11 A LIVELY MORNING 2

0 0 0
                                    

11 A LIVELY MORNING 2

Blag!

"*yawn* goodmorning!"

Malakas naman na bumalibag ang pinto ng kwarto ni Bernard kaya napatingin naman ang dalawa sa taong nasa pinto.

Naka-angat pa ang kaliwang paa nito na halatang pinansipa sa pintuan. Humihikab pa ito ng lumabas at lumapit sa kanila.

Nakasuot lang siya ng green na silk sando at green din  na silk na maiksing short. Magulo pa ang buhok niya at lumapit sa kumakain na sina Princess at Bernard.

"Morning sa'yo..." Bati ni Julianna kay Princess at kumuha na ng kakainin.

Nakanganga naman at napatingin si Princess kay Bernard. 'Akala ko ba eh wala siyang babae? Eh sino 'to?! Atsaka ang bata!!! Hindi pala mahilig sa bata ah! Di pala type ah!'

Para namang nababasa ni Bernard ang nasa utak ng kanyang student kaya't hindi na muna niya sinubo ang kinakain sa takot na masamid ulit.

Tumingin naman siya sa anak.

"Bakit hindi ka muna nagpalit ng damit?"

"Eh wala naman akong damit sa kwarto mo eh! Tsaka natutulog si Lover mo kaya di pwedeng pumasok!" Mischievous na sabi ni Julianna sabay tawa at pinaningkitan ang dalawa.

"HINDI NOH! WALA KAMING RELASYON!!!" Sabay na sigaw naman ng dalawa.

Agad na nagkatinginan si Bernard at si Princess, halatang shock silang dalawa at nag-iwas ng paningin.

"Teeheee~~~ Sabi niyo eh! Pero dad! Ang bata pa ni ate Princess! Hindi kayo pwede!"

Shock na naman at halos hindi makapaniwala na napatingin si Princess sa kanila. Halos hindi niya maitikom ang bibig.

Dad?!!! Kung ganun...

"*cough* anong sinasabi mo Julia, anak. Teacher ako ni Princess, tsaka bawal sa school yun. Tsaka..."

"Sus! Oo na oo na! Pero maganda ka ate ah! Malaki yung ano... Hehehe!"

Namula naman si Princess sa sinabi at titig sa kanya ni Julianna. Panay parin ang subo niya ng pagkain at nakayuko.

Muntik naman masamid si Bernard kaya agad niyang pinandilatan ang anak...

----------------------------

"Bilisan mo na! Aish! Male-late pa ako sayo eh!"

"Teka lang! Eh sa nahihiya ako eh!"

"Ano bang hinihiya-hiya mo dyan? Nakahubad ka ba?"

"Woy! Excuse me, sir!! Ganyan ka pala makipag-usap sa student mo?"

"Nasa school ba tayo?"

"Kahit na! Student mo parin ako!"

Nanonood naman si Julianna sa bangayan ng dalawa sa may pintuan. Lumapit naman siya sa kanila.

"Oh labas labas na! Antagal niyong umalis eh! Doon na kayo mag-labing-labing sa kotse! Hahahaha" Tawa ni Julianna at tinulak ang dalawa palabas.

*BLAG!*

Mabilis naman niyang sinara ang pinto at nagpunta sa may sofa at pinaandar ang T.V...

"Lakas talaga ng charm ng daddy ko! Pero maganda talaga si ate Princess ah! Malaki yung boobs! Hahahaha"

Nakabusangot naman si Princess sa elevator habang nakatingin sa likod ni Bernard.

Nakasuot kasi siya ng crop top na pink na kanina niya pang suot. Pero pinatungan niya yung short shorts niya ng jogging pants ni Bernard.

Pang student yung jogging pants ni Bernard, yung lumang edition ng jogging pants, gray ang color nito, at higit sa lahat ay mataas ito ng kaunti kay Princess kaya naman ay nagmukha siyang dancer ng hiphop na may lukot-lukot na tira dahil sa haba..

Nakahiram naman siya ng snickers kay Julianna, mabuti nalang at nagkasya kahit paano ang sapatos ng dalaga sa kanya.

Pagkabukas naman ng elevator ay inunahan naman ni Princess lumabas si Bernard at mabilis na naglakad palabas.

Napa-iling nalang si Bernard.

Tignan mo 'tong babaeng 'to! Siya pang galit eh siya namang pinahiram.

Paglabas naman ni Bernard sa lobby ay nakita niya si Princess na naka-cross arms at naka-pout.

"Oh akala ko nauna kana eh!" Asar niya dito.

Matalim naman na tinignan ni Princess si Bernard.

"Eh di ko alam kung saan kotse mong bulok eh! Malay ko ba?!"

"Pikon? Malapit lang naman school dito eh..."

"Malapit? Ok!" Inis na sagot ni Princess.

Maglalakad na sana siya ng biglang hawakan ni Bernard ang kamay nito.

Napaharap naman siya kay Bernard na may mapupulang mga pisngi dahil sa inis. Ngunit ng tumingin siya sa mukha ng lalaki ay para namang nakakasilaw na bigla ang liwanag ng araw. Para ding bumagal ang paggalaw ng mga bagay sa paligid.

Nag-blink naman ng mga mata si Princess. Bumibilis ang pagtibok ng puso niya, hindi niya alam kung anong dahilan, anong nangyayari, at anong gagawin sa kanyang nararamdaman. Umiinit naman ang mukha niya.

Marami naman siyang iniisip ng biglang makaramdam siya ng sakit galing sa noo.

"Daydreamer! Halika na nga! Kung anu-ano iniisip mo!"
Hinawakan naman niya ang kamay ng dalaga at nagtungo na sa parking lot.

Nang malapit na sila sa parking lot, bigla naman na nagpumiglas si Princess.

"Bitawan mo nga ako!!! Hindi na ako bata! Kaya kitang sundan mag-isa!" Sigaw nito.

Napalingon naman ang ibang tao sa parking lot sa gawi nila.

Hindi naman binitawan ni Bernard ang kamay ng dalaga at mabilis na naglakad patungong kotse. Nang makarating naman sila sa kotse ay saka lamang niya binitawan ang kamay.

"Manyak! Aaaahhhh!" Sigaw ni Princess dahil sa inis.

Napakunot naman ang noo ni Bernard at napatingin kay Princess, halata sa mata nito ang kaunting inis.

"I'm not a maniac ok? Tsaka pwede wag kang sumigaw? Laki-laki muna tapos para ka paring bata." Sabi ni Bernard kay Princess at binuksan na ang pinto ng kotse.

"Pasok!"

"Ayoko!"

"Pasok sabi eh! Or else...!"

"Ano?!!!"

"Or else I'll kiss you then ravage you, what can you say? Tutal sabi mo sakin eh manyak ako eh, kaya tototohanin ko nalang." Ngisi ni Bernard kay Princess.

Pinandilatan naman ni Princess si Bernard at padabog na pumasok sa kotse.

"HMPH!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IF I HAVE THE TIMEWhere stories live. Discover now