Few months later.
"Son, wake up!"
"WHAT?!", Sigaw ko kay Dad na nasa labas ng kwarto.
"Anong what?! Open the door, now!"
Tumayo nalang ako para buksan ang pinto. Wala naman akong magagawa, dahil alam kong di titigil si Dad hangga''t di niya ko nasesermonan.
"What now? "
"Ano bang what Kenji? Di mo ba alam na first day mo ngayon?! "
"I know, mamaya pa naman yon diba?"
"Baka nakakalimutan mong iba nang school ang papasukan mo, Kenji!"
Shoot! Oo nga pala! Argghhhh! Inaantok pako, dahil buong gabi lang ako nanonood ng anime. Aba malay ko bang bago na pala school ko. Ay mali, nawala sa isip ko na bago na pala school ko. Hay bwiset!
"Whatever!"
"Tumayo kana dyan! Bawal ka malate sa first subject mo. Kailangan mo pa mag report sa office ng school!"
"Bakit ako pa? Pwede mo namang gawin yon"
"Anong ako?! Ikaw ang gumawa tutal kasalanan mo naman kung bakitka nalipat! Naka ilang school kana ba Kenji pero di ka parin nagtitino!"
Napahilata nalang ako sa higaan ko at pilit kong tinakpan ang tenga ko gamitang unan ko.
"Wala nang private schools ang natanggap sayo dahil halos lahat na nagawan mo na ng kalokohan! Pasalamat ka nga at kaibigan ko ang isa sa mga share holders ng school na yon! Kundi sa kangkungan ka talaga pupulutin!"
"Oo na! Oo na! Kikilos nako, pwede ka na ba lumabas?"
"Kahit kailan ka talaga Kenji!"
Pag tapos non lumabas na sya ng kwarto, sanay na ko sa mga sermon ni Dad. Parang araw araw nga nakakatanggap ako ng sermon galing sakanya. Ako nalang kasi yung ntitirang anak sa puder niya, dahil yung dalawa kong kapatid ay nasa ibang bansa para asikasuhin ang negosyo namin don.
Napahilamos ako ng mukha tsaka tumayo para maligo at maghanda na. Tatatlong oras pa lang ata ako natutulog ng ginising ako ni Dad. Bwiset na pagaaral kasi sino ba nag imbento nyan?! Hay.
Pag labas ko naabutan ko si Dad na patapos na kumain. Hinantay ko muna siya matapos bago ako kumain. Simula nung nawala si Mom naging ganyan na si Dad. Laging galit at mainit ang ulo, diko alam kung dahil ba sa negosyo o dahil sa tumatanda na siya! Ay ewan.
"Kenji, pag punta mo sa school dumiretso ka sa office para mag report. Wag ka mag alala sinabihan ko na si Tita Gemma mo na itour ka ng anak niya don"
Nanatili akong tahimik dahil ayoko nang makipagtalo sakanya. Gusto kong ng payapa na utak bago pumasok.
"Narinig mo ba mga sinabi ko Kenji?"
"Yeah"
Pagkasabi ko non ay lumabas na siya para pumasok sa opisina. Tinignan ko ang cellphone ko, its already 5:27 in the morning. Masyadong maaga para sa 7:00am kong schedule.
Nasa gitna ako ng pagkain ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko yon para tignan kung sinong tumawag. And it's my girlfriend, Ash.
"Good morning babyyyyy"
"Morning"
"Nag-alarm talaga ako para mabati kita sa umaga, kumain kana ba?"
"Eating"
"Good, good luck sa new school mo! Hoy Kenji!"
"Hmm?"
"Wag na wag kang titingin sa mga babae don kung ayaw mong sugudin ko kayong dalawa sa school niyo!"
"Bat ko naman gagawin yon?"
"Good! Good luck baby, see you later! I love youu!"
"Yeah see you, love you"
I ended the call. Tama na ang kaingayan sa umaga. Kanina pa ko nakakarinig ng ingay at nakakarindi yon. After ko kumain, kinuha ko na ang bag ko at susi na nasa couch. Nung sumilip ako sa relo ko, its already 6:01am.
Na-stuck ako sa traffic for about 20mins. Kaya 6:40am nako nakarating sa campus. Kailangan kong maaga dahil may sasabihin pa sakin ang dean para sa schedule ko and such. And yung first sub ko pa is 7am. Bwiset na traffic kasi yan lagi nalang sakit sa ulo.
Habang naglalakad ako papuntang office, kahit di ko tignan alam kong pinagtitinginan ako. Siguro minsan lang sila makakita ng gwapo kaya ganon, hays.
Di na bago sakin yung bago sa isnag school. Parang na master ko na yung every year na freshmen kahit 2nd & 3rd year college nako kakalipat ko ng school. At sanay n din ako sa tinginan ng mga tao. Dahil kahit nung elem at high school ako madalas akong pagtinginan sa looks ko, hirap maging gwapo. Hays.
Nang makarating ako sa sa office. Kumatok muna ako once before I opened the door. And pagbukas ko nakabungad sakin agad ang ngiti ng dean ng school, tss plastic. Alam kong mahigpit at masungit siya ayon sa mga research ko.
"Hello Mr. Suson, welcome to Saint Bartholomew Christian College! Have a sit"
"Thanks"
Nagsimula na siya sabihin lahat ng rules and regulations dito sa school. And also, binigay na din sakin yung schedule ko para di nako mahuli. So, my day always starts at 7am. And after that marami pa siyang sinabi na ni isa wala man lang pumasok sa isip ko. Kasalanan ko bang di ako interested sa mga pinagsasabi niya.
"Okay Mr. Suson, thats all. Alam kong malapit na magstart ang first sub mo kaya tatapusin ko na to"
"Thank you, Sir"
"Oh by the way, Mrs. De Dios told me about you. At alam kong mahihirapan ka mag adjust dito"
"And?"
"The son of Mrs. De Dios is waiting outside, siyaang magiging tour guide mo dito."
"Okay" and lumabas nako.
Nang makalabas nako may nakita akong isang lalaki na busy sa pagbabasa ng books. At dahil don alam kong si Justin yon. Ever since, mahilig na si Justin sa books. Every time na dadalaw siya sa bahy nung bata pa kami, lagi ko siyang niyayaya para maglaro ng games. But he always refused it, mas mahilig siya magbasa ng books. Pero nakakalaro ko naman siyang pag outdoor games.
Justin is a bit weird sometimes, but he's fashionable. I mean kahit book worm at weird siya, di pa rin mawawala sakanya ang pag porma at don kami nagkakasundo.
"Busy?"
"Oy andyan kana pala! Sorry tinatapos ko lang tong book diko natapos nung bakasyon e"
"Di pa rin nagbabago, book worm padin"
"Hahahaha, san mo gusto pumunta?"
Sinipat ko muna ang relo ko bago sumagot sakanya, "Hatid mo nalang muna siguro ako sa room, in 5 mins magsisimula na ang first class ko e"
"Ah ganon ba? Osge tara!"
Hinatid ako ni Justin hanggang pintuan ng room tsaka nagpaalam.
"Sige see you later nalang sa cafeteria, ipapakilala din kita sa mga kaibigan ko para naman may iba kang kausap at di lang ako"
"Okay okay see you then"
"Okay see you"
Tinanguan ko lang siya at humanap ng bakanteng upuan. Maya maya nag ring na yung bell hudyat ng pagsisimula ng isang nakakaboring na araw
BINABASA MO ANG
Battle (SB19 JoKen)
FanfictionDifferent paths, different dreams. Would everything will survive if LOVE is our greatest weapon? Will the BATTLE between DREAM and LOVE will end? Can we survive all the challenges that our destiny had given to us? Could we find the ANSWERS on how di...