CHAPTER 1

236 15 2
                                    

Isa malakas na yugyog ang nakapag pagising sakin mula sa mahimbing ko na pagkakatulog.


"Josh, wala ka pa rin bang balak pumasok? Dalawang linggo ka nang di napasok. Di kaya maapektuhan pag aaral mo niyan?"


Nanatili akong walang kibo sa mga salitang binitawan ni Mama. Oo, dalawang linggo na ko di pumapasok simula nung nangyari samin ni Lizzy. Siguro kasi sobrang ko siyang minahal kaya hanggang ngayon di ko pa rin kayang harapin siya. Hanggang ngayon kasi di pa rin ako naniniwala sa mga sinabi niya, pero anong magagawa ko kung ganon ang desisyon niya. Tatayo na sana ako ng muling magsalita si Mama.


"Nga pala, si Stell nasa kusina hinahanap ka. Tumayo kana dyan at harapin mo ang kaibigan mo."


Nakarinig ako ng pagsara ng pinto hudyat na umalis na si Mama sa aking kwarto. Andito si Stell, nagdadalawang isip ako kung lalabasin ko ba ang mokong na yon o wag na. Dahil alam ko naman na puro nanaman tanong at pangaral ang isasalubong sakin non.

Matagal na kaming magkakilala ni Stell. First year college pa lang kilala ko na siya dahil isa rin siyang gamer. Gamer pero HRM kinuha niya unlike me na IT. Nakakasama ko si Stell maglaro every time na busy si Lizzy o kaya pag may utang siya sakin sa computer shop niya ko itetreat. Si Stell ang takbuhan ko sa lahat ng problema ko, ewan pero lagi kasi siyang andyan para makinig sa kadramahan ko. Lalo na sa tuwing may away o di pagkakaintindihan kami ni Lizzy siya madalas kong takbuhan.

Nakakarindi yung mga pagmimisa niya saken pero epektib naman. At isa rin siya sa witness kung paano kami magmahalan ni Lizzy. Kung gaano ako kiligin at masaktan dahil kay Lizzy. Supportado niya ko palagi lalo na pag sumasali ako sa mga patagong competition when it comes to computer games. Siya taga rason sakin sa prof ko pag magcucutting ako para mag computer. Siya yung nakakaalam lahat ng sikreto ko. Kaya madalas di ako makahindi sakanya dahil sa mga naitulong niya.

Napagpasyahan ko nang tumayo at dumiretso sa banyo. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Naawa ako sa sarili ko, ang lalim ng eyebags, magulong buhok at alam ko din na nangayayat ako dahil sa irregular kong pagkain. Sa loob ng dalawang buwan may mga araw na di ako kumakain minsan naman isang beses lang. Nakakabakla man tignan pero nasaktan kasi ako ng sobra. Si Lizzy ang naging mundo at sakanya umikot ang buhay sa loob ng limang taon.

Inumpisahan ko nang maghilamos at ayusin ang sarili ko bago lumabas. Pagkalabas na pagalabas ko ng kwarto bungad na bungad sakin ang isang Stell na tutok na tutok sa ginagawa niya. Napatawa ako dahil kahit sobrang busy niya nagawa niya pa rin akong puntahan sa bahay. At dahil don napalingon siya pati si Mama.


"JOSH! Mabuti naman at nagpakita kana sakin, halos dalawang linggo na kong nagiisip ng idadahilan sa prof natin para lang dika ibagsak at bigyan ka ng special exam! Bat kase ngayon ka pa nagbulakbol kung kelan finals na! Hay nako Josh! Kung di lang talaga kita kaibigan!"

"Wala na kami ni Lizzy"


Di ko alam kung magwawala ba ko o ano e. Ansakit pala pakinggan ng ganon. Shit!


"Alam ko.." Stell smiled at me, "Nung nakaraang linggo tatlong araw di pumasok si Lizzy, magkasabay kayo. Akala ko nga nag away lang kayo dahil ganon kayo pag gusto niyo palamigin ulo niyo parehas. Pero nung pumasok si Lizzy, tinanong ko siya kung asan ka at anong nangyari sayo. Pero nagulat ako sa sinabi ni Lizzy na wala na kayo. Sinugod kita dito nung araw na yon pero sabi ni Tita nasa kwarto ka. Nung papasok na ko narinig ko yung hikbi mo.."


Kilalang kilala talaga ako ng best friend kong to. Sa lahat ng kakilala ko siya lang yung nag attempt na puntahan at kamustahin ako. Alam kong pumunta si Stell that day,kase nung hinatiran ako ni Mama ng pagkain nabanggit niya yon. Pero dahil di ko pa kayang humarap ng tao, dinedma ko lang ang sinabi ni Mama non.


"... Alam kong you're still in pain that time kaya di na ko nagpumilit na pumasok pa. Akala ko 1 week ka lang magmumukmok pero mali ako. Umabot ng 2 weeks at naiintindihan ko yon, dahil saksi ako sa pagmamahal mo kay Lizzy. Kaya matanong kita Josh.."


Napatingin ako kay Stell, kita ko yung pagiging concern sa mga mata niya. Lagi kong nakikita yang ganyang mata sa tuwing may away mami ni Liz.


"... Okay ka na ba?"

"Honestly, Stell di pa e. Masyadong maraming memories para kalimutan. Masyadong mahal ko si Lizzy para pakawalan nalang yung pinagsamahan namin ng ganon ganon nalang. Pero wala e, wala na kong magagawa. Desisyon na ni Lizxy yon at kilala ko siya, pag sinabi niya gagawin niya"


Kanina ko pa pinipigilan mga luha ko kase magmumukha nanaman akong bakla. Atsaka gusto ko na ring patigilin ang sarili ko kakadrama masyado ng maraming fluids lumabas sa mata ko the past few weeks. Para nanamang gripo mata ko.


"I know Josh. Pero sana di madamay ang pag aaral mo sa problema mo sa buhay. Alam kong mahirap yan pero sana naman wag mo sayangin yung effort naming nakapaligid sayo para sa pag aaral mo. Finals na natin in a few weeks tapos ngayon ka pa gaganyan. Di naman sa pinipigilan kita magdrama pero concern din naman ako sa future mo. Kase 1year nalang graduate na tayo. Ngayon mo pa ba sasayangin?"


3rd year college na kame as of now and aware ako na finals na next week. Pero malay ko bang dadating yung gantong pagkakataon sa gitna ng habulan o pasahan ng requirements. Di ko tamad sa pag aaral, nag cucuting ako pero di mababa grades ko at dahil na din yon sa tulong ni Stell. Naputol ang pagiisip ko sa mga sinabi ni Stell nung nagsalita si Mama.


"Anak alam kong mabigat ang pinagdadaanan mo ngayon. Pero sana naman wag mong papabayaan ang sarili mo. Ayaw kong makita kang nagdurusa dahil nasira ng isang babae ang pangarap mo. Marami pang babae diyan, at kung itutuloy mo ang pangarap mo marami kang opportunities na makukuha. Josh anak, naniniwala ako sa talino at galing mo wag mo sanang sasayangin ang pinaghirapan natin"


Nakonsensiya ako sa sinabi ni Mama. Naging single monther si Mama simula ng 6 years old ako dahil iniwan si Mama ng magaling kong tatay. Simula noon, si mama na ang magisang tinaguyod ako at ang pag aaral ko. Kaya isang malaking sampal sakin sa tuwing may mababa akong marka hanggang ngayon. Napaisip ako sa mga sinabi ni Mama at Stell.

Ramdam ko ang saya sa ngiti ni Mama at Stell.

Battle (SB19 JoKen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon