3 MS. PRINCESS DE GUZMAN

0 0 0
                                    

3 MS. PRINCESS DE GUZMAN

"Sorry po I'm late!"

Malakas naman na bumukas ang pinto ng classroom at bahagya namang humangin.

Shock naman ang mga students di dahil sa gulat sa lakas ng pagkakabukas ng pintuan kundi sa parang biglang pag-init ng temperatura ng classroom sa kabila ng malamig na air-conditioning.

Samantala, may isang matangkad naman na babaeng student ang nasa pintuan. May glasses ito sa mata, may napakagandang mukha, nakakaakit na lips, nakasuot ito ng uniform na medyo fit sa kanya at maiksing palda ng school kaya naman kitang kita ang napakagandang pigura ng katawan nito, at higit sa lahat ay ang pamatay niyang legs.

"Ms. De Guzman?" Nakakunot noong tanong ni Bernard.

"Eto po ang form ko." Lumapit naman ito kay Barnard at ibinigay ang isang folder.

Tinanggap naman niya ang folder at tumingin ulit sa student.

Para namang nahihiya si Princess sa kunot noong si Bernard at nahihiyang nagpaliwanag.

"Ehehehe, sir, sorry po sa pagiging late! Medyo di ko pa kasi kabisado yung daan papuntang school eh tsaka matrapik sa dinaanan ko. Pinapunta din ako ni Ma'am Gin- Perez sa office niya para din ibigay 'to..." Explain niya at may dinukot sa hand bag niya na sobre at inabot kay Bernard.

Tinignan naman ni Bernard ang sobre at di na nag-abalang basahin pa. Nawala na rin ang kunot sa noo niya.

"Oh kindly introduce yourself..."

"Ok."

Pumunta naman sa gitna si Princess at tinignan ang mga students.

Pinagpapawisan naman ang mga lalaking students sa classroom at yung iba naman eh parang naka-inom ng stimulants at medyo maayos kaysa normal nilang ginagawa o posture ng upo. Yung mga babae naman eh kalahati excited at kalahati nakakunot ang noo.

'Mabuti nalang hindi tumalab ang charm niya kay sir my loves!' Sa isip-isip ng mga babae.

Magaganda at gwapo classmates ko ah? Medyo attentive!

Masigla naman siyang nagpakilala. "Hi! I'm Princess De Guzman, 17 years old, actress also, and I hope we can be friends." Ngiti naman niya pagkatapos magpakilala.

Napatayo naman ang isang student na lalaki.

"*Ehem* Can I ask... Do you have a boyfriend?" Sabi nito at napahawi ng buhok niya.

Napa-smirk naman si Princess...

'Oh damn! Such charm.... A demoness...'

"Boyfriend? Marami!" Nakakalokong sagot neto.

Nagtawanan naman ang mga lalaki.

"Oh class! Keep your voices, magsisimula na tayo!" Kalmadong sabi ni Bernard.

Nag-bow naman si Princess sa kanya at humanap ng mauupuan. May mabilis naman na lumipat ng upuan galing sa unahan para maka-upo si Princess.

"Thank you!" "W-Welcome!"

Napatingin naman ang mga students sa nagsusulat na si Bernard sa white board. Pagkatapos niyang magsulat ay sinarado na niya ang libro at umupo sa table niya.

Ngumiti naman siya.

"Ok, I know you know me very well.... You know my rules. So you have to explain it to your classmates that doesn't know what are the rules and also to those that forgets the rules." Panimula niya.

Tahimik parin silang lahat kaya nakahinga si Bernard ng maluwag.

"Pero dahil late si Ms. De Guzman, she will answer my questions this day..."

IF I HAVE THE TIMEWhere stories live. Discover now