10 A LIVELY MORNING 1

0 0 0
                                    

10 A LIVELY MORNING 1

"Uhmmmmm, ugh!" Nagising naman si Princess dahil sa kaunting init ng araw na dumampi sa kanyang mukha.

Napa-stretch naman siya ng katawan sa buong kama at napangiti.

Hmmm, I can't clearly remember anything but it's too comfortable!

*ringtone ringing*

Bigla namang nag-ring ang phone niya na nakalagay sa ilalim ng lampshade.

Kahit hindi pa gaanong naimumulat ang mata ay agad naman niya itong kinapa. Sinagot naman niya ang tawag kahit walang tingin-tingin na nag-swipe dito.

"Hello... Uhmmm." Sagot niya habang patuloy pa din sa pag-unat habang naka-upo sa kama.

[Princess! May meeting tayo mamaya sa company!] Sabi ng isang boses babae sa kabilang linya.

"Opo manager! Teehee~~~ Ano na naman bang gagawin natin? May new project na ba agad?"

[Wala! Hindi ka pa pwedeng bumalik, inaayos pa eh! Atsaka nga pala, bakit wala ka daw sa bahay niyo? Tumawag ako dun kanina eh. Natulog ka na naman ba sa kung saang pinsan ah?] Striktong tanong ng manager ni Princess.

Para namang nanay!

Napakamot naman ng ulo si Princess. Simula kasi ng aksidente noong nakaraang taon ay nahinto ang kanyang career pansamantala sa pag-aartista. Mabilis man na natabunan ang kontrobersya ay di naman siya agad pwedeng bumalik. Pero mula noon ay pinaghihigpitan na siya ng manager, kung tutuusin ay sa tingin niya na mas mahigpit pa ito magbantay kesa sa mama niya.

"Wala po manager! Andito lang ako sa..... Uhm, bahay ng kaibigan ko? Oh yes bahay ng kaibigan ko si ate Shannel." Palusot niya at relieved na tumikhim tikim.

[Uminom kana naman?!! Naman?!]

"Mahabang story manager! Hahaha! Bye na uuwi muna ako!" Malakas naman na tumawa si Princess at binaba na niya ang tawag.

Saka lang niya nilugod ang mga mata at lubusang idinilat ito. Pagkakita niya sa kwarto ay na-shock at the same time ay na-amaze siya dito.

Shock dahil hindi ito ang kwarto ni Shannel! Amazed naman dahil pink ang motif ng room, hindi ito nakakaumay at masakit sa mata tignan. Yung tipong para kang na fantasy lang, pero ang na-amaze siya sa lahat ay ang hinihigaan niyang kama ngayon na sobrang laki! Bilog ito na creamy pink ang color at mas malaki pa ito kesa sa emperor size bed. Kahit ata 12 na tao ang matulog dito ay kasyang-kasya.

Napatingin naman siya sa mga nakapalibot din na stuff toys malapit sa hinigaan niya at kumuha siya ng isa.

"Ang cute mo naman! Pink din! Hahaha, anong name mo? Pwede akin kana lang?" Parang tangang tanong nito sa stuff toy.

Napatingin naman siya sa suot, ngunit ng makita ang kasuotan ay para naman siyang niyanig ng malakas na lindol, biglang kinabahan, may naalala, at nanghina.

A-Anong.... Hindi 'to pwede!!! Hindi...

Tinignan naman niya ang suot panloob sa loob ng silk robe na pink.

Nang makita niya na wala siyang panloob ay agad na nakaramdam siya ng hilo at panghihina. Tumulo naman ang mga luha niya at niyakag ang sarili.

Naaalala kasi niya na sinuntok siya ni Tommy sa sikmura at nawalan na siya ng ala-ala sa mga sumunod.

Bigla namang nagbukas ang pintuan ng kwarto...

Biglang na-tense si Princess at sumiksik sa headboard ng kama habang nakatingin sa pinto na may luha ang mga mata. Pero nagulat siya na makita si Bernard.

"I-Ikaw?!!!" Gulat na gulat niyang tanong.

Napakunot naman ng noo si Bernard ng makita ang luha sa mga mata nito.

"Oh anong iniiyak-iyak mo dyan? Bumangon kana at papasok ka pa!"

"A-Anong ginawa mo sakin?!! Ba-Ba't..!!" Tanong niya kay Bernard at sinilip ulit ang walang panloob niyang katawan.

