CHAPTER 8

43 3 0
                                    



"Kamusta araw mo kahapon?" Tanong ni Mama habang nag aalmusal kami sa sala.


"Okay lang naman ma, wala pa namang masyadong nagyayari. Kaya pa naman mga gawain" sagot ko


"Eh yung puso mo? Okay na ba?" Tinignan ko si Mama para tignan kung binibiro niya lang ako, pero hindi


"Ano ka ba Ma!" Sagot ko, "Para ka namang iba, syempre oo! Di ba sabi ko naman sayo kaya ko" nginitian ko siya


"Hay nako Josh" tinapos na niya ang pagkain niya," Hanggang ngayon sinungaling ka pa rin! Osya dalian mo na dyan baka mahuli ka pa sa klase mo" tinawanan ko lang si Mama at daling inubos ang pagkain











"Ma alis na po ako" paalam ko kay Mama sabay halik sa kanya sa pisnge


Napatigil ako sa pagsakay sa motor ko nang biglang tumunog ang Cellphone ko.


"Start your day with a smile, don't let the negativity ruin your day! Good morning. Have a great day!"- Unknown Number


Psh. Daming namang alam neto. Gusto lang pala mag good morning.

Sumakay nako sa motor at tuluyang umalis











Pagkababa ko palang sa motor ko nakatanggap na agad ko text galling kay Stell.

"Sabay ako mamayang break. Kita nalang tayo sa cafeteria" – Stell

Patapos makita yon dumiretso narin ako sa room baka dumating na si prof.









Mabilis rin natapos ang mga subject namin kaya naman dumretso na kamio ni Bea sa cafeteria gaya ng sabi ni Stell. Wala pa sya kaya humanap nalang muna kami ng pwesto ni Bea para ilapag ang gamit naming.


"wala pa ba si Stell?" tanong ni Bea, "andito na yon maya maya, baka yung masungit na prof nila ang nasa klase nila ngayon kaya matagal nanaman sila palabasin" sagot ko nmaan sakanya.


Habang hinihintay si Stell, nilabas muna ni Bea ang laptop niya dahil may kailangan pa sya ayusin. At ako naman, tamang scroll lang muna sa social media dahil tapos ko na gawin lahat ng pinapagawa nung isan araw.


Malapit na rin kasi mag midterm kaya naiintindihan ko kung gano na kabusy ang mga kaibigan ko ngayon lalo na't iba iba pa kami ng mga kurso.


Ang last na kita ko pa ata kila Ken at Jah is nung isang araw pa, nung nakasalubong ko sila sa mall habang bumibili ng materials para sa pinapagawa samin. Pagtapos non sa groupchat nalang kami nagkakausap-usap.


"di ka pa ba gutom, Josh?" tanong ni Bea habang nakatingin sa screen ng laptop niya. "hindi pa naman, kung nagugutom kana mauna ka nalang muna mag order" sagot ko sakanya tsala umalis para bumili ng makakain.


Habang inaantay si Bea, nahagip naman ng mata ko si Ken at Jah na may kasama isang babae. Classmate at ani Jah to. Eto ata yung Ann na sinasabi nila nung nagkita kami sa mall.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Battle (SB19 JoKen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon