CHAPTER 2

169 11 0
                                    

"Oo sige na, may magagawa pa ba ako sainyo?"


Ramdam ko ang saya sa ngiti ni Mama at Stell habang naakto akong nakataas ang kamay at nasuko. Nagpakawala ako ng mahinang tawa bago yakapin si Mama. Alam ni Mama na siya ang kahinaan ko, at alam ko rin na pinagbigyan niya lang akong magdrama dahil isa din si mama sa saksi namin ni Lizzy.


Umalis si mama upang paghandaan kami ng makakain tutal walang prof sila Stell ngayon kaya nagstay muna siya sa bahay. Naiwan kami sa sala, binigay ni Stell lahat ng kakailanganin ko para habulin requirements ko.


Nalaman ko din sakanya na sa loob ng 2 linggo e araw araw siyang nagmamdali kada end ng sub nila para masabihan o makuha yung mga notes na ibibigay niya sakin. And, narealize ko na napaka swerte ko sa mga taong nakapaligid sakin. Yung mga taong di hadlang sa pangarap at sa mga gawain ko.



"Oh pano Josh, mauna na ako ha. Pagabi na din baka hanapin na ako ni mama. Pasabi nalang kay Tita Steph na nakaalis nako"

"Sige walang problema, ikamusta ko din ako kay Tita Lyn. Ingat sila sayo bro Hahahaha, maraming salamat bawi ako sayo next time!"

"Hahaha baliw ka talaga, wala yon! Pero aasahan ko yang bawi na yan ah!"

"Oo oo, dating gawi!"

"Yown! Hahahaha sige bro una nako"


Tumango ako atsaka pumasok na sa loob ng bahay para maglinis. Hinanda ko na din yung mga kakailanganin ko bukas para sa pagpasok ko. Pilit kong nilibang sarili ko para lamang di ko na siya maisip at di nako madrama. Nagmumukha nakong bakla kakaiyak gabi gabi. Siguro tama na yung iyak, pero syempre andito pa din yung sakit. Masisisi mo ba ko? Hays.


-------------------------

"Josh, alas kwatro pasado na. Akala ko ba papasok ka na ngayon? Tumayo ka na diyan pinaghanda kita ng almusal"


Actually kanina pa ko gising dahil di ko naman alam kung natulog ba ako. Nagsimula na akong magalaw dahil ayokong malate dahil sa traffic. Pumasok na ako sa banyo para maligo at nagbihis pagkatapos. Pagkalabas ko sa kwarto nakita ko si Mama na pinaplantsa yung uniporme ko. Di ko naman first day pero di ko alam kung ano meron kay Mama.


"Ma, di ko naman first day bakit ikaw pa nagaasikaso niyan?"

"Gusto ko lang presentable ka pag nagpakita ka sa ex mo. Gusto ko malaman niya na kaya mo nang wala siya, na kahit alam ko na di yun yung totoo"


Di ko alam kung supportado ba talaga si Mama para tuluyan akong mag move on, o nanakit lang bago ako pumasok e.


"Ma, kaya ko na po ito heart break lang to si Josh ako!"

"Hahaha ayan ganyan ang anak ko malakas! Matapang! Osya kainin mo na yung almusal mo para makaalis ka na ng maaga"


Kaya okay lang sakin na wala akong Tatay, dahil napunan ni Mama lahat ng pangangailan ko. Kahit kailan di niya pinaranas sakin na kulang ako, at kahit kailan di niya pinaranas sakin na nagiisa ako. Siya ang lakas at kahinaan ko, siya ang dahilan kung bakit ganto ako katibay ngayon.



Nang matapos ako kumain ay agad ko ng sinuot ang uniporme at kinuha lahat ng ginawa namin ni Stell kagabi para ipasa. Tinulungan ako ni Stell tapusin ang ibang gawain ko para mapasa ko na ngayon. Dahil 2weeks nalang at finals na namin. At pagkatapos ng finals, practice na kami para sa recognition namin.