Napa-facepalm naman si Bernard at lumabas na ulit.

"Bilisan mo ng tumayo dyan! Papasok pa ako eh ang istorbo mo! Sa sunod na maglasing ka kasi, siguraduhin mong kaya mo... Mga bata talaga..." Sabi ni Bernard na dinig na dinig naman ni Princess.

Napanganga naman si Princess habang nakatingin sa pinto.

Ang dami niyang gustong sabihin sa lalaki dahil naguguluhan pa siya sa nangyayari katulad ng kung bakit siya kasama nito? Anong ginagawa niya sa magandang pambabaeng kwarto na ito, anong ginawa niya sa kanya, at marami pang iba.

Nang mapakalma niya ang sarili ay nagba-blush naman siyang lumabas ng kwarto.

Paglabas niya ng kwarto ay nakita naman niya si Bernard na nakahubad ng pang-itaas at may apron na itong suot habang nagluluto.

Napatingin naman sa kanya si Bernard pero agad din na binawi dahil nagluluto ang lalaki.

"Get dressed up...."

"A-Anong.... Wala akong susuotin! Saan mo nilagay yung damit ko?!!" Sigaw niya sa lalaki at niyakap ang sariling katawan.

Napataas naman ang kilay ni Bernard. Nilagay naman niya sa plato ang niluluto at tumingin ulit kay Princess.

"Doon sa kwarto na tinulugan mo, merong mga damit doon. Maghanap ka ng kakasya sa'yo."

Padabog naman na naglakad si Princess pabalik sa kwarto habang nakabusangot. Pagdating niya sa kwarto ay pabulagsak niyang binuksan ang pinto ng closet.

Na-shock na naman si Princess sa nakitang mga damit sa closet.

Lahat kasi ng mga nakalagay sa closet ay mga mamahaling brand ng damit. Kahit ang pinaka-plain na damit sa loob ay mamahalin parin.

Artista nga si Princess at mayaman din ang pamilya niya ngunit kung ikukumpara ang wardrobe niya sa wardrobe na nasa harapan niya ay tiyak na walang panama ang sa kanya.

Kinuha naman niya ang isang yellow na printed t-shirt at sinuot. Napatingin naman siya sa salamin, nakita niya ang isang babae na medyo masikip ang sinusuot na t-shirt.

"Aish! Sayang anliit naman!" Inis na sabi ni Princess at kumuha ulit ng damit.

Marami pa siyang sinubukan na damit. Naka 12 na siya na palit at naka-bra nalang siya at kukuha na sana ng isang damit ng biglang pumasok si Bernard.

"Ay! Manyak!" Gulat na sigaw ni Princess at itinakip ang isang damit sa kanyang dibdib.

Nagulat din si Bernard at tumalikod na.

"Magsarado ka naman ng pinto!

"A-Anong kailangan mo?! Naninilip ka noh?!" Naniningkit na tanong ni Princess.

Gumalaw naman ang tenga ni Bernard sa sinabi ni Princess at tumingin.

"Bahay ko 'to! Tsaka di kita type! Sasabihin ko lang sanang kakain na. Dalian mo ng magbihis!" Sabi niya at sinara na ang pinto.

Di daw niya ako type?! Eh bakit kung makasilip siya...

Nagpatuloy naman sa pagbibihis si Princess. At ng may napili na siya ay agad niya itong isinuot at lumabas na.

Pagkalabas niya ay nakita naman niya si Bernard, ang kanyang teacher na kumakain.

Nakasuot siya ng isang pink na crop top at pink din na short shorts. Nakabusangot naman si Princess na lumapit sa lamesa at umupo.

Tinitignan naman siya ni Bernard.

"Tingin-tingin mo sir?" Taas kilay na tanong niya.

"Tss! Nag-underwear ka ba?" Pokerface na tanong ni Bernard.

Nagpipigil naman ng tawa si Bernard sa loob-looban niya sa likod ng nakapokerface niyang mukha.

Tinignan niya naman ang pamumula ng dalaga at muntik ng mawala ang control niya.

"Malamang! Bakit sir, ayaw mo ba?"

Nabulunan naman si Bernard sa sinabi ni Princess at mabilis na uminom ng tubig.

Blag!

"*yawn* goodmorning!"

IF I HAVE THE TIMEWhere stories live. Discover now