5 RED CASTLE

0 0 0
                                    

5 RED CASTLE

TUGS! TUGS! TUGS! TUGS!

Malakas naman ang ingay sa loob ng Red Castle. Marami na ngang sumasayaw dito kahit bata pa ang gabi at kasisimula pa lang ng music.

"Pupunta ba si Julio dito?" Sabi ng isang malambing na boses.

Ngumiti naman si Cyan sa nakayakap na asawa at ibinaba na ang phone na hawak.

"Nandito si Brianne eh! Miss na niya siguro...."

Napatingin naman siya sa mga nagsasayaw sa baba. At malakas na pumalakpak.

Nahinto naman ang mga taong nagsasayawan at humina naman ang music.

"Mag-ayos na tayo mga boys, girls mag-decorate na kayo." Marahang sigaw ni Cyan.

Agad naman na kumilos ang mga tao, samantala, natigil naman ng tuluyan ang music at pinapalitan ito ng bago.

--------------------------------

7:30 pm

Matapos naman ang meeting ng mga staffs at teachers ay agad na umuwi si Bernard para makapagbihis para sa lakad mamaya.

Napatingin naman siya sa oras at sa bintana na kita ang magandang liwanag sa pool.

Ilang taon na ba? All this time, gusto kong magpaliwanag sa kanya at sabihing mahal ko siya, sila...

Napabuntong hininga naman si Bernard at nagtungo na sa kitchen sa labas.

Kumuha naman siya ng tatlong itlog sa cabinet, bawang at sibuyas, at isang bacon sa refrigirator at maayos na inilagay malapit sa stove.

Kinuha naman niya ang isang maliit na itim na pan at mabilis na pinihit ang stove. Inilagay naman agad niya ang pan at nilagyan ng olive oil.

*ringing*

Bigla namang nag-ring ang cellphone niya kaya't tinignan niya ito. Nang makita ang caller I.D ay agad naman niya itong sinagot at inipit sa balikat habang naghihiwa ng mabilis.

[Pareng barako! Tayo in-charge sa Acquaintance Party ah, kaya agahan mo bukas!] Masiglang sagot ni Dan sa kabila.

Napangiti naman si Bernard. "Nako pare! May lakad pa naman ako ngayon!"

[Saan naman? Bago yan ah! San???] Para namang na-excite si Dan.

Napatawa naman si Bernard sa inasal ng kaibigan dahil alam ng kaibigan na hindi siya lumalabas kung di naman kailangan. Kapag nalaman nito na magba-bar siya ay tiyak na masa-shock ito ng husto.

"Sa Red Castle, may ka meet lang..." Walang pagsisinungaling na sabi ni Bernard sa kaibigan habang patuloy parin sa paggalaw ang kamay niya.

Matagal naman na nakasagot si Dan sa kabilang linya..

*Tunog ng kumukulong mantika*

[Woah! Anong year at day na ba ngayon? Mukhang nag time warp ata ako ah! P-Pare, anong meron? I mean, medyo naninibago kasi ako eh, sinong imi-meet mo?]

"Hah! Sikreto pare. Pero joke lang! Haha! Old friend, yeah old friend ko. May celebration eh invited ako nila. Alangan naman tumanggi ako."

Habang patuloy naman sa pagtawag si Dan kay Bernard ay patuloy parin sa pagluluto ito at niluluto na nito ngayon ang isang makapal ng konti na bacon.

[Sayang! Sama sana ako! Kaso wala eh, andito si misis! Baka pag umuwi akong tipsy eh makatulog pa ko sa lobby ng condo. Hahahaha] Sabi nito sabay tawa ng
malakas sa phone.

Napa-iling nalang si Bernard sa joke ng kaibigan. Nag-usap pa sila ni Dan ng kaunti at kasabay ng paglagay niya ng mga plates sa lamesa ay kasabay din ang pagtapos ng tawagan nila.

IF I HAVE THE TIMEWhere stories live. Discover now