Napaka bilis ng panahon, parang nung nakaraan lang kakakilala lang namin ni Stell. Parang nung nakaraan lang sabay pa kami magplano ni Lizzy pero ngayon hahaha. Siguro nga kailangan kong tanggapin na bilog at mundo. Na di lahat ng nakasanayan mo ay magiging ganoon hanggang dulo.


Ilang milya nalang ang layo ko sa school ng ma traffic pa ako. Dala dala ko ang sarili kong motor kaya madali akong makarating kahit anong oras ako umalis sa bahay. Pero syempre di mawawal ang traffic. Nagkaroon ako ng sariling motor dahil sa pag sali sali ko sa mga gaming contest ng patago. Bukod sa binibigay ko kay Mama e nagtatabi rin ako para dito.



6am ang una kong klase, pero 5:46am na ay nasa kalsada pa rin ako. Bwisit na traffic kasi to e, imbis kasi na ito sulosyunan ng gobyerno kung ano ano pa pinagtutuunan ng pansin. Di ba nila alam na dahil dito pwede maraming opportunities ang wala? Hay nako. Unti unti nang umusad ang traffic hanggang sa makarating ako sa school.



Nakarating ako ng 5:50 pero dahil naghanap pa ko ng mapaparkingan kaya napatagal ako. Nakapasok ako sa campus ng 5:55 kaya naman todo takbo ako para di ako mapagalitan ni prof.



Habang nasa hallway alam kong madadaanan ko ang room ni Lizzy pero di ko naman alam na pati siya madadaanan ko. Gusto ko sanang huminto para kausapin siya pero alam kong kahit anong oras pwedeng nang mag ring ang bell na hudyat para sabihin na magsisimula na ang klase.


Binagalan ko ang takbo ko ng napadaan ako sa harap niya, nagtama ang mata namin at agad niya ding iniwas yon. Maya maya nag ring na ang bell kaya naman binilisan ko na ulit ang takbo.


-------------------------

Maraming naganap sa mga nakaraang linggo. Napasa ko naman lahat ng dapat ipasa at na take ko lahat ng mga test na nakaligtaan ko nung 2 weeks akong nagmukmok.


Naging busy din kami sa weeks na yon dahil nga nalalapit na ang recognition, maraming kailangan ipasa at gawin. At hanggang sa oras na yon iwas pa rin si Lizzy sakin. Isang beses ko siyang nilapitan, ayain ko sana mag kape para ana magkaliwanagan. Pero tumanggi siya.



Pagtapos non di ko na siya kinulit ulit pero sinabi ko sakanya na kung handa na sya pwede niya na kong kausapin. Lumipas ang mga araw at nag finals na. Naalala ko yung kaba ko non, kahit kada finals ganon ako. Dumaan ang practice ng recognition at recognition.


At nung nakaraan lang nagkaroon kami ng batch outing. Halos every year may pa ganon kami, marami kasing students na umaalis at may mga students din na bago every year. Maraming nag enjoy non, pero mukhang isa ako sa mga di masyado nag enjoy.


Bakit? Kase yon yung araw na nagkalakas ng loob si Lizzy para kausapin ako. Sinabi niya lahat ng dahilan kung bakit siya humantong sa ganon desisyon. Napag alaman ko na bago yung araw na nakipag break siya e nag away sila ng tatay niya dahil sa isang test sa isang sub kung saan mababa ang score niya.


Matalino si Lizzy kaya alam kong nadisappoint niya ang tatay niya. Naisip ng tatay niya na ang gaming at ako ang naging sagabal kay Lizzy kaya nakakuha siya ng ganon marka. Wala akong nasabi kay Lizzy non. Para akong naging pipe sa harap niya, yung tapang ko nagtago sa mga oras na yon.


Bago matapos ang paguusap namin, nag offer ako ng pagkakaibigan kay Lizzy para naman kahit papaano may closure. But she refuse it, kaya wala akong nagawa kundi tanggapin. "Fake it until you make it." Now i make it unti unti ko nang nililibang ang sarili ko para kalimutan siya. Sa ngayon nagiintay nalang ako ulit ng pasukan, dahil pasukan graduating na kami sa wakas!

Battle (SB19 JoKen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon