni Shannel, si Tommy.

Bigla naman siyang kinabahan ng makita ang ngiti ng lalaki kaya't binilisan niya ang paglalakad.

Ng makaabot siya sa taas ay mabilis niyang binaybay ang hallway at hinanap ang room 331.

Maya-maya lang ay bigla siyang nakaramdam ng hilo habang naglalakad. Napasandal naman siya sa pader.

What happened to me?! Hindi naman ganito pag nalalasing ako ah? Nalilito na ang dalaga at sumasama na ang pakiramdam niya.

"Ok ka lang?" Bigla namang may narinig siyang boses ng lalaki sa likod niya.

Kahit sobrang nahihilo naman siya ay tumingin naman siya sa likuran niya at nakita niya si Tommy. Kaya lang ng makita niya ang lalaki ay kinabahan siya dahil sa kakaibang ngiti na meron ito, at dala na din siguro ng pagkahilo ay nag-iiba na ang tingin niya sa lalaki.

"A-Anong gagawin mo sakin?!" Sigaw niya habang papaatras.

Naglakad naman papalapit sa kanya si Tommy at nakangisi na ito.

"Nahihilo ka ba? Gusto mo bang dalhin kita sa kwarto?" Sabi nito sa kanya at mukhang hindi man lang napansin ang tanong niya.

Hinawakan naman agad siya ni Tommy ng makalapit ito sa kanya at mahigpit na na-pinned ang balikat niya sa pader.

Para namang naging demonyo sa kanyang paningin ang lalaki at natatakot man ay sumigaw siya.

"Ano ba?!!! Bastos ka!!!" Piglas niya ng halikan ni Tommy ang kanyang leeg.

Napatigil naman si Tommy sa paghalik at tinignan ang dalaga.

"Bastos kung bastos! Basta sakin ka ngayong gabi!"

Hinalikan na naman siya nito sa leeg kaya't napatili siya ng malakas.

"Ahhhh!" Tili niya at sabay kalmot sa pisngi ni Tommy.

"Argh! BITCH!" Galit na sigaw ni Tommy at sinikmuraan si Princess.

Nanghina naman ang dalaga, nawalan agad siya ng lakas. Tumulo naman ang mga luha niya at nanlalabo na din ang kanyang paningin.

Tulong....

Napatingin naman si Tommy sa dibdib ni Princess at manyak na manyak na tumawa.

Akmang hahawakan na niya ang dibdib ng dalaga ng may biglang humatak sa kanya.

Sa sobrang lakas ng hatak sa kanya ay agad siyang nauntog sa kabilang pader.

Nahilo naman siya sa pagkakauntog ngunit mabilis naman siyang napatingin sa humatak sa kanya.

Pero isang malakas na suntok lang ang sumalubong sa kanya. Nanlabo naman ang mga mata niya at ng malapit na siyang mawalan ng malay ay narinig pa niya itong may sinabi.

"Consider yourself lucky... Kundi baka body bag kana bukas." Sabi ng lalaking sumuntok sa kanya at nawalan na siya ng malay.

Nakahawak naman si Bernard sa leeg ni Tommy.

---

"Consider yourself lucky... Kundi baka body bag kana bukas." Sabi niya kay Tommy.

Nawalan naman ng malay si Tommy kaya't binitawan na niya ito. Puno ng dugo ang mukha ni Tommy, lalo na ang nauntog na parte ng ulo nito.

Tinignan naman ni Bernard si Princess at napakunot siya ng noo.

Nanlalabo naman na nakatingin si Princess kay Bernard habang inaaninag niya ang lalaking sumagip sa kanya.

"You should avoid guys like him o wag ka ng pumunta ng bar at clubs." Narinig niyang sabi ng lalaki.

Binuhat naman siya nito...

"T-Thank you..." Mahinang sabi ni Princess.

Napailing naman si Bernard at naglakad na papuntang fire exit.

"Ikaw ba guardian angel ko?" Biglang tanong ni Princess sa lasing na tono.

"Haha, knight in shining armor ata.." Sabi ni Bernard at napa-iling nalang sa sinabi.

Itutulak na sana niya ang pinto ng exit ng biglang paglingon niya kay Princess...

*Tsup!*

IF I HAVE THE TIMEWhere stories live. Discover now