"Class dismiss!"
Tumayo at nag strech ng katawan dahil sa matagal na oras na pagkakaupo. Break time na at sabi ni Stell sa cafeteria nalang daw kami magkita dahil may mga bagong kaibigan daw siyang ipapakilala sakin.
"Josh! Tara na!" Sigaw ni Bea.
"Teka lang inaayos ko lang gamit ko" Pinasok ko yung last notebook ko sa bag, "Tara na!"
New friend ko si Bea 3rd year palang nag transfer na siya dito from province nila. And ngayon ko lang sya nakahalubilo dahil nung mga nakaraang taon ay puro kay Lizzy lang nakatuon ang atensyon ko.
"Papakilala ko sayo yung best friend ko, maloko din yon kaya alam kong magkakasundo kayo"
"Kinabahan naman ako bigla, pero sige. Mukhang kailangan ko na din ng kaibigan"
"Puro ka kasi aral Hahahaha"
Pagpasok namin ng cafeteria hinanap ng mata ko si Stell, dahil sabi niya don kami magkita. Pero nung di ko makita sinubukan ko siyang tawagan para itanong kung nasan siya.
After ng ilang ring agad naman sinagot ni Stell yung tawag.
"Oy asan kana? Cafeteria na kami"
"Osge mauna na kayo may inaayos lang ako, susunod nalng kami dyan"
"Osgesge" I ended the call.
"Ano daw sabi?" Pag uusisa ni Bea.
"Una na daw tayo e" sagot ko.
Agad naman kaming naghanap ng upuan na sa tingin ko kakasya kami. Sabi kasi ni Stell may ipapakilala daw syang kaibigan sakin. Buti naman kung ganon.
Dahil sa apat na taong pagkakaibigan namin ni Stell, kami lang dalawa ang nagdadamayan. Kaya natutuwa ako na ngayon mas lalaki yung circle of friends namin. Napili namin yung pwesto na bandang gitna dahil don yung parte na pang barkada yung lamesa at upuan.
Tatayo na sana ako para pumili at bumili ng order ng pigilan ako ni Bea. Nag sabi siya na siya na ang pipila at bibili mg pagkain namin. Pero syempre bilang lalaki di ako pumayag. Hangga't sa huli sumuko nalang din ako.
"Ako nalang Josh! Atsaka kung ako naman maiiwan pano pagdumating sila Stell?"
"Mabilis mo naman silang makikita e, may katangkaran si Stell at-"
"Ako na, kahit idescribe mo sakin yan nakakahiya padin!"
"Di ka talaga magpapatalo,sige carbonara at isang ice tea lang ang akin"
"Sige, relax ka lang diyan at hintayin moko"
Agad na pumila si Bea para bumili at naiwan akong mag isa sa table namin. Pumayag nako sa gusto ni Bea dahil mukhang sasapakin niya pa ko pag di pa ako pumayag.
Sinubukan kong kalikutin ang cellphone ng maya maya makatanggap ako ng text mula kay Stell.
Josh, sorry malelate ako ng 10mins. Yung kaibigan ko kasi daming inaasikaso. Basta dyan lang kayo, dadating kami. - Stell
Pagkabasa non pinatay ko na ulit at tinago yung cellphone ko. Sinubukan kong hanapin si Bea sa pila ng makita ko siya ay nagmuni muni muna ako. Nagpalingon lingon muna ako sa paligid ko.
At ngayon ko lang napansin na andaming kong di kilala at nakakasalamuha sa school namin. Marami siyang nakikitang mukha na nakikita niya na dati pero ngayon lang niya napapansin. Maya maya my isang tao ang nakahagip sa mata niya. "Si Lizzy" bulong niya sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Battle (SB19 JoKen)
FanfictionDifferent paths, different dreams. Would everything will survive if LOVE is our greatest weapon? Will the BATTLE between DREAM and LOVE will end? Can we survive all the challenges that our destiny had given to us? Could we find the ANSWERS on how di...